Laxxene number 1 hater
Laxxene's P.O.V
Hayyyy kapagod. Nag unat unat ako pagkatayo ko. I look at my wrist watch. 1:00 hala ala una na pala ng hapon, nakaramdam ako ng gutom at pagkulo ng tiyan. Sa karinderya na lang ni Lola ako kakain, miss ko na si tanda. Naligo na ako at nag ayos ng kauntian.
Big shirt at short na lang ang sinuot ko kakain lamang naman ako eh. Gucci ang suot kong tsinelas. Bumaba na ako para umalis gaman namang bumalik diba?. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papuntang karinderya.
Pagbaba ko ng kotse ay nagtinginan sakin ang mga costumers ni Lola. God wrong timing ang daming costumers hayai na gutom na talaga ako eh!
Naglakad ako papunta sa orderan at nakita ko agad si Lola."Lola!"hiyaw ko dahil nakatalikod s'ya sakin, nag sasandok ng ulam. Gulat s'yang napatingin sakin at ngumiti agad, iniabot n'ya sa isang kasamahan n'ya ang ginagawa n'ya para makalapit agad sa akin.
"Ophelia apo!"masayang bati nya at lumabas sa pwesto nila. Halatang galak s'yang makita ako. I feel flattered. May lola na ulit ako! also another family. Niyapos ko si Lola na ikinagulat n'ya.
"Naku! bata ka! mabaho na ako at pawisan! wag mo akong yapusin nakakahiya sayo!"agad na lumayo sakin si Lola na napamungot ako.
"Ano ka ba Lola! wala akong pake. Bango kaya ng pawis mo!"pambobola ko kaya napatawa si Lola
"Talaga anong amoy?"masayang tanong ni Lola
"Amoy pinaksiw Lola hahahaha!"pinalo naman ako ni Lola sa braso pero mahina lang. Iginaya n'ya ako papunta sa bakantang lamesa, yung dating pinag pwestuhan ko.
"Wala na akong pina-pwesto jan mula ng makilala kita, apo."nagulat naman ako sa sinabi n'ya.
"Bakit nama Lola! sayang din ang pe-pwesto kung sakali!"hinayang kong sabi sa kanya.
"Naaalala kase kita apo pag natingin ako jan, nawawala ang pagod ko kase naiisip ko ang tomboy na apo ko!"pagbibiro ni Lola
"Tomboy ka jan, Lola. Ang ganda ko kaya!"tinawanan lang ako ni Tanda at tumalikod na para kuhanan ako ng pagkain
"Oh apo ang pagkain mo"
"Hala! lola naman bibitayin na ba ako?!"gulat kong tanong dahil halos lahat ng nasa menu nila ay nakahayin sa lamesa ko.
"Naku, kulang pa iyan sa naitulong mo apo" umiling ako
"Hindi naman ako nahingi ng kapalit, lola."sabi ko at nilantakan na ang pagkain. Narinig ko naman ang pagtawa ni Lola. Nagpaalam na s'ya dahil madami pang costumers.
Mauubos ko na ang pagkain, konti na lang. Busog na busog na ako pero hinahanap hanap pa din ng bunganga ko ang pagkain dahil sa sarap, siguro may gayuma ito. Haha joke.
"Aba apo! hindi kaya maimpatcho ka naubos mo lahat?!"gulat na sabi ni Lola na kakadating lamang
"Aba ay sayang naman lola kung di ko mauubos at saka masarap kase masyado eh"kinurot naman ako sa tagiliran ni tanda.aba abuso to ah. suntukin ko kaya itong matandang to. pero syempre joke lang! patayin ko na lang sarili ko pero hinding hindi ko sasaktan Si Lola.
"Mahilig ka talagang mambola" sabi ni Lola at iniimpis na ang mga pinagkainan ko. Tinulungan ko naman s'ya dahil mukhang pagod na si Lola. Lumapit ako sa dalawang kasamahan ni Lola, mga kasing edadin ko lang din.
BINABASA MO ANG
She's The Real Boss
Novela JuvenilAkala ng iba simpleng babae lang si Laxxene. Isang simpleng basagulera,laging kasangkot sa gulo at gustong lagi'y mag-isa. Tama ba ang akala nila? o May dapat pa silang malaman