(Paulo POV)
Daig ko pa ang sinabugan ng bomba pagka rinig ko ng mga salitang binanggit ni Bianca. Ang sakit!
Hindi ko namalayan na may luha na palang umagos sa mata ko. It’s just a tear, a single drop of tear. Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hanggang kelan ko sila titingnan? Kelangan kong lumayo sa lugar na to.
Dali-dali akong naglakad papalayo sa stage, isa lang ang lugar na pupuntahan ko. Dito ako dinala ng mga paa ko, sa may likod ng building, sa bench kung saan una kong naramdaman ang sakit.
“Pau..” narinig kong nagsalita si Rein
Bakit nandito sya? Bakit niya pa ba ako sinundan?
“Just leave me alone Rein, gusto kong mag-isa”
“Hindi Pau, dito lang ako” pilit niya kong tinitingnan pero ayoko, ayokong makita niya ko na ganito. I look weak
Tahimik lang ako nakatanaw sa malayo, akala ko kasi…
Akala ko sapat na ung mga bagay na ginagawa ko para makita ni Bianca na mahal ko siya, naaalala ko pa ung araw na un. Bago mag bakasyon pinlano namin ni Rein na magtatapat na k okay Bianca, I wanted it to be extra special, that day I gathered all my courage and finally confess my love for her. That day, ng pumayag siya na ligawan ko siya I considered that as one of the happiest day of my life.
Alam ko naman na hindi lang ako, at may possibility na piliin niya si Kenneth pero kahit anong pilit kong paghahanda sa sarili ko, hindi ko kayang tanggapin ung katotohanan.
Akala ko may pag-asa na maging kami
Akala ko mamahalin niya din ako
Akala ko sapat na ung mga ginawa ko
…puro Akala lang pala
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko
“Alam ko nasasaktan ka Pau, pero ginawa mo naman lahat ng kaya mo”
I turned to look at her, kitang kita ko sa mga mata niya ang concern at parang pakiramdam ko pati siya nasasaktan.
“..ha…so our plan,…FAILED, I’m an EPIC FAILURE!”
“Hindi siya nag failed Pau, dahil…dahil naipakita mo naman sa kanya na mahal mo siya. Pero hindi naten control ang puso ni Bianca. At least you tried and give it a shot di ba?”
Yah, I gave it a try pero kahit pala tumakbo ako wala pa din. Hindi ko namalayan na malapit na pala sa finish line si Kenneth. Dahil mas madalas na kami ni Bianca ang magkasama, ramdam ko naman na nag eenjoy siyang kasama ako. Kaya nagulat ako sa narinig ko kanina
“Oo, at eto ang ending….TALO ako. Dapat handa na ko para dito di ba? Pero hindi ehh! Kahit ano palang paghahanda ang gawin ko hindi kayang tanggapin ng puso ko ung katotohanan” hindi ko na napigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon
“Pau…tama na”
“Ang sakit eh! P*ta! First time kong magmahal Rein! First time! At eto pa ang napala ko!”
“Yan din ung napapanood ko sa tv at sinasabi nila. Dapat daw pag nagmahal ka ready kang masaktan”
Hindi ako kumibo
“Kelangan mo lang ng oras Pau, at makakalimutan mo din yang sakit” hinawakan niya na ung kamay ko
Oras?! Bakit akala niya ganon kadali un?! Sino siya para magsabi saken na kalimutan?
BINABASA MO ANG
She's my Kaleidoscope (COMPLETED)
Fiksi RemajaUmiikot ang mundo ko sa CHOCOLATES un lang. Kaya nga nung may dumating na magmamahal saken, ewan ko ba pilit kong tinakbuhan at dineny. Ang nasa isip ko kasi BATA PA KO. Pero sabi nga sa love age doesn't matter. Kaya ko kayang ibalik ang pagmamahal...