Chapter 1

278 8 0
  • Dedicated kay Josh (my dear bro^_^)
                                    

Ang aga kong nagising…syempre 1st day of school kaya naming ngayon and take note 1st time ko ulit pumunta sa school na to…I’m a sophomore student at Blake High Academy. Actually dito ako nag graduate ng elementary but because of some circumstances nong first year ako nilipat ako ni mama sa St. Therese Academy tapos ayon bumalik ulit ako dito.

Naligo na ko and bumaba na for breakfast. Hmmmn ang bango naman ng niluluto ni mama, for sure hotdog un. Yay! May favorite, ang saya talaga pag first day ng klase special lagi niluluto nya.

I kiss mom in the cheek and ngumiti sya.

“Oh, anak buti gising ka na. Kumain ka na para hindi ka malate, first day pa naman ng klase” Sabi niya

“Yes, ma excited nga po ako ehh…kahit one year lang ako nawala sa BHA namiss ko po kaya mga schoolmates ko” Wow may hot chocolate pa! uminom ako at hinug si mama

“Ma, da best ka talaga. Thank you po sa masarap na breakfast”

Kinurot niya ung pisngi ko

“Naku ang baby ko ang sweet sweet. Syempre gusto ko sa first day ng klase mo ako ang mag-asikaso sayo”

Oo nga pala lagi kasing busy etong si mama ehh, si papa naman nasa abroad kaya yun kami lang ng kapatid ko ung naiiwan madalas dito sa bahay tska si Ate Gina.

“Ma naman”…kunwari nag-inarte akong nasaktan sa kurot niya.

“Naku magang maga binobola mo si mama” ung kapatid ko si Hannah, gising na pala sya. Magkahiwalay kami ng school na pinapasukan ayaw niya kasi sa Blake mas gusto niya sa St. Therese.

“Eh pinag-luto kaya ako ni mama ng paborito ko, beh! Ikaw hindi ka nya nilutuan ako lang”

 “As if naman, hindi lang ikaw ang anak ni mama noh, kung baby ka nya ako naman ang prinsesa nya”

Natatawa na lang si mama samen, ganyan kasi kami ng kapatid ko, ganyan kami mag lambingan…

“Hep girls, magang maga. Pinag luto ko kayo parehas, kumain ka na Hannah at mamaya nandyan na ung service”

Hindi din kami parehas ng service ni Hannah, medyo malayo kasi ung St. Therese sa Blake kaya ako nagcocommute lang. Yep, hindi kasi ako kasing arte ng kapatid ko..haha!

Pagbaba ko pa lang ng jeep napangiti na ako…syempre namiss ko kaya tong school ko…Pumasok na ko sa loob and napansin ko may mga improvements na ngyari. Nagkaron ng mas maraming pwedeng tambayan. Lumaki din ung canteen at nagkaron ng fountain.

Hinanap ko ung room ko, nakita ko naman agad. Isang taon lang naman ako nawala ditto kaya kabisado ko pa din tong campus. Wala pang ganong tao sa loob, pinili ko ung upuan sa may bandang dulo malapit sa window. Tiningnan ko ung mga classmates ko, hmmn mukhang wala akong kilala sa kanila ahh…

Nakikinig ako ng music sa cellphone ko ng may lumapit saken na babae.

Tiningnan ko sya and I smiled “Yes?”

“Rein is that you?” She hug me, stranger alert!

“ahhmm yep ako nga, and you are?” hindi ko talaga sya mamukhaan ehh

“My god Rein, nakalimutan mo na ko agad?. Ako to si Lorraine, classmates tau nong grade 4 lumipat na din ako dito”

Ahh kaya pala hindi sya ganon ka familiar…hehe sorry may memory gap kasi ako…

“Lorraine? Ahh naaalala na kita, naku sorry huh kasi ibang-iba na ung look mo”

Oo ibang-iba na, I remember nong elementary kami etong si Lorraine ung lagging niloloko ng mga classmate ko na lalake. Ang weird kasi ng hitsura nya noon tapos naka eye glasses pa. Alam nio naman maraming bully sa school. But now hindi mo na sya makikilala, as in…wala na ung eye glasses and she’s pretty natuto na syang mag-ayos.

Tinabihan nya na ko sa upuan and naguusap kami ng pumasok ang isang babae sa room. Agad syang nilapitan ng mga classmates kong babae na maarte haha maarte talaga noh?...teka parang kilala ko sya ahh….ahhh si Bianca. Mukha na sya ngaung miss-I-rule-the-world. Uupo n asana sya sa first row ng mapansin nyang tinitingnan ko sya. She walks toward us…

She then assessed me from head to foot and back again…ahhmm hello? Tao tong tinitingnan mo

“Rein?” she asked

Susungitan ko ba? Ehh kasi naman maka tingin sya iba ehh…hay wag na nga lang first day ng klase baka makaaway ko pa sya. I smiled and said

“Yep, I’m Rein. And you’re Bianca right?”

Nagulat ako sa reaction nya…

Niyakap nya ko…close ba kami nong elementary hindi naman ahh..anyare?

“OMG! I knew it ikaw yan. I’m glad lumipat ka na dito sa Blake. Super namiss kita!”

Huh?kelan niya pa ako namiss, ahh siguro naaalala niya non ung times na pinag-tatanggol ko siya. Mukha lang naman pala syang mataray pero mabait din pala. Teka anong ngyayari sa mundo? Bakit lahat sila halos nag-iba ang looks? Hindi naman sila nagpa retoke…ahh..kasi nga pala nagdadalaga na sila…nagiging palaayos na.

In the end ang naging seating arrangement naming is ako sa may window then katabi ko si Lorraine then sa gilid nya naman si Bianca. Para tuloy kaming Charlie’s Angels haha!...

I assess my classmates..hmmn ilan na lang sa kanila ung kilala ko…baka lumipat ung iba. Nakakatawa nga ehh..kasi ilang beses ko atang narinig ung words na “Rein ikaw bay an”..haha katawa lang ga reaction nila….

Recess na! Hay nagutom ako dun ah..wala kasi silang ibang ginawa kundi tanungin ako..na curious din tuloy ung 3M (nick name ko sa kanila yan, tatlong maaarte).

Hindi na humiwalay samen si Bianca, mukhang popular na sya sa school ahh..lahat kasi ng guy na dumaan nag-hi sa kanya..well she deserves it, successful ang transformation niya.

Nakapila kami ng biglang lumapit samen ung classmates naming mga lalake..

Kinuha ung tray namin and sila na daw bibili para samen..

Haha…ang sarap palang kasama nitong dalawa na to…mukhang maraming guys na naiinlove sakanila..ang saya may utusan haha!

Napuno naming ung dalawang table sa canteen sumabay na din kasi samen magmeryenda ung mga boys.

Napansin ko tatlo sa kanila hindi ko kilala. Si Kenneth at Paulo lang kilala ko and infairness ang sama ng tingin nila kay Bianca…haha I smell something. Bully tong dalawa na to dati ehh..tsk tsk..akalain mo mukhang crush nila ung binu-bully nila dati…

“So Rein, eto nga pala ung bago naming barkada. Si Dave, Lance and Bryan” Sabi ni Kenneth

“Nice meeting you guys, alam ko naman alam nio na name ko kasi kanina pa nababanggit”

“Oh ingat kayo dyan nangangagat yan, mga pare alam nio tong si Rein nong elementary kami hinahabol kami ng walis nyan haha” Tumawa pa ng malakas si Paulo

“Oh?talaga?bakit naman kau hinahabol?” Sabi ni Dave, nangingiti na sya

“Kasi..”hindi ko na natapos sasabihin ko sumingit kasi si Lorraine

“Kasi pinag-tatanggol niya kami sa dalawang bully na yan”

“Hahahaha…” tawanan ang boys…

“Ang ganda ng pagpapakilala nyo saken, mga salvy!”

^_^v done with chapter 1

She's my Kaleidoscope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon