11
PAINKanina pa siya kinakabahan.
She didn’t know how to face him.
Kadarating lang nila kagabi sa Pilipinas at ngayon ay andito sila sa bahay nila Ren para sabay-sabay na mananghalian.
“Hija, kumusta ka na?” salubong ni Tita Janice sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.
“Okay naman po, Tita, kayo po?” magalang na sagot niya at ginantihan ito ng yakap.
Matamis naman itong ngumiti.
“Okay naman. Mas lalo kang gumanda,” puri nito.
“Naku, Janice, wag mong masyadong purihin yan at baka mas lalong lumaki ang ulo,” biro ng Mommy niya.
Isa iyon sa mga naging blessings niya nang umalis siya. She learned to be close to her Mom.
Sila na lang ng magkasama kaya naman maa lalo nilang pinapahalagahan ang isa't isa.
“Mom,” nakalabing saway niya rito na tinawanan lamang nila.
Iginala niya ang mga mata ngunit hindi niya makita ang hinahanap.
“Ah...T-tita si Ren po,” tanong niya.
Iginala naman ng ginang ang paningin sa kabahayan.
“Haynaku, yang batang yan, ewan ko. Baka nasa garden na naman. Ngayon na nga lang umuwi,” sabi nito.
“Hindi po ba siya madalas umuwi dito?” kunot noong tanong niya.
“Naku, may sarili nang condo yang si Warren. Pinayagan na rin namin. Sige hija, punatahan mo na siya,” anito saka nagtungo na sa kusina.
Agad naman siyang pumunta sa garden ng mga ito.
Sa gilid nakita niya itong nakaupo sa damuhan.
Hawak-hawak ang isang bote ng beer in can at sa gilid nito ay may tatlo pang lata ng beer.
Bumilis ang tibok ng puso niya.
Nag-mature ang mukha nito.
Mas naging matipuno pero naroon pa rin ang Ren…na minahal niya.
She misses him so much.
Ilang minuto pa siyang tumigil doon at pagmasdan ito.
Hindi niya alam kung papaano ito lalapitan nang biglang dumako ang mga mata nito sa kanya.
Napaawang ang bibig nito at agad na napatayo.
Mabagal siyang humakbang papalapit rito.
“I-I’m b-back,” pabulong na aniya dahil tila may bikig sa kanyang lalamunan.
“S-sam,” sabi nito.
Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata.
Lalong-lalo na nang bigla siya nitong higitin at yakapin ng mahigpit.
“Sam…y-you’re here…you’re b-back…” she know he is crying, too.
This is her home.
And she misses this.
Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil sa biglaan niyang pag-alis pero nagkamali siya.
“I thought you’re going to get mad at me,” sabi niya nang nakaupo silang dalawa sa batuhan.
“Nagtampo, oo…pero kahit kailan hinding-hindi ako magagalit sa’yo, Sam. Lalong-lalo na kung para sa pamilya mo ang desisyon mo,” sabi nito na matiim na nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU, LOVING HER (Completed)
RandomCOMPLETED STORY Naranasan mo na bang magmahal? Paano kung 'restricted' yung taong iyon? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob na sabihing mahal mo siya? O mas pipiliin mong manahimik at kimkimin na lang ang nararamdaman mo... ...dahil hindi pwede.