Habang nasa hapag kainan ay tahimik lang si Ulrich ni hindi nito tinapunan ng tingin si Erin kahit ilang beses niya itong pinansin.
Nagtataka man si Nana Rosi nauunawaan niya kung bakit nagkaganun ang kanyang anak.
"Busog napo ako."Wika ni Ulrich at tumayo.
Nasundan na lamang ni Erin ng tingin ang lalaking paakyat ng hagdanan.
"Pagpasensiyahan muna ang anak ko Erin.Baka masama lang yung pakiramdam niya."Pinilit niyang ngumiti kay Nana Rosi.
Kakausapin niya si Ulrich mamaya sa ayaw at sa gusto nito.
Kelangan niyang malaman kung bakit bigla nalang itong nagalit sa hindi niya alam na kadahilanan.
Matapos siyang kumain ay nagpaalam na siya kay Nana Rosi na umakyat na sa kanyang silid.
Ngunit hindi muna siya pumasok bagkus ay kinatok niya ang silid ni Ulrich.Hindi ito sumasagot sa kanyang mga katok kaya mas nilakasan niya na may kasama pang pagpihit sa door knob.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita niya ang galit na mukha ng lalaki.
"Ano bang kailangan mo?"Galit nitong tanong.
"We need to talk."Nilakasan niya ang kanyang loob.
"We have nothing to talk."Muli nitong isinara ang pintuan ngunit agad niyang pinigilan.
Pumasok siya sa loob at inilock niya ang pintuan.
"What are you doing?!Mas lalo pa itong nainis sa kanya.
"Ako dapat magatatanong sayo..what are you doing?What happen to you?All of a sudden nagagalit na ng hindi ko alam ang dahilan?"Pinilit ni Erin na maging kalma.
"Its none of your business."Umiwas ito ng tingin.
"Yes you are my business dahil hindi ka dating ganyan.Yung pag iwan mo sakin kanina sa school it was something i didnt expect from you."
"Oh really?Kung hindi kalang sana nakipaglandian sa lalaking iyon hindi ka maiiwan."
"What?So nagalit ka dahil pinaghintay kita??So ganun lang iiwan mona ako?"
"Hindi mo ako body guard para paghintayin mo.Kung makikipaglandian ka lang pala sa lalaking iyon eh di sana hindi nalang kita sinundo."Ito ang unang pagkakataon na nagkasagutan sila ni Ulrich.
"Okay im sorry kung pinaghintay kita..Im sorry kung sa tingin mo nakipaglandian ako kay Wayne.Gusto ko lang din ipaalam sayo na ikaw ang nag offer na sunduin ako diba?Yun lang naman pala ikinagagalit mo eh."
"Hindi lang yun ang dahilan kung bakit galit ako sayo.Alam mo ba yung pakiramdam na selos na selos kana habang nakikita ko kayong naghahalikan sa harapan ko?Mahal kita Erin kaya nagseselos ako sa Wayne na iyon!Galit ako kasi kahit anong gawin ko hindi mo parin ako maramdaman.Galit ako dahil kahit anong gawin ko hindi mo parin ako magugustuhan.Mahal kita okay?Mahal na mahal kita!"Hindi niya inaasahan na marinig ang mga salitang iyon kay Ulrich.
Kilala niya ito at alam niya kung gaano ito nasaktan sa pagkawala ni Rence.
Bago paman siya magbitaw ng salita dahil sa nalaman ay kailangan siyang gawin na sanay mapatawad siya ng lalaki.
Kailangan niya itong gawin upang mabatid niya ang katotohanan sa likod ng mga binitawan nitong mga salita.
Dahan dahan siyang lumapit kay Ulrich at hinaplos ang pisngi nito.
Nagulat ito sa kanyang ginawa ngunit agad niya itong hinalikan sa labi.
Maalab.
Mapusok.
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.