013 [c]

264 17 5
                                    

winnie's point of view

palabas na sana ako ng classroom nang tawagin ako ni haechan.

"winnie!"

sa lahat ng tao ngayong araw, siya yung pinaka-least na gusto kong makaharap at makausap ng personal.

walanghiya kasing keyboard, in-expose ako.

i remained poker face. the moment na hinarap ko siya, una kong nakita ay si mark na pasulyap-sulyap tumingin samin dalawa ni haechan.

mabilis naman na nilipat ko yung atensyon ko sa taong tumawag sakin.

"sabay na tayo mag-lunch." aya niya.

lumabas kami ng classroom.

"sus. you just wanted to interrogate me." prangka na sagot ko.

hindi naman kasi talaga nag-aaya si haechan, unless may kailangan talaga siya sayo.

"well..." he uttered. "that was half of my plan today pero hindi rin naman. isa lang naman ang gusto kong itanong sayo then we're good. walang makakaalam ng secret niyo aside sakin."

diretso pa rin ang tingin ko sa corridor. "so, you can drop the invitation in canteen?"

"depende kung gusto mo. hindi naman kita ililibre eh." he shrugged.

i let out a weary sigh. "gago ka talaga."

"ah yes. gwapo talaga ako."

i rolled my eyes. ang yabang talaga.

tumingin ako sa kanya. "anong tanong mo?" medyo hininaan ko yung boses ko.

tumingin muna siya sa paligid namin kung may tao ba na nakikinig. sa tingin ko, trustworthy naman itong madaldal na 'to.

"kailan pa kayo nagbalikan ni mark?"

kailan nga ba? "to be honest, one month matapos nung nangyari."

"what?! ang tagal na pala! bakit hindi ko agad nalaman 'to? bakit hindi ka man lang nagsabi? we're bestfriends you know!"

"hyuck, sa panahon ngayon, kokonti na lang ang mapagkakatiwalaan tungkol sa mga sikreto." paliwanag ko.

"bakit kayo nagbalikan?" ewan ko pero ang tanga ng tanong niya.

i rolled my eyes before i answered him. "you know why? dahil mahal namin ang isa't isa. mahal ko si mark. tinago namin yung relasyon namin dahil iniisip namin si kuya sicheng. magkaibigan sina mark at kuya. we both don't wanna ruin their friendship."

"si winwin hyung nga ba talaga iniisip niyo o yung relasyon niyo? hindi ko alam kung selfless or selfish kayo sa ginagawa niyo."

"kasalanan lahat 'to ng haliparot na chan nira. tsk."

haechan frowned. "chan nira? nira? siya yung ex-"

naputol yung sasabihin ni haechan nang may tumawag sa kanya. sabay kaming napatingin sa likuran.

and there was a mangga running toward us.

automatic na sabay kaming napahinto ni haechan sa paglalakad.

napansin ko lang, ang layo ng canteen ha? kanina pa kami naglalakad.

"o, hyung, bakit?" tanong ni haechan.

huminga muna ng hangin yung tumawag kay haechan bago nagsalita. "pinapatawag ka ni mr. choi sakin. kakausapin ka yata tungkol sa grade mo sa subject niya."

"ah shet! oo nga pala!" bulalas niya. "winnie, punta muna ako sa faculty. diretso ka na sa canteen, susunod na lang ako, unless..."

binatukan ko nga siya. hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong confession. please hyuck, wala na sana makaalam pa.

tuluyan na ngang umalis si haechan.

napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon. a smirk form on his lips and he even send me a wink.

inismiran ko siya bago siya iwan. bahala siya dun.

"hoy winnie! teka lang! grabe ang snob mo talaga." habol niya sakin at nakisabay siya sa paglakad ko.

hindi ko siya pinansin. tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa napadaan ako sa mga lockers.

kailangan ko palang iwan 'tong bitbit kong libro. binuksan ko yung locker ko at ganun naman yung pagsandal niya sa mga locker. he even crossed his arms and stared at me. okay, i admit, he's cool but he's annoying.

pagkasara ko nang locker, hinarap ko na siya.

hindi ko na kaya itong ginagawa niya. araw-araw, gabi-gabi, binubulabog ako sa chat, pati ba naman sa school?

i remained poker face. "sino ka?" i asked mockingly.

he gasped as his eyes widened. "hindi mo ako kilala?"

"magtatanong ba ako kung kilala kita?"

"ouch. nakakahurt ka naman." pagiinarte niya sabay hawak pa sa dibdib niya. "ako 'to. si yuta nakamoto."

"manliligaw ka ni kuya." dugtong ko. "pwes si kuya sicheng ang bulabugin mo." diretsang sagot ko sa kanya bago ko siya iwan.

sana man lang, wag na siya sumunod.

suitor ; yutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon