047 [c]

167 7 0
                                    

yuta’s point of view

“alam mo, napaka-epal mong bwishit ka.”

namumungay ang mga mata niya at hawak ang isang shot glass habang tinuturo ako. halatang lasing na siya dahil namumula na yung magkabilang pisngi at iba na rin yung way nang pananalita niya.

“grabe ka naman, winnie. bwisit na nga ako, shit pa ‘ko. kung hindi ko lang kasalanan kung bakit ganyan ka ngayon, inaway na kita.”

she showed a dry smirk before she drink again.

yeah, yeah. kasama ko si winnie at nasa ty’s kami ngayon, isang bistro.

alam kong hinahanap at nag-aalala na si winwin ngayon sa kanya pero siya na rin kasi ang nakiusap sakin na wag sabihin kay winwin na nandito kami ngayon. hindi raw kasi siya papayagan non kung nag-paalam siya.

paano kami magkasama ngayon? well, nakatanggap ako ng message mula sa kanya kanina. sabi niya, magkita raw kami dito sa ty’s after class. i owe her an explanation daw.

kaya eto siya ngayon, hindi mapigilan.

bakit mo ginawa yon?” tanong niya sakin at alam ko na yung tinutukoy niya.

pinatong niya yung braso niya sa counter at ginawa niya yun as her pillow as she stared at me with those sleepy eyes.

tinitigan ko siya. ang ganda talaga niya kahit lasing. ang ganda niya kahit ang sungit. ang ganda niya kahit hindi ako yung gusto niya.

“kasi gusto kita.” pag-amin ko. “kasi gusto ko, akin ka.”

bigla siyang umupo ng tuwid dahil sa sinabi ko. akho?” turo niya sa sarili niya. gushto mo? okay ka lang?

oo naman. okay na okay ako.”

“kung okay ka pala, bakit nagushtuhan mo ‘ko?”

okaaaay~ makulit pala si winnie kapag lasing.

“hindi ko rin alam eh.” i shrugged.

“kung hindi mo alam, edi baliw ka pala.”

ngumiti ako ng malapad. baliw sayo.”

nagkatitigan kami ng ilang seconds bago, ayieeeee.” sabay naming sabi.

langya para kaming baliw. baliw sa isa't isa. ayieeeeee nayswan!

“may gushto ka pa bang shabihin? kashi kung wala na, iuwi mo na ‘ko.”

iuuwi kita samin?”

uminom muna siya bago umiling na may tipid na ngiti sa labi. iuwi mo ‘ko kay mark.” ouch. ang sakit non ha? “alam mo ba, miss na miss ko na si mark. nasaktan ako no’ng nalaman kong nagloko siya at yung ex ni kuya yung dahilan ng pagloloko niya pero mas nasasaktan ako ngayon dahil kayo yung dahilan kung bakit niya ‘ko hiniwalayan.”

napipi ako sa sinabi niya. ang tangi ko lang nagawa, pinanood siyang umiiyak at tinutungga ang limang sunod-sunod na alak sa shot glass.

“ang sakit, yuta. sobrang sakit. gusto ko siyang ipaglaban pero wala eh,” nagkibit balikat siya. sumuko agad siya.”

yumuko ako at tiningnan na lang yung kamay ko. ayaw kong panoorin siyang ganyan. nasasaktan ako. nasasaktan ako dahil ako yung naglagay sa kanya sa sitwasyon niya ngayon. hindi ako si mark pero may kasalanan din ako.

“i’m sorry.” i told her sincerely.

“you’re forgiven.”

nag-angat ako ng ulo sa narinig ko. nakaunan yung ulo niya sa braso at nakatingin sakin katulad kanina.

i frowned and asked her to repeat what she said.

“you’re forgiven,” ulit niya. alam ko naman malalaman din ni kuya eh. sabi nga nila diba, walang secret na hindi nabubunyag. at ayon nga, nabunyag kami. but don’t worry, you’re forgiven. i am done blaming you.”

finally... nawala yung bigat na nararamdaman ko. sobrang gaan nung pinatawad niya ako. pero kailangan ko pang makausap si mark. siya na lang kailangan kong makausap tungkol sa nangyari.

if he can’t let me explain myself, basta makapag-sorry lang ako sa kanya.































expect the grammatical errors.

#TEAMBAHAYNUNGTDS
#JAEMINAYLABYUUUUU

suitor ; yutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon