yuta's point of view
“hyuck.” agaw ko sa attention ni haechan na nakasalampak lang ng upo sa sofa habang nagse-cellphone.
“bakit hyung?” he gave me a quick glance saka binalik ulit ang tingin sa cellphone.
napakamot ako ng batok bago umupo sa tabi niya. gusto ko talaga makausap si winnie, gusto kong magsorry ng maayos at alam niya yung side ko.
“pwede bang pagamit ng account mo?”
napakunot noo siya pero hindi ako tiningnan. "at bakit?"
i signed. “gusto ko makausap si winnie eh.”
“eh bakit hindi mo kausapin?” he asked, still eyes were on phone screen.
“binlock nga ako diba?”
“edi harapin mo na. like duh.”
“ayokong pumasok sa monday na may black eye.”
“o eh ano naman hyung? mahal mo naman diba? sabi nga nila, kung mahal mo, handa kang masaktan.”
aba ang lintek bakit hindi nauubusan ng katwiran?
“bwiset ka.” nakasimangot na binatukan ko siya.
“hyung naman! bakit ba?” lumingon siya sakin na salubong ang kilay at hawak ang likod ng ulo niya na tinamaan ko.
umismid ako sa tanong nkya. “puro ka katwiran, lintek.”
“may point naman ha?”
inihuma ko na yung kamao ko sa kanya. “isang katwiran pa, dadapo na sayo 'to.” pananakot ko. “akina nga yang cellphone mo.” saka ko hinablot yung hawak niya.
“aba hyung! hindi pa 'ko pumapayag sa request mo!”
“wala akong paki! ang dami mo kasing echebureche!”
i focused my attention on his phone. medyo tumaas ang kilay ko nang bumungad sakin ang convo nilang dalawa ni winnie. don't tell me, nagbback read si haechan sa convo nila?
“nagbback read ka rin pala?” i blurted out of sudden.
ayon! buti nag-online na rin si winnie!
“ano naman s-sayo, hyung?”
hindi ko na pinansin ang utal na pagsagot sakin ni haechan. masyado akong na-overwhelm na nakausap ko ulit si winnie kahit ilang minuto lang...
BINABASA MO ANG
suitor ; yuta
Fanfic❝ako si yuta nakamoto, manliligaw ng kuya mo.❞ ➳ ➴ ➵ ➶ ➷ ➺ taglish epistolary ⸙ 090819 - 041520