12: SAFE

21 2 1
                                    

12
SAFE


Isang tunog nang nahulog na kutsara ang gumising kay Sam nang umagang iyon.

“Good morning, pasensiya na, nakialam na ako sa kusina mo,” nakangiting Ren ang nadatnan niya sa umagang iyon.

Nakalimutan niyang kasama niya pala si Ren sa condo niya.

“Good morning,” inaantok pang aniya.

He chuckled as he guide her to the chair.

Napangiti siya.

Ito ang ginagawa nito sa kanya dahil alam niya inaantok pa siya.

Noon kasi ay palagi siyang nauuntog o nadudulas pagkagising niya dahil half sleep pa siya.

“Hindi ka pa rin nagbabago,” komento ni Ren sa kanya.

“I really hate early mornings kahit sabihin pang New York is a busy country,” sabi ni Sam.

Ginulo naman nito ang magulo na niyang buhok.

Inayos naman nito ang kakainan nila.

She missed this.

She missed them being together.

Nagluto ito ng egg, bacon and fried rice.

Magana silang nagsalo sa agahang iyon.

Hinatid naman niya ito sa bar upang kunin ang kotse nito.

“Thank you so much, Sam,” sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit.

“For what?” kunot noong tanong niya rito.

“For always being there for me…for everything…” madamdaming sabi nito na agad nakapagpalambot ng kanyang puso.

“You know you can always count on me, right?” nakangiting  sabi niya rito.

“I know,” bulong nito saka siya pinatakan ng mabining halik sa kanyang ulo.

“See you later?” tanong niya matapos siyang pakawalan nito.

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

“I need to do something later,” halos hindi ito makatingin sa kanya.

“Oh, next time, then,” sabi niya.

“Yeah, next time,” halos pabulong na sabi nito.

Naguguluhang tiningnan niya ito.

Something is off with him. Okay naman sila kanina pero naging ganito na naman ito.

“What?” bigla ay natatawang sabi nito.

“I don’t know but something is wrong with you,” prangka niyang sabi rito.

Bahagya itong natigilan ngunit binigyan siya nang matamis na ngiti.

“Sige na, ma-li-late ka na. Always take good care of yourself, okay,” muling sabi nito saka nagpaalam na.

Sinamahan pa siya nito sa sasakyan niya at hinintay na makasakay at mag-drive palayo.

Hindi niya maintindihan pero may kakaiba siyang kabang naramdaman.

Buong araw siyang kinakabahan kaya naman mas lalo siyang kinabahn ng makitang tumatawag si Tita Janice sa kanya.

“Hello Tita?” pilit niyang pinasigla ang boses.

“Ah…hello, hija. I hope I didn’t disturb you,” sabi nito sa kabilang linya.

“No, of course not po,” sagot niya.

“I get straight ot the point, hija. We are out of town with your Tito, can we ask a favour from you?” magiliw nitong tanong.

“Sure, Tita. A-ano po yun?” tanong niya.

“Can you…uhmmm…can you look after Warren? Uuwi kasi siya ngayon sa bahay. Every Friday ay doon ito umuuwi, tiyak kasi na mag-isa ito doon ngayon and…I don’t want him to feel alone,” sabi nito.

“Of course, Tita. I’ll look after him,” sagot niya saka ito nagpasalamat sa kanya at nagpaalalaman.

Agad niyang inayos ang kanyang mga gamit.

“Grace, I need to go. Please encode the documents I asked you. Take care of the calls for me,” bilin niya sa sekretarya bago siya nagmamadaling umalis.

Kanina pa siya binubundol ng kaba.

Mabilis siyang nakarating sa bahay nila Ren.

Nakita niyang naroon na ang sasakyan ng binata. Mas kinabahan siya dahil maaga pa.

“Hindi ba siya pumasok sa trabaho?” tanong niya sa sarili.

May sarili siyang duplicate ng bahay ng mga ito.

“Ren…” tawag niya rito ngunit wala siyang nakuhang sagot.

She checked the kitchen, the garden and the pool pero wala ito.

Kumatok siya sa kwarto nito pero walang sumasagot.

Aalis na sana siya nang makarinig siya ng malakas na kalabog.

Bumundol ang matinding kaba sa dibdib niya.

Agad niyang nakita ang master key at dali-daling binuksan ang pintuan.

“Ren…” tawag niya sa binata habang tinitingnan ang nagkalat na mga gamit.

May mga basag na bote ng iba’t ibang alak.

Mas lalo siyang kinabahan dahil hindi ganito ang kanyang kaibigan.

Maingat ito sa mga gamit at malinis at maayos ito sa kanyang kwarto.

Nagmamadali niyang tinungo ang banyo.

“Ren!” nahintakutang tawag niya rito.

She saw him…



On the bath tub at nalulunod ito!

“Oh. God…please…” umiiyak nang sabi niya habang nagmamadaling iniaahon ito sa tub.

Wala na siyang pakialam sa nagkalat na suka nito sa floor.

She checked his pulse and breathing.

May pulso pa ito pero hindi na humihinga.

She is praying while doing the CPR.

“Please Ren, please wake up…” sambit niya habang pina-pump ang dibdib nito sabay hinga sa bibig nito.

“Please Ren…please,” umiiyak at natatakot nang aniya.

What if she was already late?

Nakahinga siya ng maluwag nang umubo ito.

Doon na siya humagulgol nang malakas habang nanginginig na niyakap ang kanyang kakabata at kaibigan…

Ang kaisa-isang lalaking minahal niya…

Na muntik nang mawala…

Kung hindi siya dumating.

Thank God, he’s safe.

LOVING YOU, LOVING HER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon