My Polaris (Part 2)

103 5 0
                                    

My Polaris (Part 2)
*****
Y/N's POV

It's been 3 days. Nakalabas agad ako ng hospital matapos kong magising. Si Jin, patuloy padin kaming nag uusap sa panaginip ko. Mas nagiging makulit siya bawat araw na nagkakausap kami. I like it when he goof around. Sa bawat minuto na kausap ko siya, hindi pwedeng hindi niya ako mapapatawa sa mga dad jokes niya. Actually, sa tawa niya, dun ako natatawa hindi sa jokes niya. Dahil sa kaniya, tuwing break namin, sa loob ng 1 hour, natutulog lang ako. At pag kauwi kong galing school, after kong gawin ang homework, at after kong kumain, matutulog na uli ako. Natatakot na kasi akong iwan siyang muli. Iba ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Gusto ko lang palaging makita siyang masaya.

Araw araw, tuwing gigising ako, hindi mawawala ang ngiti sa aking labi. Si Jin lang ang dahilan non. Tulad ngayong araw. Sa panaginip ko kasi kanina, dinala niya ako sa Hongkong Disneyland. Sabi niya, hindi ko magagawang kontrolin ang panaginip ko dahil hindi naman daw ako marunong mag lucid dream. Pero siya, kaya niya. Isa daw yun sa benefits ng pagiging dream traveller. Magagawa mong puntahan ang mga lugar na gusto mo sa pamamagitan ng panaginip at pag kontrol nito. Sa panaginip ko, sumakay kami ng iba't ibang rides. Puro tawa lang ang ginawa namin doon.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagaayos ko ng gamit. Ngayon yung educational trip namin. Pupunta kami sa isang museum. Ewan ko ba kung bakit doon nila napiling pumunta. Hindi naman ako nakikinig tuwing nag didiscuss sila about sa educ. trip na to. Si Jin lang naman kasi ang sumasakop sa isip ko.

Nakarating kami ng museum na occupied padin ang isip ko.

"Class, you may tour yourself around. Just make sure, you'll be back before 10 am sa bus natin." saad ng professor namin at umalis.

Napili kong lumibot sa mga statues kaysa tumingin tingin ng mga paintings. Isang statue ang nakakuha ng atensyon ko. Isa siya statue ng lalaki na nakatingin sa isang malaking bituin. Nakikita ko sakaniya si Jin. Ang taga pangalaga ng buwan at mga bituin.

"Isang napakagandang maestra ang estatwa na iyan, hindi ba?" gulat na napalingon ako sa babaeng nasa 40's na ngunit litaw na litaw parin ang kagandahan. Naka suot siya ng uniporme tulad ng mga taong nakita ko na nagtatrabaho dito.

"A-ah opo."

"Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, sa likod ng nakagandang maestrang yan, ay isang pangyayari ang magiging dahilan upang madungisan ang perpektong estatwa."

"Po? Hindi ko po maintindihan." ngumiti sakin ang babae at hinawakan ang aking kamay.

"Halika, maupo tayo. At ikukwento ko ang madilim na istorya ng estatwa." at marahan niya akong hinila papunta sa upuan na tapat ng estatwa.

"Ang estatwang nakikita mo ay isang estawa ng isa sa mga pinaka magaling na manlalakbay sa pamamagitan ng panaginip," agad nangunot ang noo ko sa sinaad ng babae. Bukod kay Jin, may iba pang dream traveller? Akala ko ba pito lang sila? Paano itong estatwa na nasa aking harapan ay isang manlalakbay sa panaginip?

Naputol ang paglipad ng aking isip ang magsalita muli ang babae. "Base sa ekspresyon ng iyong mukha, nagtataka ka kung paano nagiging manlalakbay sa panaginip ang isang tao, hindi ba?" nakangiti niyang tanong. Dahan dahan naman akong tumango sa sinabi niya.

"Isang libong tao na ang nakalilipas ng mabuhay ang unang manlalakbay sa panaginip. Nag mula ang taong ito sa bahaging timog-silangan. Sa bansang Pilipinas," ngumiti sa akin ang babae bago muling nagpatuloy. "Noong mga panahong iyon, nababalita ang sunod sunod na pagkamatay ng mga dalaga mula sa iba't ibang panig ng mundo. At ang kataka taka lamang dito ay, pulos kababaihan na dalaga lamang ang nabibiktima. Bangungot. Iyon lamang daw ang isang dahilan ng pagkamatay ng mga nabiktimang dalaga. Tinawag ito ng lahat na 'Curse Dream'. Dahil ayon sa mga magulang nila, sa tuwing matatagpuan ang mga bangkay ng dalaga ay pawisan ito at lumuha. Kung hindi iisipin na tulog ito, ay masasabi mo raw na tumakbo ito ng halos 4 na kilometro. Isa pa sa mga napansin nila ang pagdurugo ng dalawang tuhod ng mga dalagang nabiktima nito. Ng imbistigahan ito ng mga eksperto, ang mga sugat daw na ito ay nakukuha lamang kung ikaw ay nadapa o nasubsob. Kataka-taka na pare-parehas ang nangyayari sa mga dalagang nabiktima. Ngunit kung ano ang sanhi ng mga sugat na ito at kung sino o ano ang humabol sa mga dalaga, walang nakakaalam.

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon