080 [c]

163 7 5
                                    

winnie’s point of view

its been two weeks since mark got discharged.

at two weeks na rin hindi nagpaparamdam sa’kin si yuta. walang chat or kahit anong text message. as in, wala talaga.

napapaisip tuloy ako, na-ghost ba ‘ko?

aish! china-chat ko naman siya pero sini-seen lang din ako.

taena, ano ba ‘tong nangyayari sa kanya? pinakilig at pina-fall lang ba ako no’n tapos iiwan na lang bigla? deserve ko ng explanation!

“baka maubos mo yang cellphone mo ha? kanina mo pa kinakagat.” puna sakin ni kuya.

winawalis niya yung sahig ng sala habang ako nakaupo sa sofa at kagat ang cellphone ko using my lips.

“kuya, patay na ba si yuta?”

nabitawan ni kuya yung walis tambo and look at me with disbelief. “tangina? seryoso ka ba sa tanong mo?!”

tumango ako. “eh hindi na nagpaparamdam sakin eh.” sagot ko. “alam mo yung araw na kasama niyo si chenle sa hospital? after that day, hindi na niya ako kinausap and i don’t know why.”

“eh?” kuya’s face filled with confusion. “hindi siya nag-paalam sayo?”

napakunot noo ako sa sinabi niya. paalam? saan?”

“na ngayon yung flight niya papuntang osaka.” kuya answered innocently.

“WHAT?!”






















;
tanginang yan! balak talaga akong iwan ng yutanginang nakamoto! kung pakikiligin lang naman pala ako, edi sana kiniliti na lang ako. pero hindi eh! he made me fall for him, tapos eto lang gagawin niya?

may pa-mahal kita pa siyang nalalaman! may pa-maghihintay ako pa siyang sinabi!

kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya, kung kailan handa na ako para sa aming dalawa, saka niya ako iiwan?

kainis!

pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil papunta ako ng airport ngayon para pigilan siya.

kasama ko ngayon si haechan. nakasakay kami sa isang taxi patungong airport.

manong, pwedeng pakibilisan ng konti?” pakiusap ko sa driver.

“halos paliparin ko na nga po itong sasakyan ma’am, mabagal pa rin para sainyo?”

aba’t nakukuha pang sumagot ni manong!

“sino bang hinahabol natin, ma’am?”

apaka-usisero naman nito. parang dispatch!

“boyfriend ko po.” sagot ko para matigil na.

naramdaman ko naman ang biglang pagtingin sakin ni haechan. “tangina? kailan pa?!” bulalas niya.

lumingon ako sa kanya na nakangiti. “ngayon lang.”

“nandito na po tayo.”

agad akong bumaba ng taxi at patakbo akong pumasok ng airport.

suitor ; yutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon