Naghintay si Erin kay Wayne subalit hindi ito dumating ng hapon kaya nagpasya na siyang umuwi.
Dinala niya ang kanyang kotse ng mga oras na iyon dahil kailangan niya upang mas mapadali ang kanyang mga susunod na gagawin.
Ayaw na niyang palampasin ang bawat araw dahil gusto na niyang matapos ang lahat.
Hindi niya alam ngunit tinahak ng kanyang sasakyan ang tahanan ng mga Del Valle dahil parang may kung anong nagtulak sa kanya.
Narating niya ang mga mansion ng mga ito ngunit nasa kalayuan lamang siya.
Hindi niya inaasahan na makita si Wayne habang yakap yakap si Vienne.
Nasa labas ng gate ang mga ito at parang aalis na ang kanyang nobyo.
Nakaramdam ng galit si Erin dahil sa nakita kaya agad niyang pinaandar ang kotse at umalis na sa lugar na iyon.
Pagsapit niya sa bahay ay tuloy tuloy lamang siya sa kanyang silid na siyang ipinagtaka ni Ulrich .
Dinaanan lamang niya ang lalaki na parang hindi niya ito nakita.
Labis labis na ang pagtataka ni Ulrich dahil isang madaling araw nakita niya si Erin na pumasok ng gate na basang basa.
Animoy wala sa sarili na pumasok ito sa silid at hindi niya alam kung saan ito nanggaling.
Ilang beses na niyang napapansin na umaalis ito ng alas dose ng hating gabi at minsan pa niyang nakita ang putik sa gulong ng sasakyan nito.
Dahil sa mga hinala ay may nabuong plano sa isip si Ulrich.
Kinabukasan ay hindi parin pumasok si Wayne at malamang naroon na naman ito sa mga Del Valle.
Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ito makisimpatya sa magkapatid na para bang kay lalim ng pinagsamahan ng mga ito.
Isang linggo din na hindi nagparamdam sa kanya si Wayne at nabalitaan niya na palagi nitong kasama si Ethan at Jake.
Nang mailibing ang mga Namatay na mag asawang Del Valle ay saka palang pumasok si Ethan at Vienne at oras narin para sa kanyang susunod na plano.
Nakasalubong niya sina Jake at Ethan sa pasilyo at isang nakakabighaning ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi .
"Hi Ethan..Are you okay now?Im so sorry kung hindi ako nakapunta sa bahay ninyo.My deepest condolences to your parents."Wika niya na may lungkot.
"Salamat Erin.Okay lang kung hindi ka nakapunta naiintindihan ko."Sabi nito ngunit ginagap niya ang kamay ni Ethan.
"Pagsubok lamang ito sa buhay ninyo Ethan.At alam ko na malalagpasan niyo rin to.Magpakatatag ka huh?"Sabi niya at marahan itong tinapik sa balikat.
Tiningna niya lamang si Jake na noon ay inaarok ang sinseridad sa kanyang sinabi.
Diritso na si Erin sa kanyang locker upang kunin ang aklat na unang subject niya sa umagang iyon.
Bubuksan na sana niya ang kanyang locker ng may marinig sa likuran.
Locker iyon ng mga senior college student at parang kilala niya ang boses na nagsasalita.
"Believe me Wayne.Nakita moba ang larawang ito?I know this is him when he was twelve years old.At may kutob ako na siya ang responsable sa mga nagaganap ngayon.Siya ang pumatay kay Spencer at sa mga magulang ko.Siya rin ang dumukot kina Geo at Myrtle,he is a criminal Geo!"Wika ni Vienne dahilan upang mag ngitngit ang kalooban niya.
Sinusubukan talaga siya si Vienne.
"Vienne this is too much.Hindi ka pwedeng magbentang sa isang bagay na hindi ka sigurado.Hindi sapat na basehan ang isang larawan upang ituro mo si Erin na siya ang pumapatay.I knew him at hindi niya magagawa ang sinasabi mo."Sabi ni Wayne at napailing iling .
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.