Chapter 26

111 5 1
                                        

Weird

Laxxene's POV

"Damn! Ang sakit ng katawan ko!"- inda ko habang nakahiga sa aking kama, kanina pa din tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa katatawag nina Kuya. Siguro'y hinahanap nila ako, di ba nila nahalata na nandoon naman ako kanina? At ako yung namamahala sa red Ninjas? Siguro ay nagtataka kayo kung bakit di ko ipinapaalam sa kanila ang tungkol do'n.

Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila, siguradong di rin naman nila mai-intindihan dahil nakilala ko rin lang naman sila ay nung may dumukot sa akin sa hospital. Chapter19

Mula sa aking pagkaka-higa ay nakaramdam ako ng kaluskos sa paligid at panigurado akong may ibang tao dito sa silid, nanatili akong nakapikit at pinararamdaman ang bawat kilos nila. Ramdam ko ang paglapit nito sa akin at muntik na akong mapahiyaw dahil bigla akong umangat sa ere dahil binuhat n'ya ako.

Nagmulat na ako at tiningnan kung sino ang nangahas na bumuhat sa akin kahit alam naman n'yang madaming nakakabit sa aking katawan at ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon!

"Before kidnapping me, pwede bang alisin mo muna ang mga nakakabit sa akin? Hindi mo magugustuhan pag nagalit ako." I said with my infamous cold tone.

Dahan-dahan n'ya naman akong ibinaba, ganun din ang marahang pag alis n'ya sa mga nakakabit sa akin.
Masakit padin kahit dahan-dahanin n'ya kaya naman tinampal ko ang kamay n'ya at ako na mismo ang humiklat sa huling swero. Nagulat naman s'ya at napamura ng makita n'yang nagdurugo ito pati na rin yung iba.

"Shit you're bleeding!" I just smirked. Tingnan mo nga naman ganto ba dapat ang nangki-kidnap? Aba! Ay napaka-bait n'ya naman. I stared at him na ikinalaki ng mata n'ya, akmang tatanggalin ko ang takip ng kanyang mukha ng bigla n'ya akong binuhat Kaya naman ay nasipa ko ang ilang kagamitan dahilan ng ilang ingay. Malulutong na mura ang pinakawalan n'ya bago tumakbo pa-balkonahe ng kwarto, may naka-abang na chopper dito at nilaylay na ang ladder.

Binago n'ya ang pwesto ko na ikinadaing ko! Paano ba naman ay sinukbit ako sa balikat na parang sako ng bigas at napatama ang balikat kong may tama ng baril sa parteng tagiliran n'ya. Hindi n'ya ako pinansin at ekspertong tinalon ang galitan dito patungo sa ladder, I must say he's good but not enough compare to me.

*****

Nasa harap ko ngayon ang ilang mga ninja na naka-suot ng pula at puting ninja suit, ano kayang kailangan ng mga ito sa akin? Matapos ang engkwentro sa ospital ay sila mismo ang nang-gamot sa sugat ko at tinuring pa akong bisita at isa lang ang ibig sabihin n'on dahil may kailangan sila sa akin.

" I won't make this long, kaya ka naririto ay dahil kailangan namin ang tulong mo. Nanganganib ang kanyang buhay at hindi naman basta-basta lamang bibitawan ang isa sa pinaka-magaling na kagrupo namin. I want you to help us to rescue her, wag kang mag alala dahil may kapalit Naman kung sakaling tutulungan mo kami."

She's The Real BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon