1: SMILE

52 2 0
                                    

1
SMILE

“Just f*cking leave me alone,” lasing na sigaw ng isang lalaki.

Pagkapasok pa lamang niya sa bar ay iyon ay ito agad ang bumungad sa kanya.

Dapat pala hindi na siya nag-overtime.

Nakita niyang umiinom na naman ito sa gilid. May babaeng gusto itong makausap pero pilit niyang pinapaalis ito.

Napabuntong hininga siya at agad na nagtungo sa kinaroroonan nito.

Sinenyasan niya ang bartender.

Kilala na siya ng mga ito dahil ito ang tumawag sa kanya kanina lang.

“Ren, tara na,” akay niya rito.

“Ano ba?!” inis na sigaw nito saka pabalang na binawi ang braso nito.

Muntikan na siyang mabuwal.

“Ren, come on, tara na…lasing ka na,” ulit niyang pag-akay rito.

Tumingin ito sa kanya.

Nakita niya ang kalungkutan at sakit na nararamdaman nito.

Hindi niya kayang makita ito sa ganoong sitwasyon.

Pilit niyang nilunok ang bikig na biglang nagbara sa lalamunan niya.

“T-tara na…” parang hindi niya makilala ang sariling boses nang banggitin iyon.

“Sam…” bulong nito habang nangingilid ang mga luha.

“Tara na,” malumanay na akay niyang muli rito.

“Sam, it hurts…” bulong nito saka yumakap sa kanya.

Ramdam niyang umiiyak na ito.

She knew…

She knew that he was hurting…and she was hurting, too.





Twelve years ago…

Umiiyak si Sam habang nakaupo at nakasandal sa hamba ng kanilang fountain.

She didn’t want them to see her.

It’s her 10th birthday but she felt out of place. Parang ginawang business transaction lamang ng kanyang mga magulang ang kaarawan niya.

She was an only child but her parents neglected her.

Minsan na nga lang dumating ang mga ito ay ganito pa.

At times like this, she felt as if she was adopted like what her classmates always told her.

“H-hi!” bigla ay may isang batang lalaking lumapit sa kanya.

Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga pisngi at matalim na tumitig sa batang umentrada sa pag-eemo niya.

“What?!” she spatted.

“I-I’m sorry. I just…” namula ito at tila nahihiya.

Namula naman siya ng mabistang mabuti ang itsura ng batang lalaki.

He was a cute little boy. Maputi, itim ang mga mata at buhok. Matangos ang ilong at may biloy sa magkabilang pisngi.

Agad na bumilis ang tibok ng mura niyang puso.

“It’s okay,” biglang bawi niya saka tumingin sa malayo para hindi nito makita ang pamumula ng kanyang pisngi.

Bigla ay umupo ito sa kanyang tabi.

Kinapa niya ang kanyang dibdib na tila mas lalo yatang bumilis ang tibok.

“You can use this,” sabi nito saka ibinigay ang panyo nito.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon