6: GAME

22 2 0
                                    

6
GAME

“What the hell was that?” bakas ang galit sa mukha ni Ren habang pinipigilan ni Hilary.

Nakatingin lang si Maggie sa kanila.

Nasa classroom siya at umiinom ng tubig. Nauna na siyang umalis sa gym para mag-ayos ng kanyang gamit.

Katatapos ng awarding ceremony para sa Intramurals.

It was also their last day.

Mamayang gabi ang Senior Prom Night nila.

“Bakit?” parang wala lang at inosenteng tanong niya dito saka itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya.

“Hilary, siguro iwan na muna natin sila,” yaya ni Maggie rito.

Tiningnan ni Sam si Maggie.

Nagmamakaawang huwag siyang iwan ng mga ito pero tinaasan lang siya nito nang kilay na tila ba nagsasabing ayusin-niyo-yan.

Nag-aalalang tumingin sa kanila sa Hilary. Binigyan na lamang ito ng pilit na ngiti. Bumuntong hininga ito saka sumunod kay Maggie.

Napabuntong hininga na lamang siya at umupo sa isang bakanteng upuan doon nang makaalis ang dalawa.

Nanghihina at kung papipiliin siya…sana huwag na lang muna niya itong makita. But she knew she can’t do that.

She take a deep breath and calmed herself.

“Congrats nga pala,” sincere ang ngiting iginawad niya rito.

Ngunit hindi nagbago ang seryoso nitong aura.

“Ren…” tawag niya rito.

“Ano’ng nangyayari sa’yo?” bakas ang galit at inis sa tinig nito.

Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya ng ganito.

Pero sa mga oras na iyon wala nang sasakit pa sa nararamdaman niya.

She is starting to be numb about what is happening…but she can’t bear the fact that his mad at her. And it is the least thing she didn’t want to see.

“What do you mean?” tila balewalang tanong niya rito at iniwas ang tingin.

“Wala ka sa ranking ng Lawn Tennis, Sam,” hindi na nawala ang frustration sa boses nito at pinaraan ang mga kamay sa buhok nito.

Pagak siyang natawa saka binaling ang tingin rito.

“Magagaling ang mga nakalaban ko eh,” pilit niyang pasiglahin ang boses.

But she knew. She’s failing miserably.

“No, you’re out of focus,” he seriously said.

Napakagat-labi siya para pigilan ang mga nagbabadyang luha.

She calmed herself.

“P-paano mo naman nasabi yun?” pilit ang ngiting tanong niya rito.

She missed him. Everytime she play Lawn Tennis, kahit na magkasabay ang oras ng laro nila, he will always find a way to watch and cheer for her but not this time.

“I saw your game. Hindi ka ganoon maglaro, Sam. Besides, you are competent and competitive. I know you can won but what the heck is happening?” para siyang sasabog sa sinabi nito.

She was shocked but her chest hurt with the wirds he said.

Ang alam niya lagi siyang out of focus dahil laging magkasama si Ren at Hilary. Buong limang araw ng Intramurals ay hindi man lang niya nakasama ang kaibigan.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon