Chapter 11

2.1K 167 25
                                    

Mara's POV

"Misis."

Agad siyang napalingon at nagulat na makita si Xander na nakaupo sa kotse nito. Nagtatakang nilapitan niya ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at agad siyang napasimangot nang maamoy ang usok yosi dito. "Naninigarilyo ka?"

TUmayo ito bago itinapon ang yosi nito tsaka siya tinitigan. "Ayaw mo ba?"

Tumango siya bago sumagot. "Ayaw ko nang amoy. Isa pa masama yan sa kalusugan."

Ngumiti ito. "Areglado boss, titigil na ako." sabi nito bago ito may kinuha sa kotse nito at talagang nag mumog ito ng mouth wash sa harap niya at halos manlaki ang mata niya nang maghubad ito nang tshirt at pinalitan iyon nang sandong itim. Di pa ito nakontento at nag spray pa talaga nang pabango. "Yan mabango na ako. Yakap nga misis ko." nakangisi nitong sabi kaya umirap siya na ikinatawa nito.

"Bat kaba andito? Alas dos na nang madaling araw oh."

"Dipa ba obvious? Hinihintay kita. Delikado na ngayon sa daan kaya sinundo na kita. Tara." sabi nito bago siya hinawakan sa kamay at inalalayang sumakay sa kotse nito.

Peste ang bango. sabi nang utak niya nang malanghap niya ang amoy nito dahil ito mismo ang naglagay nang seatbelt sa kanya.

Nang makasakay ito sa driver seat ay tinitigan muna siya nito nang ilang segundo.

"B-bakit?"

"Nagugutom kaba? Gusto mong kumain muna bago kita ihatid?" Tanong nito kaya tumango siya na ikinangiti nito.

At habang nagdadrive ay nakatitig lang siya dito. Mukhang galing ito sa race track dahil yun ang suot nitong pantalon.

"Ok lang sayo na mag drive thru tayo tas dito na sa kotse kumain?"

"Ok lang." sabi niya at nang makakita ito nang mcdo ay doon ito bumili. Syempre kanin at manok inorder niya habang ito ay kape lang.

"Gusto mo?" Sabi niya bago pinakita dito ang plastic na kutsara na may kanin at manok.

Ngumisi ito bago kinain ang isinubo niya. And for the whole time ay sinusubuan niya ito total nasa parking lot lang naman sila nang mcdo. At hindi siya naiilang sa ginagawa.

"Kamusta pala si Kyle? Di kaba kinulit?"

Ngumiti ito nang banggitin niya ang anak at agad na kinuha ang cellphone nito at halos mapanganga siya nang makitang ang wallpaper nito ay ang litrato kung saan magkadikit ang mukha nito at ni kyle habang ang lalaki nang ngiti.

"Cute namin noh?" Sabi nito nang ipakita sa kanya ang cellphone nito bago iyon in open at ipinakita sa kanya ang video kung saan nakasakay ang anak niya sa isang maliit na kotse at umaandar iyon. Ang sarap sa pandinig nang halakhak nang anak niya. Ang tuwa sa mukha nito.

Akala niya patapos na yun pero tila inilagay nang binata ang cellphone sa sofa at pinuntahan nito ang anak niya para ialis sa kotse tapos may binulong ang lalaki sa bata at agad na humalakhak si Kyle bago mahigpit na yumakap dito.

"Ang sarap kasama nang anak mo misis."

Napatingin siya kay Xander at agad na lumakas ang tibok nang puso niya nang makita ang sinsero nitong itsura habang nakatitig sa kanya.

"Namiss kita." Sabi nito at ganun nalang ang gulat niya nang lumapit ang mukha nito sa kanya at halos di na siya humihinga nang gahibla nalang ang layo nang labi nito sa kanya.

"Manliligaw ako misis. Liligawan kita." Sabi nito at agad siyang napapikit nang akala niya hahalikan siya nito sa labi pero hinawakan nito ang ulo niya at niyuko iyon kaya sa noo niya lumanding ang halik nito. "Tsaka na ang lips pag akin kana."

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon