Chapter 18

153 7 0
                                    

Two Evils

Zayne's P.O.V.

"Dude tara papalamig muna"aya sakin ni Walter at Luke. Kanina pa kase kami inaasar nina Isaac dahil nga daw mga torpe kami.




"Hoy saan kayo pupunta!?"hiyaw ni Francis, sinamaan ko siya ng tingin at sumunod na kila Luke palabas ng canteen. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng kababaihan, iba talaga pag mga gwapo.






"Kung di ko lang gusto Si Blaire baka naka ilang babae na ako eh"may panghihinayang ang boses ni Luke. Totoo din naman dahil madaming nalapit na babae kay Luke pero sinusungitan lang niya.







"Kung di ko lang talaga mahal yang Alessia na 'yan, iiwanan ko yun. Aba't lagi akong pinapahiya!"inis na sabi ni Walter kaya napangisi na lang ako.









Naglalakad kami papuntang gym dahil magba-basketball na lang sana kami pero mukang hindi kami makakapaglaro dahil puno ang gym at parang may kaguluhang nagaganap.





"Mukang may gulo dito ah"Luke




"Tara na dre sa iba na lang tayo"-Walter





"Mamaya na tingnan muna natin kung anong kaguluhan to"sabi ko at nakipag-siksikan sa mga nandito, ganun din sina Luke. Winawahi namin ng braso mapa-babae o lalaki dahil ganito ata talaga kami ka-chismoso.





"Ikaw ang arte mong babae ka! natapunan ka lang eh!"hiyaw nung babaeng nakaluhod dahil dinadaluhan niya ata yung kasama niyang naiyak at punong-puno ng spaghetti ang ulo. Tinaasan lang ito ng kilay ng mukang dancer sa bar na babae dahil napaka ikli ng suot at base sa uniform college na ito.






"Don't you know me!? I'm the queen here"maarteng sabi nito at umakbay sa lalaki na katabi nito, iw. Maarteng malandi. Tumayo naman yung babaeng nakaluhod kanina at hinarap si Ateng malandi.




"Puta! dito sa school? queen ka?! baka naman ineng nagkamali ka ng pinasukan dahil ang mga kagaya mong babae na ganyan manamit sa bar nababagay"napa-owww naman lahat ng manonood dahil sa sinabi nito,palaban! 'yan yung nagustuhan ko kay Laxxe----- erase erase may asawa na yung tao tanggapin ko na lang na wala akong pag--- bwisit!

*pak*

"How dare you to say that to me! you fuckin' whore!"hiyaw nung malandi pagkatapos sampalin ng malakas yung babaeng palaban. Parang naiiyak na yung babaeng palaban pero pinigilan lang niya. Akmang sasampalin niya ulit ang babae pero napatingin kami sa unti-unting humahawing daan at may mga nagtutumbahang studyante dahil tinatadyakan sila nito at pati narin ng kasama nitong lalaki.




"Honey akala ko ikaw na agad ang bully dito pero parang may ume-eksena"malambing na sabi nung Lexxuse kay Laxxene habang naka akbay kay Laxxene. Inis na inalis niya ang pagkaka-akbay nung Lexxuse, 'yan tama yang ginawa mo Lax! bwisit talaga!








"Who are you? gusto mo bang mapagaya sa dalawang talunan na ito?!"hiyaw nung babae at parang model na naglakad palapit kay Laxxene ang lalaki naman na kasama nito ay palapit na din kay Lexxuse. Nanatiling naka-pamulsa ang dalawa at hinihintay lumapit ang mga nang bubully.





"Hiiiii"nagulat kami dahil imbis na tumapat yung lalaki kay Lexxuse ay kay Laxxene ito tumapat na siyang ikinagulat din nung kasama niyang babae. Si Lexxuse naman ay parang papatay dahil sa tingin. Akmang hahawakan nung lalaki ang kamay ni Laxxene pero agad n'ya itong hinablot at pinilipit dahilan para mapaluhod ang lalaki at nagsisigaw sa sakit, lahat kami ay gulat na gulat dahil ngayon ko lang nakitang makipag laban si Lax. at sa lalaki pa!.


She's The Real BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon