5: SURPRISE

22 2 1
                                    

5
SURPRISE

She tried to hide her pain.

She tried to be happy.

She tried to accept the fact that her best friend was in love with someone else.

She tried to put a barrier around her heart.

She learned her distance.

But it isn't enough.

She thought she can do it.

But it isn't really enough.

"Sam...I need a huge favour," nakangiting sabi ni Ren noong pinuntahan niya ito sa gym noong hapong iyon.

Hiniling nitong sabay silang mag-snack break.

Katatapos lang din ng practice niya sa Lawn Tennis.

Varsity player si Ren sa Basketball at siya naman sa Lawn Tennis.

Malapit na ang Intramurals nila kaya puspusan ang pag-e-ensayo nila sa mga oras na iyon.

"What is it?" tanong niya habang nakatingin rito.

"Can you ask Hilary to come here later...you know after class," matamis ang ngiting sabi nito.

Kumalabog ng husto ang puso niya.

Ito na ba ang araw na kinakatakutan niya?

Ayaw na niyang tanungin kung bakit.

Ayaw na niyang makita pa ito.

Ayaw na niya.

Sobra na siyang nasasaktan.

Pero...

"S-sure," nakangiting sabi niya at nagkunwaring tumingin sa pambisig niyang orasan.

"Ah, Ren, I think I need to go. Alam mo na...practice..." plastic ang ngiting sabi niya.

"Don't worry, I'll help you. Good luck for later," pahabol pa niyang sabi rito saka kumaway na at tumalikod na.

Doon pa lamang nagbagsakan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Dumiretso siya sa girl's cr.

She is holding her necklace given by Ren and let her heart cry the pain she's feeling.

"Nasan na ba si Selene," nag-aalalang sabi ng isang babae pagpasok nito sa CR.

She knew that voice.

It was Maggie.

"Kanina ko pa nga rin siya hinahanap. Wala daw siya sa court sabi ni Coach," nag-aalala ring sabi ni Hilary.

"Naku, hindi na naman nagpaalam yun," - Maggie

"Mag-varsity na rin tayo sa susunod, Mags," Hilary giggled.

Napatawa si Maggie.

"Naku, Hilary Yvonne, hinding-hindi ka papasa doon. Takot ka nga sa bola," tukso ni Maggie rito.

"You're so bad," Hilary na hula niya ay naka-pout na.

"By the way, how was your suitor?" tukso ni Maggie kay Hilary.

"Ay namula ang loka!" dagdag pang tukso nito.

"Maggie!" saway nito.

"What?" kunway inosenteng tanong ni Maggie rito.

"D-do you think, magagalit sa akin si Selene kung s-sasagutin ko si Warren?" nahihiyang tanong ni Hilary rito.

Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan ang pilit kumakawalang hikbi niya.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon