15: SORRY

42 4 1
                                    

15
SORRY

“Naalala mo ba noong mga bata pa tayo? Gustong-gusto mo nang buwan,” basag ni Ren sa katahimikan nang pumunta sila sa gazebo sa garden ng restaurant.

Wala sa sariling kinapa niya ang kwintas na suot.

Ang binigay nitong kwintas sa kanya.

Hindi siya umimik at tiningnan ang malaki at maliwanag na buwan.

Tama ito.

Gustong-gusto niya ang buwan.

“Pero hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit,” dagdag nito saka bumaling sa kanya.

Agad niyang binaba ang kanyang kamay.

Kung nakita nito ang suot niyang kwintas ay nagpapasalamat na lamang siya at hindi nito binanggit pa iyon.

Nararamdaman niya ang titig nito sa kanya ngunit nanatili siyang nakatunghay sa buwan.

Naalala niyang pinipilit pa siya nitong mas maganda daw ang mga bituin at mas makinang kaysa sa buwan.

Pero ipinilit niyang mas maganda ang buwan.

Napangiti siya nang malungkot.

“Ayaw kong maging bituin,” simula niya.

“Kasi kung naging bituin ako, kahit gaano pa ako kakinang, marami pa ring mas magiging makinang sa akin. Baka hindi mo ako mapansin dahil madami nang bituin ang nakapaligid. Masyadong marami ang bituin pero ang buwan nag-iisa lang,” mariing tinikom niya ang kanyang bibig para pigilan ang nais niyang idugtong.

Pero kahit pala gaano ako kalaki at kaliwanag, hindi mo pa rin ako kayang pansinin.

Ngunit agad niyang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilin ang mga salitang iyon.

“Why didn’t you tell me?” biglang tanong ni Ren.

“Didn’t tell you what?” she innocently asked without looking at him though she is really nervous of where their conversation is going.

“A-about…a-about…”

“My feelings?” dugtong niya.

Hindi ito nakasagot.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at nagpakawala ng maliit na ngiti.

“Kung sasabihin ko, mas lalo pa kitang pahihirapan…kung sasabihin ko, maraming magbabago…at kung sasabihin ko ba, mamahalin mo rin ako?” malungkot na tanong niya rito.

“Hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko kasi simula pa lang, alam ko nang hanggang kaibigan lang ako sayo. I wouldn’t be a woman in your eyes,” mapait niyang dugtong saka tumingin sa kawalan.

“Sam…” tawag nito sa kanya.

“Ito ang iniiwasan ko kung bakit ayaw kong sabihin sa’yo. Ayokong kaawaan mo ako. Ayokong ma-guilty ka at hindi maging masaya. Kilala kita, Ren. I know you can throw everything for me. I know that once you learned about my feelings for you, you will restrict yourself and chose to be hurt than to hurt me…And I don’t want to be selfish. I can’t be selfish…”

Kahit masakit, dugtong niya sa isip.

“K-kailan pa?” tanong nito.

“Ewan ko…since we were in high school? No. Maybe earlier than that. Since we were…kids? Hindi ko alam. Basta, nagising na lang ako…iba na ang tingin ko sayo. I step on the boundary without knowing. Siguro masyado akong focused sayo kaya hindi ko na napansing nahuhulog na ako,” pabiro kong sabi.

“I’m…”

“Sorry?” dugtong niya sa sasabihin nito.

“Don’t be sorry because I don’t regret falling in love with you. Don’t be sorry for not reciprocating my love for you. Don’t be sorry for hurting me unknowingly…because eveytime you say ‘sorry’ feeling ko sobrang mali nang nararamdaman ko samantalang hindi ko naman pinili ‘to,” mapait na sabi ko sa kanya.

“Is it the reason why you went abroad?” he asked.

“Partly, yes,” amin niya.

“Mahina na si Dad. Ayaw niyang magpaospital. Ayaw ring sabihin nila Mommy sa akin. I only discovered what happen during our graduation in high school. I was waiting for you like you always do to tell you what happen to Dad…then you texted and I realized everything changed,” kwento niya saka mapait na ngumiti.

Nagulat siya nang maramdaman niya ang kamay nito na pumatong sa kamay niya.

“Sam…” may bahid nang sising sabi nito.

She genuinely smiled at him.

“Don’t worry, I understand. It’s just that, I’m hurt at that time so I decided to go away. I needed space for myself…kasi masyado na akong nagiging dependent sa’yo,” aniya.

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

“After Senior Prom Night, I got depressed. Nakita ako ni Nanay Helen na nakahiga sa floor. Dinala nila ako sa ospital. I undergo treatment for depression. I’m taking anti-depressant since then. I tried calling Mom and Dad but they’re not answering. I tried calling you…but your Mom told me you were with Hilary and you forgot your phone. Sina Maggie at Daniel ang kasama ko. That’s the time we became closer.”

Naramdaman niya ang paghila nito kasabay nang mabining paghaplos nito sa buhok niya and whispered his sincerest apology.

Hindi niya mapigilang umiyak siya nang umiyak sa balikat nito.

Hindi na niya napigilan pang mangulila rito. He was her best friend. Ito ang naging takbuhan niya. Ito ang tagapagtanggol niya. Ito ang lagi niyang kasama. At nagbago ang lahat pero naiintindihan niya…kailangang maintindihan niya.

And she didn’t regret all of those.

She loved this man and she can do everything just for him…even going through all of those once again.

-----
Vote.Follow.Comment.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon