- AN: This is dedicated to you Freda^_^. wiii thank you sa pagbabasa.
(Paulo’s POV)
“Ano ba naman Pau! Takte naman ilang beses na naten pinractice to ahh!” naiinis na sabi ni Rein
Andito kami ngayon sa may gym walang tao ngayon kasi mamaya pang hapon ung training ng mga varsity. Sa totoo lang apat na araw na naming ginagawa to, simula kasi nong sabihin niya saken ung plano niya nong nasa clubhouse kami, walang araw na hindi siya naiinis saken. Para naman kasing ganon kadaling sabihin ng harapan sa taong gusto mo na, gusto mo syang ligawan. Aba, first time kaya akong manliligaw.
“Oo na, okay. Bianca pwede ba tayong mag-usap” tanong ko
Nag roll eyes sya and sumagot “What is it Pau?” pang gagaya niya sa boses ni Bianca
“Ahmm, you see. I never really expected..darn. I like,…can I court. Ang hirap tae!” hindi ko talaga ma perfect ung mga lines na sasabihin ko
Binatukan niya ko. At eto pa pala sa apat na araw na practice naming hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong sinalvy. Hindi naman ako makabawi dahil hindi ko magawa gawa ung mga inuutos niya. Hay! Ang hirap maging lalake ahh, ang EFFORT! Buti pa pag babae, maghihintay ka lang ng manliligaw sayo.
“That’s it Pau! I give up! Wala ka ng ka pag-a pag-asa kay Biancs. Nong magsabog nga naman ang Diyos ng ka torpehan sukat saluhin mo lahat!” tumayo na sya sa bleacher and pina mewangan ako
“Rein, hindi naman kasi ganon kadali na sabihin ng harapan ung nararamdaman”
“Yun naman pala ehh, eh di itigil na nga naten tong kalokohan na to. Pakamatay ka na nga.” Nilayasan niya na ko
Yong babae na un talaga kahit kelan napaka. Lahat ng napaka nasa kanya na. Napaka PG, napaka salvy, napaka bully, napaka kung makabara, napaka weird.
Hinabol ko sya
“Hoy Rein! Tama bang iwanan ako. Sige ka pag ako namatay wala ng manlilibre sayo” pang bibiro ko halata kasi na sagad na ung pagka inis niya saken.
“Ah basta! Napaka TORPE mo! Ano naming hirap sa pagsasabi kay Biancs? Kung wala kang lakas ng loob na magsalita ehh kalimutan mo na yang kalandian mo”
Ano daw? Kalandian? Batukan ko to ehh! Lalake ako tapos sasabihin na malandi ako?. Dahil dun napikon ako.
“Palibhasa kasi hindi mo naman alam ung pinag dadaanan ko dahil never mo pang naramdaman to! At isa pa hindi un kalandian ano! Pang babaeng term lang un!”
Tumigil sya sa paglalakad and hinarap ako
ὸ.ό - kung nakaka matay lang ang tingin kanino pa ko deads dito
“Pag malandi kelangan BABAE agad? Hindi ba pwedeng kaya sila naging lumandi dahil sa kaharutan niong mga LALAKE! At FYI Pau! Alam ko na ung feeling ng na inlove noh!”
☜(*▽*)☞ - yan ang reaction ko nung sinabi niya un.
“Hahahaha! Okay lang yan Rein wag kang mag alala kunwari naniniwala ako sa sinasabi mo” natatawang sabi ko. Pano naman akong maniniwala dun ehh ni hindi nga ata nag ka crush tong babae na to. Kilala ko sya dahil ilang taon naman na ba kaming magka klase. At isa pa halata naman na NBSB tong babae na to, ung mga pa simpleng moves nga ni Lance at Dave ni hindi niya pinapansin, tapos na inlove na sya? Nagkaka lokohan na lang kami dito haha!
“Hoy! Sige tawanan mo ko. Alam ko ung feeling na yun noh. Yong tipong hindi kumpleto araw mo pag di mo siya nakikita tapos pag nakita mo sya hindi mo ma explain ung nararamdaman mo masaya ka na hindi mo maintindihan na parang lumalabas ung puso mo na kinakabahan ka. Oh ngayon sabihin mo saken kung hindi ko nararamdaman ung sinasabi mo?!” naninigkit ung mata na sabi niya
BINABASA MO ANG
She's my Kaleidoscope (COMPLETED)
JugendliteraturUmiikot ang mundo ko sa CHOCOLATES un lang. Kaya nga nung may dumating na magmamahal saken, ewan ko ba pilit kong tinakbuhan at dineny. Ang nasa isip ko kasi BATA PA KO. Pero sabi nga sa love age doesn't matter. Kaya ko kayang ibalik ang pagmamahal...