Agad kumalat sa buong unibersidad ang nangyari sa pasilyo maging ang pagkakamabutihan nina Wayne at Erin.
May mga natuwa at may mga nagalit isa na si Vienne na hindi parin matanggap ang nangyari."This can't be!Wayne is mine at hindi ako makakapayag na mapunta lang siya sa malanding baklang iyon!!"Nanggagalaiti sa galit na Wika ni Vienne.
"Sila na nga diba?Ano pang magagawa mo?"Wika ng isang alipores niya.
Galit na galit niya itong binalingan."You know me!Ako si Vienne Del Valle at nakukuha ko lahat ng gusto ko! Naiintindihan mo?!"
Nagpupuyos ang kalooban ni Vienne at naikuyom ang kanyang mga kamo.
"Kung akala ng Erin na iyan na makukuha Niya si Wayne ,Well he's fucking wrong..We must do something.Makikilala Niya Kung Sino Ang inaagawan Niya."Sabi Niya at may maitim na balak ang naglalaro sa kanyang utak.
Noon Lang muli sumilay ang mga ngiti ni Erin habang magkahawak kamay sila ni Wayne binabagtas ang mahabang pasilyo.
Hindi niya maipapaliwanag ang saya na bumabalot sa puso niya ng mga sandaling iyon.
Hindi parin mawawala ang mga bulungan at hiyawan sa paligid nang silay napapadaan kaya bigla niyang binawi ang kamay na hawak hawak ng lalaki.
Napatingin si Wayne sa kanya na may pagtataka."What's wrong?Nahihiya kaba na kasama ako?"Tanong nito habang makikita sa mga mata ang pagtatampo.
"It's not like that.Hindi Lang ako sanay na ganito."Hindi siya sanay na may kahawak kamay sa mataong lugar.
Sikat si Wayne at mareputasyon itong tao.
" I'm your boyfriend kaya get use to it from on.Huwag kang matakot dahil kaya kitang protektahan sa kahit kanino.Hindi mahalaga Kung Ano Ang sasabihin Ng ibang tao dahil Ang importante nagmamahalan Tayo.'Wika ni Wayne at dinala ang kanyang mga kamay sa pisngi nito.
"Mahal Kita Erin at Tayo Lang dalawa ang mahalaga.""Mahal din kita Wayne."Sabi niya kaya umulan na Naman Ng tukso ang paligid.
Tama si Wayne,Hindi na mahalaga Kung Ano Ang sasabihin ng ibang tao dahil ang mahalaga ay nagmamahalan sila.Kinahapunan ay hindi Niya nakasabay ang nobyo dahil may rehearsal pa ang team nito kaya nauna na siyang umuwi.
Nasa parking lot na siya Ng may biglang sumabunot sa kanya.
Nagulat siya sa biglang atake kaya nauntog ang ulo niya sa hood ng sasakyan."Kung akala mo panalo kana nagkakamali ka!Hinding hindi mo maaagaw sa akin si Wayne!Akin lang siya!'"Wika ni Vienne na puno Ng kadesperadahan habang patuloy ang pagsabunot sa kanya.
Naramdaman ni Erin ang malagkit na likido ang tumulo sa kanyang ilong kaya sumiklab ang galit niya at marahas na hinablot ang buhok ni Vienne at sinikmutahan ito gamit ang kanyang tuhod.
Nabitawan nito Ang kanyang buhok at napaatras habang hawak hawak ang nasaktang puson.
"Hindi kita kailanman binigyan ng karapatan upang saktan ako!'Galit niyang wika at muli itong sinugod.
Sinakal Niya ito habang nanlalaki ang mga mata.
"Sinabi Kona sayo kalabanin Mona Lahat huwag lang ako!'Sabi niya at itinulak ito .
Nanginginig ang kanyang mga kamay ng mga sandaling iyon.
"Hindi ako natatakot sayo!You ruined everything!Kinuha mo ang dapat ay sa akin Lang!'
"Walang sayo Vienne!Hindi mo siya pag aari kaya Wala kang karapatan upang angkinin siya!Naintindihan mo?!'Sabi Niya habang kaharap ito.
"Ang kapal ng mukha mo!Sa tingin moba Mahal ka talaga ni Wayne?Sa palagay mo totoo ang Lahat ng sinasabi Niya?Masyado kang tanga Kung inaasahan mo mahuhulog sa isang baklang kagaya mo ang straight guy na katulad ni Wayne.''
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanficThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.