Chapter 14

2K 165 11
                                    

Mara's POV

"Jusko nak wag kang tumakbo." Agad na sabi niya kay Kyle nang magpababa ito at tumakbo papasok sa isang mansion na hindi niya alam kung kanino, basta dinala siya nito dito after nilang kunin si Kyle sa bahay.

"Hayaan muna." Sabi ni Xander at nang makapasok sila ay agad siyang napatigil sa paglalakad nang salubungin siya nang lagpas sampung tao.

"Mamita gutom po ako."

Agad napatingin siya sa anak na ngayon ay kandong kandong nang isang ginang na kaedaran nang mama niya. Napatingin siya kay Xander nang hawakan nito ang kamay niya at pisilin iyon.

"Everyone meet Mara, ang babaeng papakasalan ko. And misis meet my mom and dad." Turo nito sa ginang na may karga kay Kyle at sa lalaking katabi nito. "And the whole Ventura Clan."

Alam niyang nararamdaman nito ang biglang panlalamig at panginginig nang kamay niya dahil humigpit ang hawak nito dun. "Hey relax, they don't bite." Bulong nito.

Huminga siya nang malalim bago yumuko sa mga ito. "Magandang hapon po." She said at halos mapaatras siya nang tumayo ang mama ni Xander at naglakad palapit sa kanya.

"So you're Mara." Walang emosyon nitong sabi kaya halos lumabas ang puso niya sa kaba.

"Opo."

Inabot nito si Kyle kay Xander bago siya tinitigan. "Sumunod ka sa kusina." Sabi nito bago ito tumalikod at nag sisunuran ang mga tita nang binata kaya tumingin siya kay Xander.

"Go, its ok." Xander said bago siya mahinang tinulak.

Natatakot man ay sumunod siya sa pinuntahan nang ginang at agad napatigil nang makitang nakapalibot ang mga ito sa kitchen island sa gitna nang kusina.

"Hi Mara." Napatingin siya sa boss niya sa restaurant na bukod tanging nakangiti sa kanya. Bali anim na babae ang andun ika pito siya.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Mahal mo ba ang anak ko?"Tanong nang mama ni Xander.

"Opo."

"Eh bat ngayon mo lang siya sinagot?" Nakataas ang kilay nitong sabi.

"Dahil gusto ko pong malaman kung seryoso po ba ang anak niyo sa akin. Sa nakita ko kanina alam kung alam niyo na may anak na ako. Wala po akong natapos at mahirap lang po kami. At sa itsura ng anak niyo alam kung madali siyang makakakuha nang babae nang hihigit pa sa kung ano ako. Kaya hindi ko po maiwasan na subukin ang anak niyo dahil baka nachachallege lang siya. At natatakot po akong masaktan ulit kaya naniguro na ako."

Tumango ito. "Then what made you change your mind?"

"Hindi po ako sinukuan ni Xander. Sa araw araw na nagdaan na lagi ko siyang kasama pinaramdam niya po sakin na mahal niya kung talaga. At ina lang po ako, malaking porsyento nang pagkahulog ko sa anak niyo ay dahil kitang kita ko ang pagmamahal niya para sa anak ko."

"Paano kung ayaw kita sa anak ko. Sabi mo nga maraming babae pa ang nakakAhigit sayo. So paano kung ayaw kung maging girlfriend ka nang anak ko?"

Agad nangilid ang luha niya at yumuko. "Sorry po pero hindi po kayo ang makakapag desisyon niyan. Hanggat sa mahal ako nang anak niyo at hanggat kailangan niya ko mananatili po ako sa tabi niya kahit ayaw niyo pa. Patawad po kung di ko naabot ang pangarap niyong babae sa anak niyo pero isa lang ang masisiguro ko. Papatunayan ko po sa inyo na mamahalin ko ang anak niyo nang higit pa sa inaakala niyo." Sabi niya bago nag vow sa mga ito. "Salamat po, aalis na ako."

Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.

"Now I know why my son is so into you." Lumapit ito sa kanya at ang walang emosyon nitong mga mata kanina ay napalitan na nang pag suyo habang nakatingin sa kanya. "You really have the ability to make the people around you love you Mara."

"'Ma'am."

Ngumiti ito bago hinaplos ang buhok niya. "My heart is at peace na mabuting babae ang napili nang anak ko. I was just trying to see if hanggang saan ang pagmamahal mo sa anak ko. And you pass my dear."

Agad nagtuluan ang luha niya dahil sa sinabi nito. "Salamat po ma'am."

"Its Mama Cathy Mara. And let me tell you this, wag mong ibaba ang sarili mo dahil sa isa kang dalagang ina. Dapat maging proud ka dahil sa panahon ngayon ang daming babae ang nagpapalaglag para lang matawag na dalaga." Sabi nito.

Ito mismo ang tumuyo sa mga luha niya. "Single parent is not easy. At saludo ako sa mga kagaya niyo dahil kahit alam kung hindi niyo na kaya ay lumalaban kayo. And I am amaze of how strong you are to stand up after what you've been through. Ang lakas mo Mara, at swerte ang anak ko na isang gaya mo ang minahal niya at mahal siya."

Hindi na siya nagdalawang isip na yumakap dito. "Salamat po."

------------

Xander's POV

"Are you ok?" Tanong niya kay Mara habang nakatitig dito. Namumugto kasi ang mga mata nito. "May sinabi ba sila mom?"

Ngumiti ito bago tumabi sa kanya kaya agad niyang ipinalibot ang mga braso sa bewang nito at hinila ito palapit.

"Mahal kita Xander Ventura."

Agad siyang napakurap sa sinabi nito. "Damn." He said nang halos lumabas ang puso niya sa lakas ng kabog nito.

"Kinikilig si Mister." Nakangiti nitong sabi bago ito humilig sa dibdib niya.

"Damn misis, sa simpleng banat mo halos mamatay ako." He said na ikinatawa nito. He kissed her forehead bago sila nagkasyang tingnan si Kyle na nilalaro nang mga pinsan niya.

"Bat nga pala parang kilala na ni Kyle ang mga pamilya mo." Tanong nito.

"Because this is not the first time that I bring him here." Sabi niya kaya napatingin ito sa kanya. "Yup, everytime na kinukuha ko si Kyle ay dito kami nagpupunta. My parents adored my son too much."

"My son?"

Ngumisi siya bago ito tinitigan. "Oo anak ko. Galing siya dito oh." He said sabay turo niya sa may parteng puso niya.

"Xander." Naluluha nitong sabi kaya niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

"Mahal ko si Kyle Mara, mahal na mahal ko ang anak mo. Kung hindi mo siguro ako nakayang mahalin baka hilingin ko nalang na hayaan mo akong maging ama nang anak mo. But thank god you love me, and I love you too much misis. Too much." He said.

"May kwarto kaba dito?"

Tumango siya at napakunot noo.

"Dalhin mo nga ako, gusto kung makita kung ano ang itsura nang kwarto mo." Sabi nito kaya kahit nagtataka ay dinala niya ito sa second floor kung saan ang kwarto niy dati.

"Here's my room, kung ano ang itsura nito ngayon ay ganun din ito noon. Hindi na inalis ang mga gamit ko dahil minsan natutulog din naman ako dito." He said bago tumingin kay Mara.

At ganun nalang ang pagtataka niya nang isinara nito ang pinto at sumandal doon. Ni hindi nito nilibot nang tingin ang kwrato niya instead nakatitig lang ito sa kanya.

"Misis?"

"Lapit ka." Sabi nito kaya lumapit siya dito. Agad siyang napakurap nang yumakap sa bewang niya ang mga kamay nito bago ito tumingala. "Mahal kita."

Ngumiti siya bago yumakap din dito. "Mahal din kita misis."

"So ano pang hinihintay mo? Halik na? O gusto mo ako pa huma----."

And kiss her lips he did. Tangina kanina pa siya nagtitimpi ha.

-----------####---------
Gabriel143

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon