13
FEELINGSIsang linggo na simula nang mangyari iyon ay hindi na muna nagpakita pa si Sam kay Ren.
Hinahanap siya nito sabi ng Mommy niya. Maging sina Maggie at Grace ay kinukulit nito ngunit ayaw muna niya itong makita.
She was so scared and hurt pero mas nangibabaw ang galit sa puso niya.
She can’t bear to lose him pero bakit ganoon na lamang ang ginagawa nito sa sarili?
Hindi siya pumasok nang araw na iyon dahil wala siya sa mood magtrabaho.
Sinabihan niya si Grace na huwag siyang istorbohin at nasa out of town vacation siya kahit ang totoo ay nasa bahay lamang siya.
She needed time to collect herself.
“Nanay, si Mommy?” tanong niya kay Nanay Helen pagkababa niya upang mag-brunch.
“Umalis siya kasama sina Janice at Michael, hindi ba siya nagpaalam sa’yo?” balik tanong nito.
Umiling na lamang siya.
“Halika ka na at kumain,” ani Nanay Helen.
Tumalima naman siya saka umupo upang kumain.
“Nanay, naayos ko na yung tubo,” halos mabilaukan siya nang biglang sumulpot si Ren sa kusina nila.
Hindi niya akalaing ang taong iniiwasan niya ay bigla na lang lilitaw sa harap niya.
Hindi niya ito kayang tingnan dahil naalala niya ang mga nangyari.
Para siyang nawalan ng gana at tumayo na.
“Nanay tawagin niyo na lang po ako kung andiyan na si Mommy. Akyat na po ako,” paalam niya sa matanda saka humalik dito.
“Teka, Selene, hindi ka pa tapos kumain ah,” sabi nang matanda ngunit nagbingi-bingihan na lamang siya at nilampasan ang mga ito.
Pero isang higit sa kanyang braso ang nakapagpatigil sa kanya.
Agad na nagkarerahan ang mga kabayo sa dibdib niya ngunit mas nanaig ang galit, inis at frustrations niya rito.
Matalim niyang tiningnan si Ren ngunit sinuklian lamang nito ito ng isang blangkong tingin.
Kung sa ibang pagkakataon ay kakabahan na siya sa ginawi nito ngunit iba sa sitwasyon na iyon.
“Maiwan ko muna kayo,” paalam ni Nanay Helen saka mabilis na umalis.
“Let’s talk,” sabi ni Ren.
“No. I’m busy,” malamig na sabi niya rito.
“Sam,” batid niya ang pagmamakawa sa boses nito.
“What do you want to talk about?” malamig niya rito saka hinigit ang braso niya.
Hindi ito nagsalita at hinila lamang siya sa garden sa likod ng bahay nila.
Nakita niya ang fountain doon kaya agad namang rumagasa ang mga alaala sa kanya.
She remembered how they met…their happy memories together…and that…that incident inside his bathroom.
Nagtayuan ang mga balahibo niya nang maalala iyon.
“I…I’m sorry,” pabulong na sabi ni Ren matapos ang ilang minutong katahimikan.
Agad na nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
Lagi na lamang ba siyang iiyak para sa lalaking ito?
She felt the pain and anger is slowly eating her up.
“For what? For me seeing you like that?” mapait na sagot niya rito.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU, LOVING HER (Completed)
RandomCOMPLETED STORY Naranasan mo na bang magmahal? Paano kung 'restricted' yung taong iyon? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob na sabihing mahal mo siya? O mas pipiliin mong manahimik at kimkimin na lang ang nararamdaman mo... ...dahil hindi pwede.