Chapter 19

173 6 0
                                        

Critical

Laxxene's P.O.V.

"Anong sabi ni Daddy?"tanong ko kay Kuya kase tumawag si Daddy eh. Nandito kami sa likod ng school para magpahangin at mag usap ng walang ibang makakarinig kundi kaming dalawa lamang. Magpapanggap kaming mag asawa dito sa school dahil  'yon ang utos ni Daddy, para daw di agad kami mahanap ng mga kalaban mahirap na baka maunahan kami. Ang alam kase nang iba ay nasa ibang bansa si Kuya at hiwalay ang grupo, may naghahanap sakin at may naghahanap kay Kuya sa ibang bansa gets? kung hindi nyo naman gets malalaman nyo din naman sa huli.








"Tingin ko ay yung mga nakaaway natin sa gym ay kalaban dahil may nakita akong blackribbon na tattoo sa kanang leeg nito, di mo lamang napansin dahil tumalikod ka agad" I released a deep breath. Black Ribbon ang palatandaan sa kanila na nakatattoo sa iba't-ibang parte ng katawan at ang may mga ganyan lamang ay Yunoma Mafia ang pinaka-matinding kalaban namin.






"In my observation, kalat na ang Yunoma members dito sa school na'to, kailangan doble ingat"kalmadong sabi ni Kuya na tinanguan ko lang.







"I guess, I have to be more active on guarding them. Nagsisimula na ang laban at uunahin nila ang mga taong malalapit sa atin."sumang-ayon naman si Kuya at hinawakan ang kamay ko.







"Please be safe honey, I can't afford to lose you and dad. You know how much I love you"malungkot na sabi ni Kuya na para bang may mangyayareng masama sa akin. Tinampal ko ang kamay niya.





"Ano ba Kuya kung magsalita ka para namang mawawala ako!"sabi ko at kita ko ang maluha-luhang mata ni Kuya kaya sumeryoso ako.








"I'm strong enough Kuya, You don't have to worry."sabi ko at nginitian siya saka niyapos ng mahigpit. Ipangangako kong pupulbusin ko ang mga kaaway at magkakaroon kami ng buhay na matiwasay.





"Nagiging madrama na tayo tara na-----ouch!"daing ni kuya dahil dinagukan ko siya.






"Panira ng moment!"Ako- at nag martsa paalis kaso bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinigit na pabalik ng school. As usual pinagtitinginan na naman kami at kami nga daw ang tinaguriang COLD CHOCOLATE COUPLE like what the fuck! saan nila nakuha ang nakakasukang tawag na 'yan, sabi nila kami daw ay cold sa iba pero sweet sa isa't-isa masyadong mataba ang utak nila para maisipan pa ang ganung tawag sa amin. Bwisit






Naglakad na kami papunta sa classroom dahil nandoon pa ang bag namin ni Kuya. Nang marating namin ay agad pumasok si Kuya pero ako'y nagpa iwan sa may pinto dahil may naramdaman akong kakaiba, nanatili akong nakapamulsa para di halatang may nararamdaman akong nakatutok sa akin at hindi nga ako nagkakamali isa itong sniper at nakatutok sa akin. Ramdam ko ang pagkalabit nito ng gatilyo kaya agad ako humakbang ng isa pakanan para maiwasan ang bala. Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko at kumaripas ng takbo si Kuya papunta sa akin pati na din sila Alessia pero pinandilatan ko sila ng mata dahil ramdam kong babarilin pa ako. Hindi siguro naintindihan ni Kuya kaya agad na nakalapit sa akin at niyapos ako naramdaman ko na naman ang pagkalabit ng gatilyo kaya agad kong nilipat ang pwesto at sinandal si Kuya sa pinto na dahilan para mabaril ako sa likod na bandang balikat. Nanlaki ang mata nina Kuya sa gulat, ngumiti lang ako.


"H-honey!"nauutal na sabi ni Kuya dahil nanlalata ang tuhod ko masyadong mataas ang kalibre ng baril na ginamit kaya baon na baon ito sa likod ko. Ramdam ko ang panghihina at papikit kong mata, magsasalita na sana ako ng makaramdam ako ng matinding kirot at pagkahilo, and everything went black.




She's The Real BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon