Chapter 22

108 5 0
                                    

Nasa byahe na kami pauwi at lahat halatang napagod pero masaya.Kung ako kasi tatanungin nag enjoy naman ako, kaso may mga times talaga na nakaka wala sa mood. You guys know the reason kaya hindi ko na sasabihin pa.

Bago ko tuluyang umidlip I looked at Dave

“Bakit Rein?” he said while smiling

“I just wanna say thank you. Thank you sa lahat lahat”

“Wala yun, basta para sayo” he then pats my head then put on his earphone. He offer me the other and I take it.

Pagbaba ko sa bus nakita ko na si Ate Gina, wala kasi si mama so siya na lang ung susundo saken.

“Rein!” tawag niya

“Ate Gina” sagot ko din

Nagulat pa ko ng makita ung expression ng mukha niya. Paglingon ko, naku! Oo nga pala magka hawak kamay kami ni Dave. Inaalalayan niya kasi ako bumaba. Shemay!

“ahhh..ahhh ate Gina si Dave po” patay ako neto T.T

“Good evening po” masayang bati ni Dave

“Nice meeting you. Sige una na kami ng alaga ko ahh” at hinila niya na ko

Pagdating naming sa bahay,  kumaripas agad ako ng takbo sa kwarto sabay lock ng pinto. Kasi naman! For sure madami siyang tatanungin! Iiissshh! Pano ko mag eexplain?

Wala naman un ehh! Hindi naman kami! At saka walang malisya ung holding hands na un! Kasi!!!

Hay! Ang sarap matulog…Pagdilat ko ng mata I saw the standing figures of Ate Gina and Hannah. Yawn! I must be dreaming. I was about to close my eyes again ng magsalita si Hannah

“Ateng!!!WAKE UP!!”

Napabalikwas ako ng bangon. Kaw ba naman sigawan.

“Ba’t k aba naninigaw? Tas nang iistorbo ka pa!” si ate Gina natatawa na lang

“YOU EFFIN HAVE A BOYFRIEND AND YOU DIDN’T TELL ME!!!!”

0_0

What the?!!!!!!

“ANOOOO!!!!??!!!!” nabigla ako sa sinabi niya

“Ate Gina saw you and some guy name Dave. And magka holding hands kayo! OMO! I knew it! I knew there’s something weird with you lately! My theory is right. OMG!!!” pabalik balik na naglalakad sa kwarto ko si Hannah habang naglilitanya

Nailamukos ko ung kamay ko sa mukha ko.  I’m having a head ache!

“Kelan pa to ate?!” naka pamewang na tanong niya saken

“Anong kelan ka dyan? Wala akong BOYFRIEND!!!” naiinis na sabi ko. Tsk.tsk. eto ang hirap sa mga tao ehh! They always jump into a wrong conclusion!

“Ehh ano ung nakita ko ha Rein? Naku ikaw talagang bata ka. Pwede mo naman samen sabihin, Kakakilig nga ehh >_<” sabi ni ate Gina

0.0  nakakakilig?!

Binato ko siya ng unan

“Kaibigan ko lang un.”

“So, normal na pala ngayon sa MAGKAIBIGAN ang magholding hands! PBB teens lang?” nang-iinis na sabi ni Hannah

“HINDI NGA KAMI! Ilang ulit ko bang sasabihin?!” okay I’ll give it to her this time. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ako ay NAPIKON!

She's my Kaleidoscope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon