LYHL TL 1

58 1 0
                                    

LOVE YOURSELF HIGHLIGHT REEL: the Chronicles

Temporary Love (Part 1)
Jungkook X You

Jungkook's POV.
This is it, the day that I've been waiting for so long.
I finally graduated. Everyone's here, my family, friends, members and the staffs. But I still hoping she'd come.

"Oh? Jungkook? bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"
Hoseokie hyung asked

"Ah? wala, nasagi lang kasi sa isip ko na, kahit puro F ang grade ko, 4 days lang akong pumasok, grumaduate pa din ako" pagbibiro ko kaya naman tumawa nalang kami pareho.

"Nga pala, kamusta na si Aiyu? hindi ba sya pupunta?" tanong niya but I didn't bother to answer him

"Ah, alam ko na, she's the reason why you're spacing out. Hay nako Jungkook. Kala ko ba ok na kayo? kala ko ba friends nalang kayo?" tanong niya

"We do, we're fine, but i still love him hyung." Maikling sagot ko sabay sa pagtingin sa kawalan.

"Pero alam mong tapos na kayo JK, marami pang babae sa mundo. Minsan, sa pinakamalulungkot na araw mo, saka mo pa makilala yung taong magbibigay liwanag sa buhay mo. I swear, sooner or later, makikilala mo sya." sagot niya

"I hope so hyung."

"O sya sige, tara na don at baka hinahanap ka na nila. Araw na araw mo pa naman tas ganyan ka. Enjoyin mo 'tong araw na'to." sabi niya bago kami pumunta sa sala.

Suga's POV
"If that's what you want, I won't stop you as long as you know your limits. Go here now and see him." I said to Aiyu matapos syang tumawag sa'kin para manghingi ng permiso kung pwede daw syang pumunta dito, sa bahay nila Jungkook upang personal syang batiin sa kànyang graduation.

Although alam kong pupunta dito ang kaisa-isang babaeng minahal ni Jungkook, na nasa'kin na ngayon, hindi ko na pinaalam pa sakanya.

Makalipas lang ang ilang oras ay dumating na sya.
"Aiyu? anong ginagawa mo dito?" maintrigang tanong ni Jennie, kambal ni Jungkook, ng makita nya ito.

"I'm here to see Jungkook, to congratulate him"  kalmadong sagot naman ni Aiyu

"Of course I know, pero ang lakas din ng loob mong magpakita dito sa pamamahay namin after what you've done to my brother. Huh." Di makapaniwalang sagot ni Jennie

"What's with you Jennie? ang ingay mo~ Aiyu?" gulat na reaksyon ni Jungkook ng makita nya ito.
Nakatitig lamang sila sa isa't isa at unti unting napangiti si Jungkook.

"I'm glad you're here" sabi nito at biglang tumakbo kay Aiyu at niyakap ito. Si Aiyu naman ay nakatayo lang dahil din sigurong aware sya sa presensya ko.
Matapos bumitaw sa pagkakayakap si Jungkook ay nagsalita si Aiyu. "I'm here to personally congratulate you. Congratulations Jungkook." Sabi nito at iniabot ang isang kahon. Marahik ay isang regalo.

"Thank you so much! you made my day complete!" Masayang sambit ni Jungkook, I can really the happiness in his eyes, I can't deny it.

"But, uhmm. Jungkook, I'm also here to tell you something.." Biglang sabi ni Aiyu na syang ikinagulat ko, at lumingon pa ito sa'kin. What she's planning to do is I think will get us into trouble.

"You looks so serious, what is it?" Jungkook said.
"I have no plans of destroying your day but I think it's the right time to tell you that~" Aiyu nervously said.
"~Kami na ni yoongi" she added that left everyone shocked.

"What?" Jungkook just got his eyes widened and stared to me.
"Let me explai~" His sister suddenly slapped me.
"Nice try Yoongi, calling you oppa doesn't make any sense anymore now. You disrespected my brother, You don't deserve my respect either." dire diretso nyang sabi

"At ikaw naman Kim Aiyu, napakalakas naman ng loob mong sirain ang araw ng kapatid ko? best friend kita, pero hindi ko maintindihan kung bakit naging ganyan ka! first, you left my brother, saying that it's for the sake of both of you, kaya kahit masakit, tinanggap nyang magkaibigan nalang kayo. Now this?! malalaman nalang namin na kayo na netong lalakeng to? at ngayon mo pa naisipang sabihin ha? sana di ka nalang nagpakita dito Aiyu! Nag iinit dugo ko sayo. Umalis ka na dito!" bago pa man makasagot si Aiyu ay biglang tumakbo si Jungkook palabas ng bahay.

JUNGKOOK'S POV

I expected that this day is going to be the most spectacular day of my life. Everyone's here, Aiyu came. But then malalaman ko na sila na ni Suga Hyung? How Ironic. It's supposed to be the best day yet it came the most doomed day of my life.

After all the revelations I heard, parang bigla akong nawala sa sarili.
I ran out of the house and went somewhere. I can hear my hyungs' voices yelling at me to stop. But I continue running.
Pakiramdam ko ay hinahabol pa din nila ako.
Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng mga paa kong 'to but one thing's for sure. Ayoko na.

Taehyung's POV

Nang dahil sa mga pag amin ni Aiyu ay tila ba nawala sa sarili si Jungkook. He just ran at eto, hinahabol namin sya ngayon.
Kahit anong tawag namin sakanya ay hindi sya lumilingon. Ang bilis niyang tumakbo.

Sa patuloy na pagtakbo namin ay nangyari ang hindi namin inaasahan.
biglang tumakbo si Jungkook papunta sa kabilang side ng kalsada pero hindi pa man sya tuluyang nakakatawid ay~~

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

"JUNGKOOOOOOK!" sigaw namin ng makita namin ang nakahandusay na katawan ni Jungkook sa gitna ng kalsada. Agad namin itong pinuntahan.

"Jungkook! Wake up!" Umiiyak na sabi ni Jennie habang kalong niya sa lap niya ang kapatid nyang walang malay.
"call the ambulance now! please!" she begged us at ako na ang tumalima.
"May pulso pa sya kaya dapat natin syang madala agad sa ospital." Sambit ni Jin Hyung na nakapagrelieve naman sa amin kahit papaano.

Maya maya pa'y dumating na ang ambulansya at agad na isinugod sa ospital si Jungkook. Kami naman nila Jimin at Jennie ang sumama habang ang iba ay bumalik muna sa bahay nila Jungkook para ipaalam ang nangyari.

Habang nasa ambulansya kami ay panay lang ang iyak ni Jennie habang nakayakap ito sa'kin.

"Shh. stop crying" pag-aalo ko dito.
"Jennie, hindi pa patay ang kambal mo kaya wag kang gumanyan" sarkastikong sabi ni Jimin na agad ko naman sinamaan ng tingin.

Pagdating sa ospital ay agad nang inasikaso si Jungkook habang kami naman ay naiwan sa waiting area. Maya maya pa'y dumating na ang ibang members, including Suga Hyung and his girlfriend Aiyu, and Jungkook's parents at yung isa pa niyang Kuya.

Tila nagbago ang mood ni Jennie, ang kaninang iyak nang iyak, ngayon ay galit ang namutawi sakanya. Lumapit ito kay Aiyu at marahang nagsalita.
"Ayoko ng gulo, umalis ka na dito." Mahina pero tensyonadong sabi ni Jennie.
"Jennie im sorr~~"
"umalis ka na dito Aiyu, please lang. napapagod na akong umiyak, umalis ka na." mas lalong umigting ang tensyon ni Jennie.
"let me expla~"
"SABING UMALIS KA NA HINDI BA?! ISAMA MO NA RIN YANG BOYFRIEND MONG MANLOLOKO TULAD MO! I DON'T NEED YOUR EXPLANATIONS. NANGYARI NA E? DO THOSE EXPLANATION WILL HEAL MY BROTHER? HUH? TELL ME! NO RIGHT? SO NGAYON PA LANG, UMALIS KA NA! YOU ALREADY DESTROYED HIM TAS DINUROG MO PA? NAPAKA KAPAL TALAGA NG PAGMUMUKHA MO! UMALIS NA KAYO DITO!" sigaw ni jennie at sinampal si Aiyu.

"ITO ITATAK MO SA KOKOTE MONG PURO KALANDIAN ANG LAMAN! PAG MAY NANGYARING MAS MALALA SA KAPATID KO?! MARK MY WORDS AIYU! AND YOU ALSO SUGA. YOU TWO WILL PAY FOR THIS!" sigaw niya at nag walkout at sinundan naman ito ni Jimin.

"Hyung, Aiyu, please. umalis muna kayo. babalitaan ko nalang kayo. Just please, hindi pa to ang tamang oras para mag explain kayo sa nangyari.

~End of part 1~

Hi guys! medyo inaantok na ko since it's almost 1 in the morning. maybe tomorrow (or should I say mamaya), iuupdate ko ang part 2 and do my best to finish this "Love yourself: highlight reel Chronicles." hehehe.
I tried to make it one shot pero para mas masakit sa feeling ng reader, hahabaan ko. Thank you sa 1.5 k likes! guys! I love you all! 💜
Good Night!

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon