Naramdaman ni Erin ang mga bisig na yumakap sa kanyang likuran.
Nagulat siya ng makilala ito.
"Patricia??What are you doing here??"Ang kanyang tanong.
"Alam kong pagod na pagod kana Erin.Alam ko hindi ganitong buhay ang gusto mo.Let go the anger at mamuhay ka ng normal kasama ang mga taong nagmamahal sayo.Magpatawad ka Erin."Wika ni Pat .
"Paano mo nalaman ang-"
"Alam kona lahat Erin.I knew it from the moment na nakita kita na ikaw ang aking kababata.Alam kong hindi ka masaya sa ginagawa mo kaya itigil mona.Andito pa ako Erin..andito pa akong kaibigan mo at hindi ka nag iisa sa laban mo."
Biglang yumakap sa kanya si Erin at humagulgol ito ng iyak.
"Pagod na pagod na ako Pat.Gusto ko maging masaya ngunit hindi ko magawa.Nahihirapan na ako sa ganitong buhay.Alam mo naman na hindi ito ang pinangarap ko diba??Alam mo mismo kung anong gusto ko Pat.Ngunit bakit ganito??Bakit ganito ang kinahahantungan ng lahat??"Sabi ni Erin habang patuloy sa pag iyak.
"Alam ko kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan mo Erin.Im so sorry kung wala akong nagawa upang tulungan ka.Hindi pa huli ang lahat..magpatawad ka sa mga taong nagkasala sayo ."Sabi ni Patricia baka sakaling magbago ang isip nito.Naramdaman niya ang bigat ng pinagdadaanan ng kaibigan.
"Mahirap Pat.Hindi ko makapa sa aking dibdib ang kapatawaran.Pinatay nila si Juztine at Stan na walang kalaban laban.Dahil dun pinatay narin nila ako!!Hindi ko kayang magpatawad dahil nangako ako na igaganti ko sila."Muling mababakas sa tinig nito ang galit.
"Hindi maging masaya sina Stan at Juztine kung nakikita kang nahihirapan.Hindi pa huli ang lahat upang magbago Erin."
"No Pat..No.Nangako ako na babalikan at gagantihan ang mga taong pumaslang sa kanila at malapit na akong magtagumpay.Hindi ako pwedeng huminto dahil malapit na matapos ang lahat."
"Erin please..makinig ka sa akin.May magandang buhay pa ang naghihintay sayo.Hayaan mong tulungan kita..maawa ka naman sa sarili mo."Wika niya ngunit bigla nalang itong tumayo.
"Kailangan kong tapusin ang nasimulan ko Patricia.Hindi ako magiging masaya hanggat nakikita kopa silang nabubuhay!Buhay ang kinuha nila sakin!Hindi pwedeng hayaan ko nalang sila!Handa ako kung ano ang kahihinatnan ng lahat.Namatay na ako ng mawala ang mga magulang ko..at mas lalo akong namatay ng mawala sina Juztine at Stan.I was double killed Patricia at dahil dun buhay sa buhay ang kapalit."Muling naging mabagsik ang anyo ni Erin.
Hindi alam ni Patricia kung ano ang gagawin.
Masyadon ng kinain ng galit ang puso ni Erin at nawawalan na siya ng pag asa upang tulungan ito.
"Please do me a favor Pat.Ngayong alam mona ang totoo please dont tell anybody about this.Hindi pa tapos ang misyon ko Pat at ayokong masira yun.Hindi ako matatahimik kung hindi ako makapaghiganti.Nasimulan kona ito..at ito ang buhay na pinili ko kaya kahit nahihirapan na ako panindigan kona.Promise me now Pat."
Mahirap man para kay Patricia ay marahan na lamang siyang tumango.
Ayaw niyang kunsetihin ang mga kremin na ginagawa ni Erin ngunit parang huli na ang lahat.
Kinain na ito ng matinding galit.
Hindi na ito ang Erin na kilala niya five years ago dahil kinain na ito ng galit at paghihiganti.
"Pag isipan mo ang sinabi ko Erin.Hindi ka nag iisa dahil andito ako na kaibigan mo.Buksan mo ang iyong puso sa kapatawaran."Sabi niya ngunit marahan lamang itong ngumiti at lumapit sa kanyan.
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.