The 4th target.
Alessia's P.O.V.
Nandito kami sa room, nag aabang kay baklitang Prof. Asahan na naman naming puro kalandian ang gagawin nun.
"Di ako papasok mamaya" napatingin ako kay Antonella. Lahat pala kami
"Ha? bakit naman?" tanong ni Isaac
"Tinatamad ako"
"Ay gago!"nasabi na lamang namin kala ko naman kung anong dahilan na. Tsk.
"Edi kami din dina lang papasok"panggagatong ni Isaac. bagay nga sila parehas tamad at malandi. napairap na lang kami ni Blaire.
"Hang out na lang tayo!"request ni Reign. jan naman sila magaling ng kapatid n'ya. buti na lang mabait ako este kami ni Blaire.
"Saan naman?" Luke.
"Kahit saan bawal sa amin eh, nandon ang parents namin" tamo tong babaeng to magsa-suggest tapos di naman pala pwede sa kanila, asar.
"Anlakas din talaga ng tama ng nililigawan mo ano, Francis"sabi pa ni Zayne na may inis, alam mo naman si Zayne daig pang babae, pa-chix ang puta.. Inirapan naman s'ya ni Reign at sinamaan ng tingin ni Francis.
"Sa inyo na lang kaya Luke, total wala naman ang parents mo" umirap si Luke na parang babae
"Baka naman mainaman kayo? di porket wala ang magulang ko dun gagawin ko ng tambayan ang bahay namin!"Luke.
"Dali na dude! madalang naman eh!"pag mamakaawa ni Walter. tsk. mukang pato ang putangina...
Tiningnan ko naman si Luke, ang kaninang seryosong mukha ay biglang ngumiti ng nakakaloko saka kumindat sa akin. mahanginan sana yang mata mo nang di na bumalik sa dati!.. kaasar. Napa irap na lang ako sa hangin. Nagulat naman ako dahip bigla s'yang binatukan ni Walter."Dre sinong nagsabing pwede mong kindatan ang aking binibini" iwww. namula ako at pakiramdam ko masusuka ako dahil sa pagtawag n'ya sakin ng binibini. The heck!.
" 'yan malandi kase eh!"bulong ni Blaire pero narinig naming lahat kaya napatingin kami sa kanya. Sinamaan n'ya kami ng tingin, creepy..
"Di naman ako malandi babylabss gusto mo sayo na lang ako" Sabay lapit kay Blaire pero si Blaire ay umusod patabi, mukang badtrip na badtrip ang aking kababata kay Luke.
"Tch, neknek mo! di ka siguro naghihilod pag naliligo" natawa naman kami sa sinabi ni Blaire habang si Luke ay sumambakol ang muka.
"Anong hindi! eh nakakatatlong beses nga akong hilod at banlaw!"hiyaw ni Luke, nginisian lamang s'ya ni Blaire
"Eh bakit ganun?"
"Anong bakit ganun!?"
"Kung naghihilod ka ng maayos at nagbabanlaw, bakit ang kati mo pa din"Bigla naman kaming naghagalpakan ng tawa dahil tila sinabugan ng bomba ang mukha ni Luke, yukot na yukot ang mukha at mamula mula sa inis
"Tsk. bahala nga kayo! maghanap kayo ng pagtatambayan n'yo papasok na lang ako!" nagpapadyak si Luke papunta sa tamang upuan n'ya dun sa kabilang side. Napatawa na lang kami sa inasta nito

BINABASA MO ANG
She's The Real Boss
Подростковая литератураAkala ng iba simpleng babae lang si Laxxene. Isang simpleng basagulera,laging kasangkot sa gulo at gustong lagi'y mag-isa. Tama ba ang akala nila? o May dapat pa silang malaman