Part 6 - Bigasan

11.7K 64 1
                                    

Makalipas ang dalawang araw magiliw akong pumasok saking bagong papasukan, isang tindahan ng bigas sa palengke, nakausap ko ang amo ko na chinoy na si Mr. Ang, sinabi niya na sa bodega na muna ako mag simula bilang bago, doon ay pina samahan ako sa isang kargador rin na si Mateo, dinala ako nito sa isang malaking budega ng bigas medyo tago ang lugar na sampung kanto ang layo mula sa palengke at sa tindahan ni Mr. Ang. May guwardiya na bantay ang bodega na puno ng sako ng bigas, ang tulugan daw ng mga makakasama kong tauhan ng bigasan ay matatagpuan sa pangalawang palapag nito at para makapag palit at iwan ng dala kong gamit.
Pinakilala ako ni mateo sa guwardia na si Manong Nato saka pinapasok sa loob nito, maraming imbak na bigas, sa lawak at laki ng bodegang iyun na may dalawang truk na ang isa ay nagbababa ng laman at ang isa naman ay nag kakarga, abala ang tatlo pang lalaki sa pag bubuhat at pag lipat ng mga sako. Tinuro at tinungo rin namin ang aming tulugan na nasa loob ng bodega at nasa pangalawang palapag nito, malawak ang aming tulugan at nakakalat ang karamihan sa mga gamit, may mga double deck na kama na gawa sa kahoy na parang pinag tagpi tagpi at nilagyan ng kumot at ply wood bilang harang at pader para may matulugan, maraming kalendaryo ng babae ang naka dikit sa lahat ng pader na nag silbing dekorasyon dito, amoy zonrox at alimuong rin ang paligid na may halong pawis na di mapaliwanag na gumuguhit sa ilong, hindi tulad doon sa apparttle na sagana sa air con noon ,isang bentelador lang at ang hangin at ang pumapasok mula sa malaking bintana lang na pumapasok sa loob at umiikot. Para sakin okey na ito basta may trabaho at pahingahan, madali naman ako makibagay sa lugar at tao. Nag paalam si Mateo para bumalik sa palengke at sinabihan na tumulong ako sa tatlo sa baba sa pag bubuhat ng bigas mula sa isang truck, iniwan ko ang aking mga dalang kaunting gamit at damit saka sinimulang mag trabaho.

Doon ay nakilala ko ang mga iba pa na makasama ko sa bodega na si Gener payat na bato bato ang katawan at tubong Cagayan 25 anyos, Rigor maitim ang balat maskulado rin ang pangangatawan na mahalintulad ko sa gorilya, makapal ang labi at ang pinaka malaking tao sa aming mga trabahador dito taga benguet 28 anyos at sa unang tingin ay akala mo ay may lahing itim o ita, matapang ang mukha at seryoso ang mukha,
at si Noli 20 anyos katamtaman ang pangangatawan at tubong Mindanao, si mateo naman ay 24 taga Mindanao rin. Dahil mainit sa loob ng bodega kaya mga naka hubad sila ng pang itaas na damit at naka lagay sa kanilang mga likod para maging sapin sa pagpatong nito sa likod at balikat kaya gumaya na rin ako sa kanila.

"Mike ang ganda pala ng katawan mo diyan ano?, tinalo mo pa kami lalo na si Rigor sa mga muscles mo, para kang modelo diyan sa totoo lang, isa pa ang bata mo siguro nag simula kaya batak na batak yang katawan mo ano? Sana magka ganyan rin ako, turuan mo naman kami minsan."
"tang inang abs yan ano! nag mumura sa pagkabakat oh! Litaw na litaw bawat isa at Ang liit ng baywang mo mike! Ilang taon ka na ba talaga?"
"18 gulang palang, matagal na yan dala ng pag bubuhat sa gym noon, hehehe salamat po mga tol."
"pero iba talaga ang katawan mo mike, batak at maganda ang pagka maskulado mo, ang kinis mo rin parang kutis mayaman ano? Hanep ang balikat at dibdib mo sa laki at tigas pati mga braso mo oh putok na putok, baka maniin mo lang ang pag bubuhat dito ng bigas, hahahah, mike hikaw ba yang nasa utong mo? Hanep ka talaga! Astig ka palang bata ka eh."
"oonga mike, bakit di ka nalang nag artista, hahaha! O kaya modelo, may asaw ka na ba?
"hirap kasi sa buhay kami at 2nd yr high school lang ako dito sa manila, maaga ako nag trabaho, bale pangalawa ko pala ito dito sa bodega."
"ganun ba, oonga maski sa probinsa mahirap talaga ang buhay at nasa maynila talaga ang mga trabaho."
"tama na yan muna tapusin na natin ito para maka makakain ng hapunan ng maaga."

Madali kong naka pagpalagayan ng mga loob ang mga bago kong kasama sa trabaho, matrabaho lang pala pag may bigas na dumating at kapag mag deliver kami sa aming mga suki, kaya tambay lang kami at nag iintay ng utos ng aming amo, madaling natapos ang araw na yun, nakakapagod pero masaya kami sa kuwentuhan at biruan, pag sapit ng gabi ay mag kakasama na kami sa aming tulugan , hiniling ko sa kanila na sa dulong bahagi nalang ako pumuwesto ng aming tulugan, tinungo ko rin ang banyo na nag iisa lang pala, pero malaki at malawak ang liguan na nag sisilbi ring labahan at sampayan na, matapos maglinis ng kataw ay tinungo ko na ang aking higaan sa dulo, doon ako lang ang naka puwesto mag isa, madaling nakatulog ang mga kasamahan ko dahil na rin sa buong araw na pagod ng pagbubuhat, maski ako man ay talagang nanibago rin, dito ay nagawa ko paring matulog ng naka hubad maski papaano, dahil alam ko naman na mga lalaki kami doon at di naman sila nagawi sa puwesto ko na nasa sulok, nilagyan ko ito ng pader na gawa sa manipis na lawanit at sinabitan ng kurtina bilang pinto gaya ng kanilang mga ayos ng tulugan, sa lamig ng hangin na pumapasok sa loob ay maginhawa at masarap matulog maski isa lang ang bentelador para sa lahat.

MAPANGHAMONG BUHAY NI MIKE [Rated SPG, R-18 ,Rated X]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon