Chapter 24

78 7 0
                                    

Masama ang panahon ng gabing iyon habang nakahiga si Vienne sa kanyang kama.

Malakas ang ulan sa labas at madalas kumidlat dahilan upang magliwanag ang kanyang silid.

Hindi siya sanay na naka lights on kapag natutulog kaya lights off sa mga sandaling iyon.

Animoy nanggagalaiti ang panahon at patuloy ang pagbuhos ng ang malakas ng ulan.

Alas dos ng madaling araw ay nagising si Vienne ng maya maaninag siyang bulto malapit sa kanyang pintuan.

Nakita niya ang isang tao na nakatayo doon sa tulong ng liwanag ng kidlat kaya agad siyang napabangon.

"Ethan is that you?"Ang kanyang tanong at bumaba ng kama subalit biglang lumabas ng pintuan ang bulto kaya may pagtataka na si Vienne.

Paano ito nakapasok sa silid niya ngayong nakalocked iyon.

Kung ang Mommy at Daddy niya kumakatok ang mga ito bago papasok ganun din si Ethan.

Madali siyang bumaba sa kama at kinapa ang switch ng ilaw ngunit walang kuryente.
Marahi may kawad ng kuryente ang nasira dahil sa lakas ng ulan at hangin sa labas.

Kinapa niya ang drawer at kumuha siya ng flashlight.

"Ethan?"Dahan dahan siyang humakbang sa may pintuan ngunit nagulat siya ng mailawan ang mga patak ng dugo roon.

Iba na ang kanyang kaba kaya dagli niyang kinatok si Ethan sa silid nito.

Halos sirain na niya ang pintuan ng kapatid dahil hindi parin siya nito pinagbubuksan.

"Ethan open this door!Ethan!"Buong lakas na kinalampag niya ang pintuan dahil nagpapanic narin siya sa mga sandaling iyon.

Bumukas ang pintuan at nakita niya ang kapatid na animoy naaalimpungatan pa.

"Vienne its so late..bakit ba??"Inaantok pa nitong wika.

"Hes here Ethan.Hes here inside the house."Mangiyak ngiyak niyang wika kaya agad nagising ang diwa ng lalaki.

"What?!Nakita moba?"Marahan siyang tumango.

"I saw him right in my door.And i saw blood in the floor."Takot niyang sabi .

Pinapasok siya ni Ethan sa loob ng silid nito at isinara ang pintuan.

"Ethan we cant stay here.We are not safe and for sure hes coming for you."Hindi alam ni Vienne kung anong gagawin.

Napasulyap siya sa kanilang kapit bahay at makita na may ilaw ang mga ito.

Sila lang ang walang ilaw kaya sinadya iyon ng killer.

"Lets call for help."Sabi ni Ethan na hindi narin alam ang gagawin.

"Wala tayong kuryente dahil sinira niya ang kable.Lets get out of here now!"Hindi na talaga mapakali si Vienne.

"How about Mom and Dad?"Tanong ni Ethan .

"Shit!"Nakalimutan niyang naroon pala ang kanilang parents.

Subalit nakarinig sila ng isang malakas na kalabog at sigaw ng kanyang Mommy.

Nagkatinginan sila ni Ethan subalit agad silang lumabas at pinuntahan ang silid ng mga magulang.

Tahimik ang silid at madilim sa loob.

Nakabukas ang pintuan kaya dahan dahan silang pumasok roon.

Hawak hawak ni Vienne ang flashlight habang nasa kanyang likuran si Ethan.

Natutop ni Vienne ang bibig ng makita ang maraming dugo sa sahig at nagkalat na kagamitan.

Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

UNDER THE RAIN BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon