Agad sinagot ni Jake ang tawag at isang halakhak ang kanyang narinig.
"Anong ginawa mo kay Ellen?!Huwag mo siyang sasaktan hayop ka!!!"Ang kanyang wika ng makilala ito."Magpakilala ka sakin at magtutuos tayong dalawa!"
"Huwag kang mag alala Jake Omilton dahil malapit na tayong magtutuos.Baka mababahag iyang buntot mo kapag nakilala mo ako!But now uunahin ko mona ang pamilya mo.Panoorin mo silang sasabog."Wika nito at tumawa ng malakas.
Parang nag echo sa kanyang tenga ang sinabi nito kaya agad siyang tumakbo papalabas ng gate.
"Mom!Dad!!"Ang kanyang sigaw ngunit nakaalis na ang parents niya.
Medyo may kalayuan na ang sasakyan ng mga magulang ngunit sinubukan pa itong habulin ni Jake.
"Mom!Dad!!Get out the car!!!Get out the car now!!!!!!!"Ang kanyang sigaw subalit hindi siya naririnig ng mga ito.
Papalayo ng papalayo ang sasakyan hanggang isang malakas na pagsabog ang narinig.
Nanlaki ang mga mata ni Jake ng makita ang sasakyan ng mga magulang na nasusunog.
Nawalan siya ng boses at napaluhod sa semento.
Tumulo ang kanyang mga luha habang naikuyom ang mga kamao sa galit.
"Nooooooooooo!!!!"Ang kanyang malakas na sigaw.
Hawak hawak parin niya ang cellphone at naka online parin ang salarin.
"Hayop ka!!!Hayop kaaaaaa!!!!Bakit dinamay mo ang mga magulang ko???????!!!!Hayooooooopppppp!!!!!!"Mura niya sa kabilang linya.
Tawa lamang ang kanyang narinig na animoy isang demonyo na nakawala sa kulungan nito.
"I hope you like my surprises!See you soon.!"Ang wika at pinutol na ang kabilang linya.
Dahan dahan na tumayo si Jake at tulala na naglakad patungo sa sumabog na sasakyan ng magulang.
May nakita siyang isang bulto na nakatayo malapit sa sasakyan na nag aapoy ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil sa makapal na usok.
Halos madurog ang puso niya ng makita ang apoy na tinupok ang kanyang mga magulang.
Hes crying for help ngunit walang tao na nakita niya sa paligid.
Gusto niyang apulahin ang apoy baka sakaling maisalba pa ang buhay ng kanyang mga magulang.
"Mom!!Dad!!!!"Ang kanyang sigaw akmang lalapitan ang kotse ngunit sumabog na naman ito kaya tumilapon si Jake.
Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang noo kaya nahihilo siya at nanlalabo ang kanyang paningin.
Narinig niya ang mga yabag ng paa patungo sa kanyang kinaroroonan.
"Mom..Dad..."Muling tawag niya sa kanyang mga magulang at napaiyak.
Sa isip niya hindi dapat nangyari ang ganito at marahil karma na itong nararanasan niya.
"Bakit kailangan mong idamay mga magulang ko??Sana pinatay mo nalang ako at huwag na idamay ang mga walang kasalanan!!Ang kanyang sabi.
Nakita niya ang maitim na sapatos sa kanyang harapan ngunit kinain na siya ng kadiliman at nawalan siya ng ulirat.
-----
Labis labis na ang pangungulila ni Wayne kay Erin ngunit hindi ito pumasok ngayong araw.
Ilang beses niya itong tinawagan ngunit hindi na ito makontak kaya sobra na ang kanyang pag alala dito.
Hindi na maganda ang mga nangyayari kaya kailangan na niyang kumilos upang maitama ang kanyang mga kamalian.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis subalit nasalubong niya si Patricia.
BINABASA MO ANG
UNDER THE RAIN BOOK 2
FanfictionThis is the continuation of Under The Rain 2.. Para mas masubaybayan ang buong pangyayari maaari ninyong basahin ang mga naunang pahina sa isa Kong account aleexishaine07 Hanggang sa kasalukuyang chapter. Maraming Salamat Po.