Chapter 12

2.1K 180 34
                                    

Mara's POV

"Misis malelate ka na."

Agad napaikot ang mata niya sa sigaw ni Xander. Mula nung payagan niya itong ligawan siya which is ten days ago ay halos araw araw itong nasa kanila. At walang kahiya hiyang tawaging mama ang mama niya at misis naman sa kanya.

"Oo na sandali." Sabi niya bago kinuha ang pantali nang buhok bago lumabas nang kwarto. "Sasama ka rin ma?" Tanong niya sa mama niyang nakapang alis na damit.

"Eh ang kulit nang lalaking to ayaw akong tantanan kaya sasama nalang ako." Sabi nang mama niya na ikinatawa ni Xander.

Well siya papasok sa restaurant habang ang tatlo ay mamamasyal daw. Gusto sana niyang sumama pero nakakahiyang umabsent at sayang ang kikitain niya.

Agad siyang nagpasalamat sa binata nang pag buksan siya nito nang pinto at ito din ang nagsakay kay Kyle sa car seat nito agad ding sumakay ang mama niya sa likod bago nagpunta si Xander sa driver's area.

"Handa na?" Tanong nito kaya tumango siya.

"Misis anong gusto mong pagkain mamaya pag sundo ko sayo?" Tanong nito.

Isa pa to, kada madaling araw ay sinusundo siya nito at laging may dala nang pagkain.

"Kahit ano, di naman ako mapili. At pwede ba tantanan mo ako sa kakatawag nang misis." Sabi niya pero humalakhak lang ito.

"Ma bat ang pakipot nitong anak niyo?" Tanong nito sa mama niya bago sabay na tumawa ang dalawa. "Wag mong pakialaman ang tawag ko sayo misis kung naiinggit ka di tawagin mo kung mister." Sabi nito. "Isa pa sinasanay lang kita, tutal dun din naman ang patutunguhan mo. Ang maging misis ko."

Agad siyang namula nang may pakindat pa talaga ang loko. "Misis agad? Diba pwedeng mag jowa muna?"

Ngumuso ito bago siya sinulyapan saglit tsaka tumingin ulit sa kalsada.

"Sus yoko nun. Gusto ko mag asawa agad. Para taling tali kana sakin at wala kanang kawala. Jowa jowa ano? Teenager?" Sabi nito na ikinailing nalang niya.

Nang makarating sila sa restaurant ay agad itong bumaba kaya nagpaalam na siya sa mama niya at kay kyle bago bumaba na din.

"Ingat sa pagmamaneho Xander." Paalala niya dito.

"Yes ma'am. Wag kang pakapagod ha? See you later misis." Sabi nito bago siya hinalikan sa noo kaya nahampas niya ito sa braso.

"Sige na kita nalang tayo mamaya. Bye" nakangiti nitong sabi at tatalikod na sana ito nang hawakan niya ang kamay nito. "Bakit misis?"

Huminga siya nang malalim bago yumakap dito na ikinagulat nito. Tumingala siya dito bago nag tiptoe at hinalikan ang pisngi nito.
"Salamat Mister." Bulong niya bago siya kumalas dito at agad na tumalikod.

"Mara, napakadaya mo. Isa pa misis ko." Sigaw nito kaya napatawa siya at patakbong nagpunta sa restaurant. Nang tingnan niya ito ay nakatingin lang ito sa kanya habang may ngiti sa labi. Kaya kumaway siya dito bago tuluyang pumasok sa loob.

-----------
Xander's POV

"Mukha kang natatae iho."

Agad na sabi nang mama ni Mara nang makapasok siya sa kotse. He bit his lips para pigilan ang pag ngiti pero di talaga niya mapigilan kaya napatawa siya.

"Nakita niyo yun ma? Hinalikan at niyakap ako nang anak niyo. Di lang yun tinawag din niya akong mister." He happily said na ikinangiti lang nito.

Damn that woman. How could she do this to him? Lunod na lunod na siya sa emosyong nararamdaman niya para kay Mara. At wala siyang balak na umahon. Ngayon lang siya naging ganto kasaya kaya bat aahon pa siya, tsk di siya tanga.

Agad niyang sinagot ang cellphone nang mag ring iyon.

"Xander ano na? Matagal pa kayo?"

Agad siyang napangiti nang madinig ang boses nang mama niya.

"Malapit na ma, hinatid muna namin si Mara. Give me fifteen minutes nagdadrive na ako." He said at agad na pinatay ang tawag.

Yes hindi sila mamamasyal. Pupunta sila sa bahay nang mga magulang niya dahil gustong makita nang mga magulang niya si Kyle at makilala din ang mama ni Mara.

"Sure ka naba talaga dito iho? Walang labasan tong plano mo."

Ngumiti siya bago tumango. "Sure na ma. Pinag isipan ko din tong mabuti at ito talaga ang gusto ko."

Huminga ito nang malalim bago tinapik ang balikat niya. "Napakasaya ko na ikaw ang nandito Xander. Sana lang sagutin ka agad nang anak ko para tuloy na tuloy ang plano."

Tumango siya bago nag focus sa pag dadrive. When they reach to his parents house ay agad nagkapalagayan nang loob ang mama niya at mama ni Mara agad umalis ang dalawa kasama ang ibang tita niya at nagpunta ang mga ito sa kusina.

"Kyle pogi." One of his cousin said kaya agad niyang binaba si Kyle na agad na tumakbo palapit dito.

Again yes buong angkan niya ang andito na talagang pinatawag niya kanina.

"Tingnan mo ang mga pinsan mo giliw na giliw kay Kyle." Napatingin siya sa nagsalita at nakita ang papa niya. "Masaya akong nakita ang pagbabago mo anak. From being a man who beded different woman every night to a one woman man now." Sabi nito bago tinapik ang balikat niya at umalis para puntahan ang bata.

Damn who would have thought na darating siya sa punto nang buhay niya na ganito? In his mind before ni katiting hindi niya naisip na magiging ganto siya. Heck for him racing and sèx with different woman is the ultimate joy in life, but now sumubra ang saya niya.

Goodness makita niya lang si Mara at makasama si Kyle ang saya na nang puso niya. And Nakayanan niya ang walang sex for couple of months now mula nang makilala niya si Mara. Ni ang magka interes sa ibang babae wala siyang maramdaman. Siguro kung may maghubad na babae sa harap niya ngayon baka tulugan niya lang.

"Hoy natutulala kana." Napatingin siya sa mama niya na yumakap sa bewang niya. Kaya hinalikan niya ang noo nito. "Sure kana nak ha? Wala nang atrasan. Mahal ko na si Kyle kaya dapat maging atin na siya." Sabi nito kaya napatawa siya.

"Sure na ma. Lika na sasabihin ko na sa lahat ang plano." He said bago ito inakay patungong sala at agad na sumunod ang mga pinsan niya pati papa niya na siyang may karga kay Kyle. Mara's mom and his auntie's and uncles are there too.

"Ok siguro nagtataka kayo bat nagpatawag ako nang meeting. Pero gusto kung humiling sa inyo, tulungan niyo akong ihanda nang pasekreto ang kasal namin ni Mara." He said na ikinasinghap nang mga babaeng naron.

"Sinagot kana niya?"

Umiling siya at gusto niyang mapahalakhak sa nakitang disappointment sa mukha nang mga babae. "Hindi pa, pero alam kung sasagutin din niya ako. Malapit na."

"At gusto ko sa araw nang pag sagot niya ay ang araw na maitatali ko siya sakin."

"Atat bro? Di mo muna ienjoyin ang pagiging mag jowa niyo?"

Ngumisi siya bago umiling.

"Bakit pa? Eh sa gusto ko na siyang maging asawa."

------------####---------
Ikakamatay ko ang ugali mo Xander. Hhahaah letse.

Gabriel143

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon