-AN: Dahil favorite number ko ang 13, hehe hinabaan ko ang UD, kinikilig ako! haha! un lang masasabi ko^_^. Happy reading guys.
(Rein POV)
Kasalukuyan akong pinaparusahan ngayong araw na to…
ಥ_ಥ – nakakaiyak..huhu
Nabunggo ako ng nasa likod ko. Tapos may umapak pa sa paa ko, at ung babae sa harap ko ang likot likot! Kainis!
May inannounce ung host at para lalo pang sirain ang araw ko nakakabinging sigaw ang narinig ko at kung mamalasin ka nga naman nasiko pa ako ng katabi ko! Takte! Mambubugbog na talaga ako ng tao! Isa na lang!.
Alam niyo ba kung nasan ako ngayon?
Pinapanood lang naman naming ng kapatid ko si Daniel. Oo sinamahan ko na din sya, sinuhulan niya ko ehh. Two weeks akong may delivery ng chuckie! Haha!. Kaya nga ba ayokong nagpupu-punta sa mga ganito, siksikan ang init init tapos kainis ung mga tao. Akala mo ngayon lang nakakita ng tao, tsk.tsk. mga FREAK!
Tiningnan ko si Hannah, aba! At mapoise ang lola mo, hindi sya katulad nong iba na talaga naman kung maka react wagas! Haha!
Binulungan ko sya “Hoy HAN! Baka gusto mo ding sumigaw, ayan na ung Mr. Eyebags mo oh!.”
Aba’t parang walang naririnig hindi ako pinansin?
“Bingi lang?Hay naku bahala ka na nga dyan! Ayoko ng manood dito, hindi naman ako nag eenjoy” paalis na ko ng hawakan niya ung braso ko
“Where are you going ateng? Sabi ni mama samahan mo ko”
“Oo nga, sabi niya samahan hindi niya sinabing dapat kasama mo kong manonood hanggang sa huli noh! Maglilibot libot muna ko dito tas text na lang kita, mamatay ako dito”
“Hmmp! Bahala ka na nga! Once lang to ate, not everyday na makikita mo si DJ”
⊙_☉
Okay! Naka drugs ba ung kapatid ko?
“Paki ko naman sa eyebags na yan? Ehh hindi ko naman sya gustong Makita, laki laki ng mata tapos hindi pa ata nagsusuklay”
Naramdaman kong may sumiko na naman saken, Kanina pa ahh! Paglingon ko ung katabi ko nakatingin ng masama saken. Whaatt? Anong kasalanan ko? Ehh nagsasabi lang naman ako ng totoo. Peste! Makalayas na nga
BINABASA MO ANG
She's my Kaleidoscope (COMPLETED)
Dla nastolatkówUmiikot ang mundo ko sa CHOCOLATES un lang. Kaya nga nung may dumating na magmamahal saken, ewan ko ba pilit kong tinakbuhan at dineny. Ang nasa isip ko kasi BATA PA KO. Pero sabi nga sa love age doesn't matter. Kaya ko kayang ibalik ang pagmamahal...