Malapit na ang field trip kaya naman super excited na kami. Last year kasi wala ehh, bale every two years tska ulit mag fifield trip. Kanya kanyang plano na sila. At ang masaya two days! I LAB it!
“Rein, may katabi ka na ba sa bus?” tanong ni Bianca
Syempre dahil sila ay may mga boylet na hindi na nila ko pwedeng tabihan. Sino nga ba ang katabi ko?
“Ahmm wala pa ehh”
“Ako ang katabi ni Rein” nagulat ako ng sumingit sa usapan si Dave
“Ayiieee” nanunukso na sabi ni Bianca
Sabagay, halos araw-araw naman kaming magkasama netong si Dave. So sanay na ko sa presensya niya.
Pero bakit ganon? Deep inside parang gusto kong katabi si..Paulo
Tumabi saken si Paulo
“Ui, salvy sinong katabi mo?”
Ikaw gusto kong katabi…
“Si Dave. Eh ikaw sinong katabi mo?”
“Si Mark (ung ka close friend niya). Si Lance sana kaso sa ibang section siya ehh.”
I just nod
“Tara sa canteen, samahan mo ko” at hinila niya na ko
“Rein tikman mo to..” sabay subo saken ng chocolate ”..masarap ba?” naka ngiti niyang tanong
Pau, tama na. Kaya lalo kang minamahal ng puso ko ehh. Those sweet gestures, na hindi niya napapansin. Lahat un iba ang epekto saken. Because it makes my heart beats faster and fall for him even more.
Nilunok ko muna, “Oo, imported yan noh?”
“Yup, pasalubong ni mommy. Galing kasi siya ng Subic kaya un. Ikaw una kong naalala”
I couldn’t help but smile “Thanks bully!”
“Oh anak, ung vitamins mo dala mo na ba?”
“Opo ma” nagiimpake ako ng dadalin sa field trip
“Yong charger ng cellphone mo, dala mo na ba? Text mo ko pag nandun na kayo at tatawagan kita” mga nanay talaga ang daming bilin noh? Akala mo naman isang buwan akong mawawala
I hug her “Ma, dala ko na lahat. Naka lagay na lahat un sa checklist ko”
“Oh basta, mag-iingat ka dun”
“Yes mama” I kiss her on the cheek
“Ate, ung pasalubong ko huh” pumasok sa kwarto ko si Hannah
May kasalanan pa saken to ehh!
“Bakit naman kita bibilan? Ayoko nga!” sabay dila
“Ma ohh! Si Ate!” pikon talaga haha!
“Naku kayong dalawa talaga. Tulungan mo na lang si Ate mob aka bilan ka ng pasalubong” lumabas na si mama
Tahimik na tinulungan niya na lang ako. Maya-maya nagsalita siya
“Ahhm ate, pwedeng magtanong?”
“Ano un?” nilalagay ko ung mga stock ng chocolates sa backpack. Kelangan marami akong dala para may energy ^_^
“Are you INLOVE?”
BINABASA MO ANG
She's my Kaleidoscope (COMPLETED)
Teen FictionUmiikot ang mundo ko sa CHOCOLATES un lang. Kaya nga nung may dumating na magmamahal saken, ewan ko ba pilit kong tinakbuhan at dineny. Ang nasa isip ko kasi BATA PA KO. Pero sabi nga sa love age doesn't matter. Kaya ko kayang ibalik ang pagmamahal...