Naghahanda na si Erin upang pumasok sa school nang maabutan si Ulrich sa may sala waring hinihintay siya.
"Oh bakit andito kapa?Akala koba maaga magsisimula ang practice ninyo?"Tanong niya dahil Sabi nito may ensayo Ang team nito para sa susunod na bakbakan sa ibang University.
"Hindi rin magsisimula ang team ko kapag wala ako.Atsaka sadyang hinihintay talaga kita."Sabi nito at lumapit sa kanya.
"Bakit?I mean I have my own car naman so no worries."
"Ihahatid na Kita sa school ninyo at susunduin din Kita mamaya."Hindi maiwasan na titigan ito ni Erin na may pagtataka dahil iyon ang kauna unahang pagkakataon na ihahatid siya nito sa unibersidad.
"Seeyuso kaba?Ano bang nakain mo at gusto mo akong ihatid?"Natatawa niyang tanong.
Nakita niya na agad itong naghahanap ng madadahilan."Wala,gusto lang kitang ihatid.I want you to be safe."Wika nito na hindi makatingin sa kanya.
"Asus!Sige na nga.Tayo na at baka muhuli pa ako."Wika niya at hinawakan ito sa balikat.
Nakita ni Erin ang matamis na ngiti na gumihit sa mga labi ni Ulrich habang tinatahak nila ang sasakyan nito.Ilang minuto lang ang lumipas ay agad silang nakarating sa university.
"So maraming Salamat sa paghatid?Paano mauuna na ako?"Sabi Niya at akmang bubuksan ang pintuan ng sasakyan ng bigla itong magsalita.
"Ingat ka.Hintayin mo ako mamaya huh??"
Tumango lang siya dito bago tuluyang lumabas.
Napapansin Niya na iba ang kinakilos ni Ulrich ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya dito.
Binabagtas na niya ang kahabaan ng pasilyo ng masalubong si Jake na mariin kung makatitig sa kanya.
Gumanti siya ng titig dito at kung nakamamatay lang ang titig niya ay malamang kanina pa ito nakahandusay sa sahig.
Naisagawa na niya ang kanyang plano at sisiguraduhin niyang magbabayad ang lahat Ng may atraso sa kanya.
Nakita niya ang isang larawan ni Spencer sa isang wall na nakadikit at nakalagay dun ay MISSING.
Lihim siyang napangiti at iniisip kung sino pa ang kanyang isusunod.
Pagadating Niya sa classroom ay agad siyang umupo sa kanyang upuan ngunit isang kaklase Niya ang lumapit .
"Erin pinabibigay ni Wayne."Tumingala siya at nakita niya si Jim na may hawak na bulaklak.
"I don't like flowers .Ibalik mo Yan sa kanya at please do tell him huwag na Niya akong pinipesti!"Galit niyang Sabi.
"Erin tanggapin mona.Mukhang mahal kanga ni Prince Wayne kasi hindi pa siya nag e'effort magbigay ng bulaklak sa isang tao.Ikaw iyong kauna unahang tao na pinakitaan niya ng espesyal na attention."Wika Ng isang kaklase niya.
"Tanggapin na Yan!Tanggapin na Yan!"Tukso ng mga ito.
"Where is he?"Tanong niya Kay Jim.
"Nasa pool area."Sabi nito kasabay ang pagkuha Niya ng bulaklak at lumabas ng classroom.
Tinahak niya ang pool area at naabutan niya dun si Wayne na nag eensayo sa paglangoy.
Bukod sa pagiging basketball player ay isa din itong swimmer."Hey!Missed me?"Nakangiting sabi nito ng makita siya.
Lumapit ito sa gilid ng pool habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"You like the Flowers??"
Galit na inihagis niya sa harapan nito ang bulaklak.
"How many times I told you na tigilan Mona ako!Mahirap bang intindihin yun?!Akala koba matalino ka!?Hindi Kita gusto!"Galit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.