Missing
Alessia 's P.O.V.
"Sorry we did our best but-----------"di na siya pinatapos ng salita ni Kuya Lexxuse dahil agad sinungaban ng suntok, napamaang kami dahil dinakot ni kuya ang leeg nito at itinaas gamit ang isang kamay. Nagpupumiglas ang doctor at namumutla na dahil sa pagkakasakal ni Kuya kaya naglakas loob ako suntukin ang braso niya kaya nabitawan niya ang doktor. Umubo ubo ang doktor at hawak ang leeg.
"W-we d-did o-our best b-but we c-cant r-remove t-the p-poison, masyadong kakaiba ang l-lason k-kung kanino nanggaling ang lason 'don n-n'yo din makukuha a-ang anti-dote. E-excuse me"laglag ang panga namin at si Kuya naman ay napaluhod ay pinagsasambunutan ang sarili nakakaawa si Kuya dahil di na n'ya alam ang gagawin para gumaling si Laxxene mahal na mahal niya talaga si Laxxene. Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap si Kuya.
"F-fuck this!"sabi kuya habang tumutulo ang luha at nakayapos sa akin, halos lahat kami ay awang-awa sa kaniya. Si Lola naman ay hukihikbi at inaalo nina Blaire.
"I-i can't bear to lose h-her" Ramdam ko ang pag-kibo ng mga balikat n'ya halatang nagpipigil humagulhol, pati nga ako ay napapaiyak dahil ngayon ko lang ulit nakitang umiyak si Kuya pero mas malala ngayon lalo na't ang pinakamamahal niyang kapatid ang nakaratay at nag aagaw buhay.
"N-no n-no G-god p-please n-not h-her"pumiyok na ang boses ni Kuya wala akong magawa kundi haplusin ang kanyang likod.
"G-god d-di n-yyo pa naman k-kukunin a-ang p-prinsesa ko d-diba?"medyo tumataas na ang boses niya dahil may halong galit na ito kahit kinakabahan ay tuloy pa din ang paghaplos ko. Tumayo na si Kuya at pinahid ang luha, I stunned when his face turns into his dark expression pati sina Zayne ay napatigil.
"I'll go home now, take care of my sister. I have something to fix"malamig n'yang sabi at tinalikuran na kami at tinahak ang pababa. Naiwan kaming nakanganga at naguguluhan, kanina naiyak s'ya tapos ngayon parang balewala na sa kanya ang nangyayare.
"What was that?"tanong ni Walter.
"I don't know, he's acting weird"sabi ko na lamang.
"Mabuti pa tingnan na natin si Laxxene"sabi ni Zayne at umuna na sa kinaroroonan ni Laxxene. Sumunod na din kami habng si Lola ay inaalalayan ni Blaire. Nakarating na kami sa kwarto niya at agad kaming nanlumo dahil sa napakadaming nakakabit sa kanya. Lumapit ako sa aking pinsan at hinawakan ang kamay.
"H-hey c-cousin wake- u-up"naiiyak na ako
"H-hoy Laxxene t-tang i-ina k-ka g-gumising ka j-jan! b-bugbugin mo pa k-kami diba?"naiiyak na sabi ni Antonella, i'm trying to hold my tears not to fall.
"A-alam mo ba s-si K-uya ang h-hina n-niya kanina, k-kase umiyak s-siya. D-diba a-ayaw m-mo sa mahina? g-gising ka n-na p-parusahan m-mo k-kami!" pumiyok na ako at humagulhol. I can't hold back my tears anymore. May yumakap sa akin at don ako umiyak.
"Paano 'yan saan natin hahanapan ng gamot si Laxxene? eh hindi natin alam kung sino ang bumaril sa kanya"-Blaire.
"I don't know"-umalis ako sa pgkakayakap kay Walter at sinapo ang noo, parang sasabog ang utak ko eh. Hindi kaya nagsisimula na? hindi lang nila sinasabi sa amin?. Ako lang ang makakahalata dahil ako lang ang may alam, lahat lahat tungkol kay Laxxene, sina Antonella ay ang alam lamang ay simpleng gangster ang pinsan namin kase yun ang sinabi ng magulang nila ganun din si Blaire. Di nila alam magkakasosyo ang magulang namin pagpapatakbo ng mafia. Tama mafia. Delikado na ang lagay namin ngayon kung nagsisimula na nga.
"Hindi na ba babalik yung asaw---- este yung kapatid ni Laxxene?"tanong ni Luke.
"Hindi ko alam"sagot ko.
"Bakit binaril si Laxxene?"-tanong ni Isaac.
"She's a gangster, a well known gangster queen. Maybe one of her enemies"pinanlakihan ko ng mata si Reign.
"What the fuck Reign!"galit kong hiyaw at akmang susugudin si Reign pero agad na inawat ako ni Walter.
"What? hindi naman siguro masama sabihin?"sabi niya na mas kinainis ko si Blaire naman ay nagkuyom ang kamao dahil nagpiigil din.
"Don't you know her rule!?you dumbass! pag nalaman niya ito, tandaan mo Reign baka makalimutan niyang pinsan ka nya"sabi ko at umuo ulit sa tabi ni Laxxene na nuyo't na ang labi and her eyes were swollen. Napapaawa ako dahil hindi ako sanay na makita siyang ganito. Mukang natakot si Reign dahil napaupo siya at napatakip ng bunganga.
Pansin kong kanina pa hindi nagsasalita si Zayne ay malungkot lang na nakatitig kay Laxxene. Ang mga kaibigan niya naman ay gulat pa din sa sinabi ni Reign at hindi makapag react.
"Ibig sabihin gangster din kayo dahil pinsan nyo sya?"sabi ni Francis.
"No, someone's protecting us para hindi mapunta sa magulung mundong iyon, at kung sino man siya laking pasasalamat namin"sabi ni Blaire. Miski ako ay hindi ko makilala ang promo-protekta para hindi kami masangkot sa ganung buhay.
"Mabuti naman kung ganun"-Luke.
Kanina pa pala tulala si Lola kay Laxxene atmugtong mga mata kaya nilapitan ko siya at niyapos. Hindi sya umakap pabalik sa halip ay narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Alam namin kung gaano niya kamahal si Laxxene dahil siya ang naman ang tumutulong kay Lola at minahal siya na parang tunay na Lola.
"La gusto n'yong kumain muna?"alok ni Isaac pero umiling lang si Lola at tumayo.
"Ako'y aalis muna, magsasara pa ako ng karinderya"sabi niya dire-diretsong umalis x sinenyasan ko sina Zayne na sundan si Lola. Hindi pa nakakalayo ay humiyaw si Zayne na ikinagulat namin.
"Helpppp! si Lola nahimatay!"hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at lumabas ng kwarto. Nakita naming buhat buhat na ni Zayne si Lola.
"Tumawag kayo ng nurse!"tarantang sabi ni Antonella. Umalis na agad sina Isaac habang ako'y tulala. Jusko ano bang nangyayare sa amin. Nakatayo lang ako sa harap nila at walang imik. Dumating na ang mga nurse at agad na iginaya kami papunta sa kwartong paggagamutan kay Lola. Sumunod na lang ako.
Inihiga na si Lola sa kama at kinakausap nina Antonella ang nurse.
"Intayin na lang po natin si Doc."sabi niya at ininuturok na kay Lola ang dextrose. Kami ay nakaupo lamang at tahimik, walang ni isa ang nangahas magsalita. Isng malakas na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan namin at nagpakalabog ng husto sa puso ko.
"F-fuck si Laxxene!"Zayne, ako naman ay magkanda-dapa sa pagtakbo paakyat sa room ni Laxxene. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ang doorknob at hindi ko magawang pihitin.
"Fuck Alessia! ako na!"hiyaw ni Blaire at walang alinlangang pinihit ang doorknob. Pagkabukas pa lamang ay napatulala ako at nanlambot ang tuhod. Ang kama ni Laxxene na halos mapuno ng dugo at basag basag na gamit. Walang Laxxene.
"Tangina! w-wheres Laxxene!?"-Zayne
"Damn it! anong nangyare dito!?"-Walter
"O-oh m-my si L-laxxene!?"umiyak si Reign
"T-this c-cant be!"-Antonella.
Nagwala si Blaire at itinaob ang kama ang mga natitirang gamit ay binasag niya pati na rin ang bintana, agad namang dinaluhan ni Luke at niyapos patalikod si Blaire para hindi na makapag wala. Samantalang ako ay nakaluhod na.
"Call Kuya Lexxuse! Laxxene is missing!"sabi ni Blaire at dali-daling lumabas ng kwarto dahil papuntang cctv room
BINABASA MO ANG
She's The Real Boss
Teen FictionAkala ng iba simpleng babae lang si Laxxene. Isang simpleng basagulera,laging kasangkot sa gulo at gustong lagi'y mag-isa. Tama ba ang akala nila? o May dapat pa silang malaman