10
BACK5 years later…
“Selene!” masayang bati ni Maggie sa kanya nang makita niya ang kaibigan saka mahigpit siyang niyakap ito.
“I think it is how you say that you miss me,” natatawang komento niya sa ginawi nito.
“Nakakainis kang bruha ka,” tila nagtatampo pang sabi nito.
“Don’t mind her,” ani Daniel sa kanya saka mahigpit siyang niyakap.
“I miss you, A,” anito.
“And I miss you, too D,” bulong niya rito.
“Oh, so siya lang ang may ‘I miss you, too.’ Talagang pinagpalit mo na ako,” naiinis na sabi ni Maggie but she knew her better.
“Don’t try to act that way, Maggie. Hindi nga kita pinagtaguan eh,” biro niya.
Lumabi naman ito.
“Let’s go,” yaya niya sa mga ito at pumasok na sa loob ng café.
Last week lang nakita siya ng dalawa sa New York.
From that day on hindi na siya tinantanan ng mga ito. Kahit sa trabaho niya sumasama ang mga ito.
Sa ngayon ay sa hotel na minamanage niya nag-check in ang mga ito ngayon.
Nagkataon lang na galing siya sa isa sa mga foundation nila kaya hindi niya nakasabay ang mga ito.
“So, how are you? Sobrang busy mo ba at hindi mo man lang kami maisingit sa schedule mo?” sunud-sunod na tanong ni Maggie sa kanya.
She missed them so much.
“I’m actually trying to be fine. Kamamatay lang ni Daddy last year so I’m trying to move on with my life,” pagak siyang ngumiti sa mga ito.
Gulat na napatingin ang mga ito sa kanya.
“I-I’m sorry to hear that,” ani Daniel na unang naka-move on sa sinabi niya.
“It’s okay. Hindi naman kasi ako nakikibalita at hindi ko na din kayo nasabihan…except of course, sa sulat na iniwan ko sa inyo,” she sadly smiled at them.
She remembered, she left them a letter before going to New York, five years ago.
Hindi niya kayang magpaalam sa mga ito ng harapan kaya nag-iwan na lamang siya ng mga sulat.
Isa pa, she didn’t want them to be sad for her.
“Would you mind if I asked you what happened?” Maggie asked seriously.
“Daddy was diagnosed with lung cancer three years ago. Matagal na palang dinadaing ni Daddy na nahihirapan siyang huminga and he taught it was just an asthma or pneumonia kaya ipinagsawalang bahala niya iyon. Pero mas lumala ang lagay niya kaya hindi sila makauwi ni Mommy sa Pilipinas. Nung graduation day natin sa high school, doon ko pa lang nalaman na nagiging sakitin na si Dad pero ayaw niyang magpaospital. And I decided to come here and be with my family. Akala namin, okay na si Daddy last year lang, he passed away. My mother was so devastated and she was depressed at that time but I’m glad she’s okay now,” she wear her strong façade. Ayaw ni Sam na kaawaan siya ng mga ito.
“Anyway, kayo? Kumusta na?” she tried to change the topic.
“Well, I’m engaged,” nakangiting sabi ni Daniel.
Nanlaki ang mga mata niya sa balita nito.
“W-what?! Oh my gosh! Who’s the lucky girl?” tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU, LOVING HER (Completed)
RandomCOMPLETED STORY Naranasan mo na bang magmahal? Paano kung 'restricted' yung taong iyon? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob na sabihing mahal mo siya? O mas pipiliin mong manahimik at kimkimin na lang ang nararamdaman mo... ...dahil hindi pwede.