"I hate you, I love you"

200 2 0
                                    

Your POV:
"Hoy! Y/n! Halika nga dito!" Tawàg sa'kin ni Suga
"Ano nanaman ba kailangan mo? Kita mo nang gumagawa ako ng project ko dito!" Sagot ko
"Aba at marunong na palang manaray tong nerd na to HAHAHA!" Sabat naman ni RM
Lintek naman tong mga to! Ang aga mangbwisit! Hay nako! Pero sabagay, di pa ba ko sanay? Sa araw araw na ginawa ng Diyos, itong mga to ang lagi kong nakakasalamuha.
Btw, Im y/n.. isang nerd? OO, kaya hindi na ko magtataka kung ako lagi ang puntirya ni Suga.
Pero hindi nya alam ang tunay na pagkatao ko, dahil baka pag nalaman nya.. magbago tingin nya sa kin.. well..
Hindi naman talaga ako yung literal na Nerd na alam nyo.
Nagpapanggap lang talaga ako, wanna know why?
*Short information*
Si Suga ay kababata ko, and first love ko.. Pero nung nalaman nya, iniwasan nya ko. Kasi daw hindi nya daw ako gusto, ang panget ko daw.
Hindi naman sa pagmamayabang pero may itsura naman ako.
Simula nong iniwasan nya ko, nag isip ako ng paraan para pansinin nya uli ako.
And this idea came up, na magdisguise ako bilang nerd. Para lang masubaybayan ko sya, kung anong reaction nya kung maka encounter sya ng mas panget saken.
*End of information*
"May project ba? Ok alam na! Gawan mo ko. Dapat ako ang highest grade sa project na yan. Pag hindi, yari ka sa kin" sabi ni Suga.
"At ano namang gagawin mo pre" tanong naman ni RM
"Salvage? Pede na?" Sagot ni Suga sabay tawa
"Tss, mga walang respeto sa babae" bulong naman ni J-Hope
"Anong sabi mo? Walang respeto sa babae? Oopps?? Wag mong sabihing.. may gusto ka dito sa panget na 'to?" Pang aasar ni RM kay hope
"Hindi na kasi tama mga pinagagagawa nyo" cold naman na sagot ni Hope sabay alis
"Oh sya, una na ko. Hoy panget! Yung project ko ayusin mo ha! Malilintikan ka talaga sakin!" Sabi ni Suga
"Sabay mo na rin ako hehe" sabi naman ni RM
"Sana bumagsak kayo!" Bulong ko..
Plinano kong hindi gawan ng project ang dalawang mokong.. Handa naman ako sa consequences at sila ang sisiguraduhin kong magugulat sa consequences na yon..
~~~KINABUKASAN~~~~
Maaga akong pumasok. Mas maaga sa daily routine ko.
Alam ko namang malelate ang dalawang unggoy na yon.. hmm, tignan nalang natin angas nila sa harap ng teacher namin..
Ng makapasok sila Suga ay saktong kasunod na nila si maam. Pagkapasok na pagkapasok nya ay tumingin sya sa direksyon ko with his "nasaan-na-yung-project-ko" look..
Nginitian ko naman to ng may pang-aasar. Alam nya na siguro ang ibig kong sabihin kaya bigla nalang nagbago ang awra ng mukha nito at napakamot sa ulo.
"Good morning class" bati ni maam cruz sa'min
"Good morning Ms. Cruz!" Bati naman namin
"Ok guys kindly pass your projects" sabi ni maam
"Maam! Pwede po bang isa isa nyo nalang po tawagin para ipasa?" Sabi ko sabay pa-cute
"Ok no problem Ms.(y/sn)"
At nagtawag na nga si Maam
"Min Suga" tawag ng teacher ko
"Ah, maam wala po akong gawa" sagot ni Suga
"Eto ka nanaman Suga! Wala ka nanamang gawa!" Galit na sabi ni maam
"Ano nanamang dahilan mo at bakit walang kang project?" Tanong ni maam
"Maam! Hindi ko po kasi sya ginawan!" Sabat ko at ngumiti kay maam.
Tumingin sa'kin si Suga with his "Yare-ka-sakin-mamaya" look
"Hay nako Suga! Bahala ka na nga! Problema mo na kapag bumaba ang grades mo" bwisit na sabi ni maàm.
~~~after class~~~~
"Hoy halika! Sumunod ka sakin" sabi ni suga sabay hatak sakin at sumunod ako na parang wala lang
"Binalak mo bang hindi ako gawan ng project? Ha? " Galit na tanong nito
"Pano pag sinabi kong OO! May magagawa ka?" Sagot ko na may pagka sarkastiko
"Aba at ang lakas naman pala ng loob mong ipahiya ako?" Sagot nya
"Waw? May hiya ka rin pala? Buti naman at tinablan ka na ng hiya?" Sagot ko
"At sumasagot ka- pa~"
"Bakit nung nalaman mong gusto kita iniwasan mo ko? Naging iba pakikitungo mo? Oh well.. ako nga pala si y/n 😊 yung taong kinamumuhian mo noon. And now? Satisfied na ko. Kasi nakita ko na marunong ka palamg mahiya" sabi ko sabay tanggal ng salamin ko, at pagbura ng kilay kong salubong.
"Y-yn?"
"Ako nga😊 I loved you but you hated me. Now I'm here in front of you again sige na, kamuhian mo na ko uli" sabi ko pero niyakap nya ko
"Akala ko nawala ka na.. matagal akong naghintay sayo.. sorry. Akala ko matatago ko pa yung feelings ko para sayo pero hindi e, bumigay din ako.. sorry sa lahat."
Sabi nya
"What do you mean?" Sabi ko
"Mahal kita y/n, mahal kita dati pa! Tinago ko lang. Ngayon, pwede ba natin kalimutan ang dati at ligawan ka?" Sabi nya
"I hate you" sabi ko
"I love you" sagot nya

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon