14
ASTHMA“Hello?” sagot niya sa telepono.
It was one hell week for her after that that confession scenario with Ren. Hangga’t maaari ay ayaw niyang maisip ito. She kept herself busy.
“Darling, how are you?” tanong ng Mommy niya sa kabilang linya.
Nasa bakasyon ito sa Palawan kasama nina Tita Janice.
Hindi man lang ito nagpaalam sa kanila.
Hindi pa daw ito makakabalik.
“I’m fine, Mom,” sabi niya saka sumandal sa swivel chair niya at hinilot ang sintedo.
“Don’t stress yourself too much,” paalala nito.
Napangiti siya sa tinuran ng Mommy niya. She knows she loves and cares for her really.
“Yes, Mom,” sagot niya.
“Okay na din pala ang ticket mo, hija,” balita ng Mommy niya.
“Thank you so much, Mom,” she genuinely told her.
“Are you sure about this?” nag-aalalang tanong ng Mommy niya.
“Yes, Mom,” matatag na sagot niya rito.
Narinig niya ang malalim nitong buntong hininga.
“Okay, then if that’s your decision, I’ll support you. By the way, I just want to remind you that you need to go to the auction tonight…you know for the foundation of your Dad,” nahimigan niya ang lungkot sa boses nito nang mabanggit ang kanyang ama.
“Of course, Mom. I won’t forget,” sagot niya kahit na nakalimutan niya dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Mabuti na lamang at ipinaalala nito.
“Good. Okay, I need to go. And I already asked Warren to go with you. Tutal pupunta rin siya to represent his parents. Bye and take care, darling. Love you,” sabi nito saka pinatay na ang tawag bago pa siya makapagprotesta sa sinabi nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
“What the hell…” bulalas niya nang mag-sink in ang sinabi ng ina.
This will be an awkward and embarrassing moment, she thought.
Napaiktad siya nang marinig ang katok mula sa kanyang kwarto.
“Hija, nasa baba ni Warren,” sabi ni Nanay Helen.
“Opo, Nay. Bababa na po ako,” sagot na lamang niya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga at kinuha ang maliit niyang purse.
Binista muna niya ang kanyang suot na dark blue bodycon dress na umabot lang sa taas ng kanyang mga tuhod.
Kinulot niya ang kanyang buhok at light make up.
Sinuot niya rin ang kanyang dark blue two inch Jimmy shoes to complete her get up.
Nanlalamig ang kanyang mga kamay.
This is their first encounter after her confession so she was undoubtly nervous.
Pababa na siya ng hagdan nang makita niya ito. Nakasuot ito ng light blue long sleeves polo, balck slacks and black leather shoes.
Napakasimple ng suot nito pero ang gwapo nito sa kanyang paningin.
She blushed when he stand and saw her.
Binaba na lamang niya ang tingin at nagconcentrate sa pagbaba.
Kinalma niya ang sarili ngunit parang nawala ang lahat ng iyon ng kunin nito ang kanyang kamay para alalayan.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU, LOVING HER (Completed)
RandomCOMPLETED STORY Naranasan mo na bang magmahal? Paano kung 'restricted' yung taong iyon? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob na sabihing mahal mo siya? O mas pipiliin mong manahimik at kimkimin na lang ang nararamdaman mo... ...dahil hindi pwede.