8: SONG

21 2 0
                                    

8
SONG

It’s their Commencement-slash-Graduation Day!

Finally, tapos na sila ng high school.

Pero gusto nuyang magtampo dahil hindi man lang siya sinundo ni Ren.

Hindi rin siya nito pinuntahan man lang sa bahay nila katulad nang madalas nitong gawin noon.

Gustong gusto niyang magtampo rito pero…

Siguro mas maganda na yun.

Pagkatapos ng Senior Prom Night ay naging aloof siya rito at pilit niya muna itong iniiwasan.

Hindi naman siya nito tinanong pa ng kung ano.

Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o ano.

But she knows deep in her heart, she’s silently hoping…and ended up hurting…

Lagi na ring sumasama sa kanila si Daniel.

They’re just friends though. And they make it clear.

Friends lang talaga sila.

Actually ay may gusto ito sa isa nilang kaklase.

Pero akalain ba niyang torpe pala ito.

Kaya lagi niya itong inaasar.

Lagi siya nitong sinasalo kapag lumalapit na si Ren sa kanya.

She is just thankful for having him as a friend.

He offered to fetch her but she refused.

Nasa kabilang daanan pa ito at mapapalayo pa kung susunduin siya nito.

Biglang sumikip ang dibdib niya ng mabasa ang mga text ni Ren sa kanya.

FROM: Ren_renpot♥
Congratulations Ms. Salutatorian!

FROM: Ren_renpot♥
Sorry, I can’t drive you to school. Susunduin ko si Hilary. I hope you understand.

FROM: Ren_renpot♥
Hey, you’re not replying. Are you mad?

FROM: Ren_renpot♥
Sam, please reply.

FROM: Ren_renpot♥
I think Hilary can understand. Sunduin na kita.

That was a minute ago kaya nireplyan na niyang on the way na siya kahit na hindi pa naman talaga.

FROM: Ren_renpot♥
Ok. Akala ko galit ka.

FROM: Ren_renpot♥
Sunduin kita dito sa may gate. Ingat ka.

FROM: Ren_renpot♥
Update ka kung malapit ka na. Puntahan kita sa gate.

Hindi na niya ito nireplyan. Sinadya niyang pumasok na malapit nang magsimula ang program para hindi na siya usisain pa nito.

Ayaw na niyang makisawsaw pa.

She needs to move on.

“Hindi ka nagreply,” nakalabing bungad ni Ren nang nasa pila na sila.

“Sira! Traffic kaya…tumakbo na lang ako…hindi ko na nagawang magtext no,” pilit ang ngiting sabi niya rito.

“Buti hindi ka nadapa…” tukso nito sa kanya.

Agad naman niya itong pinanlakihan ng mata at namumulang umingos.

“Ren, mag-focus ka na nga lang,” asar na sabi niya rito.

“Pikon,” natatawang tukso pa rin nito.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon