7
PARTNER“Selene!” nakita niyang nasa tapat na ng entrance si Maggie kasama si Levi, isa sa mga kaklse nila…at base sa pagkakaangla ni Maggie rito ay halatang partner nito ang binata.
Nangunot ang noo niya.
Naroon din sina Ren at Hilary pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito.
Agad na hinila niya ang kaibigan sa gilid.
“What the heck, Maggie. Akala ko wala ka ding partner. Kung alam ko lang ‘di sana hindi na lang ako pumunta dito,” masama ang loob na sabi ni Sam rito.
May usapan silang dalawa na sila ang magkasama sa entrance because they are both single.
“Ano ka ba, this is our last Prom so dahil may partner ako…kinuhanan na din kita ng partner,” nakangising sabi ni Maggie.
“Pero…” kontra pa sana niya pero agad na siyang sinupalpal ng kaibigan.
“Selene, you need to move on,” seryosong sabi nito.
“I don’t need another man to move on. I don’t want any of them to be a rebound. Ayokong makasakit ng iba, Maggie,” seryoso ring sabi niya.
“Well, hindi ko naman sinabing maging kayo agad. Just for this night, you need to look at other man, Selene,” hindi patatalong sabi ni Maggie.
“Is there a problem here?” biglang singit na tanong ni Ren kasama si Hilary na tila naguguluhan din.
“Wala naman, Warren. Nasurprise lang itong si Selene dahil makakapartner niya ang ULTIMATE CRUSH niya,” natatawang sabi ni Maggie.
“W-what?” hindi makapaniwalang sabi ni Sam rito pero binigyan lang siya nito ng just-go-with-the-flow-or-else-mapapahiya-ka look.
Kumunot naman ang noo ni Ren sa sinabi nito.
“Oh there he is!” biglang sabi ni Maggie.
“Sorry, I’m late,” sabi ng isang baritonong boses galing sa likuran niya.
Umikot siya at nakita si Daniel, isa sa mga schoolmates nila at pinsan ni Maggie.
Totoong may crush siya rito ‘noon’ pero agad ding nawala dahil may mahal na siyang iba.
Pang-boy-next-door ang itsura ni Daniel. He is also a gentleman.
“Bakit ka ba na-late, insan?” nakangising tanong ni Maggie.
“I just buy these,” sabi nito saka inilabas ang isang pumpon ng mga orange roses na paborito niya.
“For you,” matamis ang ngiting sabi nito.
Agad naman siya namula dahil sa ginawi nito.
“T-thanks,” pabulong na sabi niya rito.
“Let’s go,” malamig na turan ni Ren saka inakay si Hilary palayo.
Nangunot ang noo niya dahil parang bigla itong nagalit.
Narinig niya ang paghagikgik ni Maggie sa gilid.
Matalim niya itong tiningnan.
Tinaasan lang siya nito ng kilay at nginisian.
Napailing na lamang siya sa ginawa nito.
She looked at the flowers. Ren never gave her one.
She smiled weakly at that thought.
“Let’s go,” nakangiting yaya ni Daniel sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU, LOVING HER (Completed)
RandomCOMPLETED STORY Naranasan mo na bang magmahal? Paano kung 'restricted' yung taong iyon? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob na sabihing mahal mo siya? O mas pipiliin mong manahimik at kimkimin na lang ang nararamdaman mo... ...dahil hindi pwede.