Hindi agad nakapagsalita si Vienne sa tanong niya.
"Bakit hindi ka makasagot??Ka ano ano mo ang batang nasa larawan?"Wika niya at nanlalaki ang mga mata na lumapit dito.'"Answer me!"
"Stop playing games with me Erin Mendoza.I know you knew kung sino ang batang ito kaya huwag kanang magkakaila."
"Kung may maitim man ang budhi dito Vienne Del Valle ikaw yun at hindi ako.Alam kong may pinagtatakpan ka kaya sana lang wala kang pagsisisihan.Kalabanin mona ang lahat huwag ako!Dahil baka hindi ako makapagtimpi at madala kita sa hukay!"Ang sabi niya at tinitigan ito sa mga mata.
"Stay away from me!"Itinulak siya nito ngunit hindi siya natinag."Hinding hindi ako natatakot sayo Erin!Alam kona kung ano ang pagkatao mo!Alam kong ikaw ang batang to!"At muli nitong pinakita ang larawan ngunit pinunit niya iyon at itinapon sa mukha nito.
"How dare you!"Galit nitong sabi at akmang sasampalin siya ngunit agad niya iyong nasalo.
Binalibag niya ang kamay ni Vienne kaya napangiwi ito sa sakit.
"Kung may lihim man na tinatago dito ikaw yun!Huwag mo akong pagbentangan sa isang bagay na hindi ko alam!Subukan mopa akong siraan kay Wayne dahil matitikman mo ang ang iyong hinahanap!"Malakas niya itong itinulak kaya nauntog ang ulo nito sa dingding.
Nagwawala sa galit si Vienne at sinugod siya at hinila ang kanyang buhok.
Nagsabunutan sila sa loob ng comfortroom.
Ilang suntok ang pinakawalan ni Erin na tumama sa mukha nito kaya nabitawan siya nito.
Sinipa niya ito ng malakas kaya napaupo ito sa isang bowl.
Muli itong tumayo at sumugod sa kanya ngunit sunod sunod na sampal ang kanyang binigay dito.
Hindi na nakaganti si Vienne na noon ay dumugo na ang labi.
"Isang maling hakbang pa Vienne Del Valle at pagsisisihan mo iyon!"Ang kanyang wika at inayos ang sarili.
Nanghihina si Vienne na nakasandal sa semento habang habol habol ang hininga.
Magulo ang buhok nito habang umiiyak.
Hinding hindi ito mananalo sa kanya kailanman.
"And please huwag mona landiin ang boyfriend ko.Stop wasting your time dahil akin na si Wayne at kailanman hinding hindi siya maging sayo.Be careful with your next steps."Sabi niya at lumabas na sa CR.
Nakita niya si Ethan sa labas ngunit dinaanan lang niya ito.
Tuloy tuloy na siya sa gym at eksakto naman na tapos na sina Wayne sa practice.
"Where have you been??"Tanong ni Wayne at umakbay sa kanya.
"Nag CR lang saglit.Namiss mo ako agad?"Wika niya at kinurot ang pisngi ng nobyo.
"Siyempre naman.Ayoko mawala ka sa paningin ko."Natatawang humilig si Erin sa dibdib ng lalaki."So lets go home??"
Tumango na lamang siya at nakita nila si Vienne sa labas ng campus na galit na galit nakatingin sa kanya.
Talagang matigas ang ulo nito.
Alam niyang hindi parin ito hihinto sa mga pinaplano nito sa kanya.
Kailangan niyang mag doble ingat dahil baka ito ang makakasira sa kanyang mga hakbang.
May dala siyang sasakyan kaya agad na siyang nagpaalam kay Wayne at umalis na.
May gagawin pa siya ngayong gabi.
Kung akala ni Vienne na tapos na ang lahat nagkakamali ito .
Sa gagawin niya siguradong matuturuan na niya ito ng leksyon.
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.