Chapter 10

2.1K 185 43
                                    

Mara's POV

Dalawang linggo na ang nagdaan mula nung magkasakit siya. At masasabi niyang ok naman ang buhay. Ang laking tipid nang mga gatas na binili ni Xander sa anak niya kaya kahit papano may naiipon siya ngayon.

And speaking of Xander sabi nang mama niya ay dumadalaw ito sa bahay nila para makipag laro sa anak niya. Ewan niya pero di niya ito matyempuhan, at sa loob nang dalawang linggo ay isang beses palang silang nagkita nito. Pinuntahan siya nito sa restaurant para mag paalam na magiging busy ito at hindi sila magkikita nang madalas.

Hindi niya alam kung bat kailangan nitong gawin yun pero inulan siya nang tukso dahil sa ginawa nang lalaki. Pati boss niya nakiki tukso narin kaya hiyang hiya siya minsan. Baka kung ano ang isipin nito sa kanila nang pamangkin nito. Ayaw pa naman niyang mawalan nang trabaho.

"Nanay."

Napatingin siya sa pinto nang restaurant at gulat nang makita ang anak na patakbong lumapit sa ka kanya. Agad itong yumakap sa bente niya kaya niyuko niya ito.

"Hala bat ka andito? Sino kasama mo?" Tanong niya.

"Sorry I bring Kyle here first bago ko siya dalhin sa bahay ko."

Napaangat siya nang tingin at nakita si Xander na ang bango bangong tingnan. Naka casual na pananamit lang ito pero ang lakas nang dating.

"Di ka nagpaalam." She said.

Ngumiti ito bago kinarga si Kyle. "Nagtext ako misis."

Agad siyang namula sa sinabi nito. At pinilit na inignora ang sinabi nito. "Wala akong natanggap."

Tila nag isip ito at tiningnan ang anak niyang gwapong gwapo din dahil bagong ligo ito at naka pang alis na damit. "Eh pano yan? Andito na kami ni Kyle? Ngayon nalang ako mag papaalam. Can I take Kyle to my house? Nasa kotse ko na ang mga kakailanganin niya." Sabi nito na nakapagbuntong hininga sa kanya.

Hindi ito ang first time na hiniram nito ang anak niya. Sabi nang mama niya minsan daw ay nagpapaalam ang lalaki na ipapasyal ang anak niya tas pag uwi eh marami nang bitbit na pagkain. And yes close na close na ito sa mama niya at sa anak niya.

Eh kayo kailan magiging close? Agad niyang kinurot ang sarili dahil sa naisip.

"Oo na. Basta ingatan mo ang anak ko. At dapat pag ala singko nakauwi na yan. Tatawag ako kay mama para malamang nakauwi na si kyle."

Isa din yan, halos awayin niya ang mama niya nang malamang tinanggap nito ang cellphone na bigay ni Xander. Tas ang katweran nang mama niya eh nung umayaw daw ito ay biglang itinapon ni Xander ang cellphone sa basurahan nang bahay nila kaya nabatukan tuloy nito ang binata.

"Yes ma'am." Nakangiti nitong sabi bago tumingin sa anak niya. "Mag babye kana sa nanay." Utos nito sa anak niya at agad siyang napangiti nang cute na kumaway ang anak niya at may flying kiss pa talaga.

"Alis na kami. Bye misis." Nakangisi nitong sabi at nang hahalik sana ito ay inambahan niya ito nang suntok kaya natatawa itong umalis habang karga ang anak niya.

---------
Xander's POV

"Pogi lika dito." Tawag niya sa bata na agad na tumayo at lumapit sa kanya. Agad siyang napatawa nang manlaki ang mga mata nito nang ipakita niya ang isang kotse kotsehan na pambata. "Nagustuhan mo?"

Agad itong tumango at yumakap sa kanya. "Akin tay?" Excited nitong tanong at nang tumango siya ay pinugpog nito nang halik ang kanang pisngi niya. "Salamat po nang malaki tay. Super big salamat po."

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon