Stick with him
LAXXENE
"Ayaw mo talagang magsalita ha, itong sayo." Inis na sabi ni Ruby at walang pasabing sinipa ang mukha ng lalaki na ikinatumba nito kasama ang upuan kung saan s'ya nakatali, gamang maiwan yung bangko at s'ya lang ang bumagsak diba? tch. Umungol ito sa sakit. Akmang lalapitan pa ito ni Ruby pero pinigilan ko na s'ya, baka di pa nakakapagsalita ang mukong na to ay napatay na n'ya sa bugbog.
"Calm your tits, Ruby."
Bumuntong hininga lamang s'ya at naglakad palayo. Kumuha s'ya ng isang stick ng sigarilyo sa kahang nakapatong sa lamesa at kaagad sinindihan ito. Itinayo kung muli ang silya, tiningnan kong maigi ang duguang mukha ng lalaki dahil naka-ilang sipa na si Ruby dito pero ayaw pa ding magsalita. Kung di s'ya kayang pakantahin ni Ruby ay ako na ang gagawa.
Naglakad ako papunta sa malaking cabinet at kinuha ang isang galing gas. Nanlalaki ang mata n'yang tumingin sakin, ngumisi ako. "Looks like you're not going to sing kaya mas maigi pang tustahin na lamang kita." Kita ko ang mga namumuong pawis mula sa noo n'ya, coward. Lumingon ako kay Ruby at nag thumbs up pa ito sa akin. She's enjoying the show.
"T-teka! H-huwagg!" Palakat n'ya pero di ako tumigil sa pagsasaboy ng gasolina sa kanya. I had decided, di ko na s'ya papaaminin. Sa gagawin kong ito ay magkukusang lumabas ang nag-utos sa kanya. "N-nagmamakaawa a-ako..." Awa? Wala na akong awa para sa mga taong kagaya ko, na halang ang bituka.
I smirked at him. "Pakihintay na lamang ako sa impyerno kaibigan!" Saka nilabas ang posporo mula sa aking bulsa. Nalimutan ko kaseng dalhin ang wallet ko eh, kaya umutang muna ako ako kay Aling Bebang ng posporo. Ayaw pa nga n'ya akong pautangin e, baka daw di ako magbayad. Susmiyo marimar naman para dadalawampiso lamang eh.
Kinaltis ko na ang palito sa lalagyan at inihagis iyon sa paanan n'ya na agad nagsilab. Mga ilang sandali ay nagpapalahaw na s'ya dahil nagliliyab na ang sapatos n'ya,... "My,my,my, sayang ang gwapo mo." Rinig kong sabi ni Ruby. "Putang*na! P-pakawalan nyo ako d-dito!" Atungal pa n'ya pero di ko s'ya pinakinggan at lumapit na kay Ruby. "Paano ba 'yan, paalam ulit kaibigan. Ikamusta mo na nalang ako kay Satanas." Tinaas ko ang kanang kamay ko at umunang maglakad palabas ng bodega.
"P-pata... Y-yin kkita!!!" Huling sigaw n'ya na narinig namin, napabungisngis kami ni Ruby. "Papatayin kamo? Eh hindi nga s ya nakawala sa pagkatali sa bangko eh," naiiling na sabi ni Ruby. "Papasok pa ba tayo?" tanong n'ya.
Umiling ako, "I'm not in a mood."
NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa gilid ng kama at sinagot. Di ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag.
"Oh?"
"Where are you!?" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko.
"What the fuck, Zayne. Wag kang humiyaw!" I hissed. Kakagising ko lamang binabadtrip n'ya agad ako.
"Eh bat humihiyaw ka din!" Aba't ano 'to?! Mag hihiyawan kami!? Dahil sa inis ko ay pinatay ko ang tawag. Bwisit! Panira ng tulog. Wala naman palang importanteng sasabihin.
Nagulo ko ang buhok ko dahil tumatawag na naman s'ya.
"What is your problem, huh." Malamig kong saad at narinig ko ang bahagyag paglunok n'ya.
BINABASA MO ANG
She's The Real Boss
Roman pour AdolescentsAkala ng iba simpleng babae lang si Laxxene. Isang simpleng basagulera,laging kasangkot sa gulo at gustong lagi'y mag-isa. Tama ba ang akala nila? o May dapat pa silang malaman