CHAPTER 34

87 2 0
                                    

Yes!

ZAYNE

"Uy, dude. Sorry na!" Pangungulit sakin ni Walter pero in-snob ko lamang s'ya. Aba! Ay making mali ang ginawa nila ni Alessia! Sinira nila ang aming bebe time! Napahiya pa ako dahil nakita n'ya akong naka-brief at nalaman nila ang pagkadulas ko sa skateboard ni Laxxene!

Teka.... Nasan na nga ba ang babaeng 'yon? Magta-time na pero di pa din s'ya pumapasok.

"Umalis ka nga d'yan! Upuan 'yan ni Laxxene!" Angil ko dahil umupo s'ya sa tabi ko...

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako pinapatawad!" Pagpipilit n'ya kaya napabuga ako ng hininga! Di ko s'ya pinansin at nakatingin lang sa unahan habang naka-halumbaba.

"Oo na! Umalis ka lang d'yan! Nabwi-bwisit ako sa pagmu-mukha mo!" Inis kong sabi at iwinasiwas pa ang kamay ko para itaboy s'ya.Tinawanan lamang n'ya ako at sumisipol na bumalik sa upuan nila ni Alessia. Bwisit! Nakakabarino! Baka dahil sa ginawa nila ay hindi pumasok si Laxxene! Aisssh!

LAXXENE

Nandito ako sa coffee shop at hinihintay ang taong kakausapin ako, hindi ako makakapasok dahil madami akong dapat asikasuhin. Nalaman kong may binabalak ang kalaban namin at panigurado akong malaking plano 'yon dahil matagal din silang nanahimik. Kung ano man ang pina-plano nila ay sisiguraduhin kong mapupurnada ko 'yon. Ano pa't ako'y naging nagapamahala ng Mafia kung wala din naman akong silbi.

"Laxxene!" Masayang bati nina Alistair at Harly na kararating lamang. Isa din pala sa mga ninja si Alistair na pinsan ni Zayne at magkasintahan sila ni Harly. Akalain mo nga naman napaka-liit talaga ng mundo.

I nodded. "Take a sit." Utos ko at umupo na sila.

"Bakit n'yo ako gustong kausapin?" I asked.

Tumikhim muna si Alistair at niluwagan ang neck tie n'ya.

"These past few days ay may umaaligid sa compound namin, nakausap n'ya ang isang tauhan ko at sinabing gusto daw akong kausapin ng boss nila para sa business... At yun na nga nakausap ko na, ang sinasabi nilang boss nila ay may malaking tattoo na black ribbon sa leeg. They want us, to be on their side." Napa-ayus ako ng upo at sinuklay ang buhok.

Aba ang mga lintik na 'yon. Balak pang sulutin ang grupong hinahawakan ko, oo.. ako na din ang namamahala sa kanila dahil bilang pasasalamat daw... Iaalay nila ang grupo nila sakin. "At maghahanap pa sila ng kakampi?" Natatawa kong sabi at sumimsim ng kape.

"Hindi lang 'yon, Lax. Nabalitaan kong may isang grupo na ang nasulot sayo at sa pagkakaalam ko... Pati ang Kuya mo, gusto nilang kunin." Naihampas ko sa mesa ang mga kamay ko! Putang ina nila, kunin na nila ang lahat wag lang ang Kuya ko at sinasabi ko sa kanila... Buhay nila ang kukunin ko, mga gagong 'yun! Anong tingin nila sakin? Ganun na kalakas para pati ang Kuya ko kunin nila? Nagkakamali sila, mas madami ang kahinaan ko. Ang mga Mahal ko sa buhay lalo na sina Daddy at Kuya.

Narinig ko ang singhap ni Harly kaya inaangat ko ang tingin ko sa kan'ya at ganun na lamang ang panlalaki ng mata n'ya.

"L-laxxene naman... Wag mo nga akong tingnan ng ga-ganyan!" Sita n'ya sakin at yumakap sa bisig ni Alistair. "Sorry," Sabi ko at binalik sa walang emosyon ang kaninang nanlilisik kong mata.

She's The Real BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon