4: SECRET

24 3 0
                                    

3
SECRET

Pero nagbago ang lahat nang mag-senior high sila.

Naging busy sila dahil graduating na.

Marami silang naging kaibigan bukod ang isa’t isa.

Well, it was an advantage for Sam.

Kailangan niyang dumistansiya sa matalik na kaibigan. She needed space for herself.

She needed to bury her raw feelings for him.

Nakilala niya sina Hilary at Maggie short for ‘Margaret’ ang mga girl best friends niya.

They do girl stuffs like chitchats, sleepovers and partying.

Her suitors piled up but she doesn’t care…she was already in love.

“Bakit ayaw mong magpaligaw?” minsan ay tinanong siya ni Ren habang nagmemeryenda sila.

Namula agad siya dahil sa tanong nito.

“W-well…” nauutal niyang sabi.

Kung sa iba ay diretso si Sam sa dahilan niya: ‘Wala akong oras sa mga ganyang bagay. I need to focus on my studies’ – pero iba sa oras na yun…

Iba sa taong kaharap niya ngayon…iba ang dating ng tanong na yun kung galing ito sa taong mahal na mahal niya.

Pero alam niyang matalino ang kanyang best friend at hinuhuli lamang siya nito.

“K-kasi, kailangan kong mag-focus sa studies ko…alam mo namang gusto kong magkaroon sila Daddy nang dahilan para umuwi, di ba?” sabi ko na lang.

Napangiti ito saka ginulo ang buhok niya.

“Basta kung may matipuhan ka man sa mga manliligaw mo, sabihin mo muna sa akin. Kailangang dumaan muna sa akin yun bago mo sagutin…at ako muna ang unang makakaalam…bago ang iba. No secrets,” babala nito.

“Yes, boss,” natatawang sabi ni Sam dito kahit sa loob-loob niya ay sobra na siyang kinikilig.

“Promise?” nakalabing sabi nito.

Ang cute-cute ng best friend niya. Lumalabas kasi ang malalalim na biloy nito.

“Promise,” natatawang sabi niya rito.

“Pinky swear…” parang batang sabi nito saka itinaas pa ang kamay.

“Pinky swear…” sagot niya saka itinaas ang kamay para selyuhan ang pangako nila.

She felt guilty because deep in her heart…there’s one secret she can’t say to him.

A secret that can ruin their friendship.


Dumaan ang mga araw at malapit na ang Senior Prom nila.

She was actually waiting for the perfect time to ask him about the Prom.

Lagi naman kasi niyang partner si Ren kapag may mga event na ganoon.

FROM: Ren_renpot♥
Punta aq dyan mamaya.

Lagi siyang napapangiti sa tuwing nakikita niya ang pangalan nito sa phonebook niya.

Lalong-lalo na ngayon at nag-message pa ito sa kanya.

Ito ang naglagay ng ‘♥’ sa pangalan nito.

Sammy_pot♥ naman ang pangalan niya sa phonebook nito.

Tamang-tama. She will asked him about the prom.

TO: Ren_renpot♥
Okay. I’ll wait for you.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon