Training
LAXXENE
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba... Umupo ako mula sa pagkaka-higa at pinagmasdan si Zayne na mahimbing na natutulog. Naalala ko ang nangyare samin kagabi at wala man lang akong naramdaman na pagsisisi. Why do regret making love with the person you love at nasa tamang edad naman na ako. I can do whatever I want. Sa dami ng problema ko kailangan ko ding magsaya and I know Zayne is my happiness.
"Zayne, gising." Tinapik tapik ko pa ang mukha n'ya. Nagmulat ang namumungay n'yang mata at agad na ngumiti. Napiksi ako dahil bigla n'ya akong hinigit kaya napaibabaw ako sa kanya. "Kung gigising ba naman ako araw-araw na ikaw ang mabubungaran ko, malamang maganda ang araw ko." I just rolled my eyes.
"Bitawan mo ako at magbibihis ako!" Inis kong sabi at inalis ang pagka-kayakap n'ya. Nang magkatayo ako ay bigla s'yang nagsalita. "Really Laxxene! Di ka ba nahihiya na ipagbalandrahan 'yang katawan mo!" Sinamaan ko s'ya ng tingin. Ba't ako mahihiya eh nakita na n'ya lahat sa akin, pati na ang perlas ko.
"Bakit? Nagwawala ba agad ang alaga mo dahil sakin?"
Namula naman s'ya at inirapan ako. "H-hindi no!" Ngumisi lamang ako at pumunta sa closet ko. Nag bra at panty na ako, nag leggings na lamang ako at nagsando. "Ano pang hinihintay mo d'yan?! Pasko?" Sabi ko dahil ayaw pa din n'yang tumayo.
"Tumalikod ka kaya!" Napatawa ako, anong akala n'ya sa kanya babae? "Umamin ka nga Zayne, bakla ka ba?" Pang aalaska ko na ikinasambakol ng mukha n'ya. "A-ako? ... Bakla!? Umayos ka nga Laxxene! Baka di ako makapagpigil sayo at maghapon Kang angkinin!" Mapanghamon n'yang sabi.
"Subukan mo lamang at kinabukasan sisiguraduhin kong wala ka nang putotoy." Nanlaki naman ang mata n'ya at napahawak sa nilalang na kanina pa bakat sa kumot. Binuksan ko na ang pinto at nauna ng lumabas. Pagbaba ko pa lamang ng hagdan ay bumungad sakin ang mga pinsan ko at mga barkada ni Zayne. Nandito din si Kuya at ang magkasintahang si Alistair at Harly.
"Anong ginagawa mo dito Harly?" Rinig kong tanong ni Antonella.
"She's one of your trainer." I answered at gulat silang lahat ng makita ako, I arched a brow at dumeritso kay Kuya at walang pasabing binatukan ito. "San ka ba nagpu-pupunta!? Hindi ba't may inutos ako sayo?!" Singhal ko at s'ya naman ay napahawak sa labi n'ya.
"Eh napasarap ako kina Lola Ester eh kaya dun muna ako nag-stay. Wag ka nang magalit Lax, di ko naman nakalimutan ang utos mo eh." Nagpapa-cute n'yang sabi at napapikit ako ng mariin. Pasalamat talaga s'ya! "Aish! Sige!" Sabi ko at yumakap sa kanya. Napatawa naman s'ya at hinalikan ang noo ko. Nang bumitaw ako kay Kuya ay nagtatakang mukha ang binaling sakin nina Antonella, maliban kay Alessia dahil alam n'ya ang plano ko.
"Babylab! Bakit mo naman ako iniw-----'' di naituloy ni Zayne ang sasabihin dahil nakita n'ya na madaming tao dito sa baba at ang inis na muka ni Kuya. "Teka... Nag-ano ka sa taas? Laxxene! W-wag mong sabihin sa kwarto mo ito natulog at magkaratig kayo! Naku Laxxene sinasabi ko sayo ibabaon ko 'yan sa lupa!" Napalunok ng sunod-sunod si Zayne at tumayo sa likod ko.

BINABASA MO ANG
She's The Real Boss
Ficção AdolescenteAkala ng iba simpleng babae lang si Laxxene. Isang simpleng basagulera,laging kasangkot sa gulo at gustong lagi'y mag-isa. Tama ba ang akala nila? o May dapat pa silang malaman