I CAN SAY THAT THIS IS THE BEST STORY HERE ON MY BOOK SO I HIGHLY RECOMMEND THIS TO ALL OF YOU, THIS IS A PIECE OF ART OF MY CLASSMATE AND I ASK FOR HER PERMISSION BEFORE POSTING IT HERE. JUST FOR U GUYS TO KNOW KEKEKE.
My Polaris
written by: purplebunny
*****
Y/N's POV
Siguro kung nasa ibang sitwasyon ako, nasa ibang buhay ako, na-appreciate ko na yung ganda ng paligid ko ngayon. Everything looked perfect. I was busy roaming what's inside this greenhouse I saw awhile ago. Nasa ibabaw ito ng isang burol. Napapaligiran ng mga ligaw na bulaklak. Sa loob ng greenhouse, punong puno din ng iba't ibang klase bulaklak. May santan, rose, tulips, daisy, sunflower, at iba pa. Sobrang ganda. Sa gitna nito, may isang higaan. Agad akong humiga dito na animo'y hinila at inakit ako nito.Kitang kita ko ang napakagandang langit na punong puno ng bituin nung humiga ako sa kama. Sa bawat kislap ng mga bituin at dala ng liwanag ng bilog na buwan na nakapagpadagdag ganda sa paligid, unti unting bumalik ang mga ala-ala na gusto ko nang kalimutan.
'Hindi na kita mahal, y/n'
'Wala kang kwentang anak!'
'Ano ha? Isusumbong mo ako sa Nanay mong walang kwenta ha?!'
'Yan ang nararapat sayo! Ikukulong kita sa kwarto! Malandi ka! Manang mana ka sa Nanay mo!'
'Y/n, wala na ang Mama mo.'
'I never loved you, y/n.'
Eto na naman ako, umiiyak na naman. Lagi na lang ba?
"Magandang binibini, ano ang nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" agad akong napabalikwas ng bangon ng isang baritong boses ang narinig kong nagsalita.
"Binibini, kumalma ka. Hindi kita sasaktan." nakita ko ang isang pigura ng lalaki sa madilim na parte ng greenhouse na ito. "Huwag kang matakot, pakiusap."
"S-sino ka?" nanginginig kong tanong. Nakita kong dahan dahan siyang lumalapit papunta sa akin. "W-wag kang lalapit! Dyan ka lang!"
"Ang ngalan ko'y Jin. Jin Kim, binibini. Maari na ba kitang lapitan? Pangakong lalagyan ko ng agwat na aabot sa isang pulgada ang pagitan natin, binibini. Kung iyong nanaisin, nais ko lamang na pakalmahin ang iyong kalooban."
I don't know who the hell is this guy. But I just saw myself nodding and allowing him to come closer to me. Soon enough, he stopped. Nag iwan nga siya ng sapat na agwat sa pagitan naming dalawa.
"Ano ang bumabagabag sa iyong kalooban, magandang dilag?" tanong ng lalaking na kaupo na ngayon sa harap ko. Kung saan niya na kuha ang upuan? Hindi ko din alam.
"Why the hell do you care? And why the fck are you talking like that? Stop it. It creeps me out." hindi ko alam ang ginawa ng lalaking ito sa akin, pero ang mabigat na pakiramdam na nasa dibdib ko kanina, ay unti unting nag lalaho.
Isang matipunong tawa muna ang pinakawalan niya, bago nag salita. "Pasensya na. Nasanay lang ako. Matagal na panahon na rin ng may bumisita sa akin dito sa aking tahanan."
"Matagal na panahon? Gaano katagal? And please, talk like a normal human being. You are really creeping me out. At isa pa, Jin Kim? Kim? Chinese ka? Pero hindi halata sayo. Mukha kang korean. And please explain, how the fck is this place became your 'home'? Enlighten me." mahaba kong lintaya sa kaniya.
"Mukhang sanay na sanay kang mag ingles, binibini. At andami mong tanong." muli siyang tumawa. Tawa na pawang musika sa aking pandinig.
"Fck! Can you please stop calling me 'binibini'?! My name is, y/n!" inis na sigaw ko.
"Fine. I'll stop. Like what I've said, yes. Matagal na panahon na. Gaano ka tagal? I don't know. I lost count. And for your information, I am not Chinese. I am pure korean." he laughed again. And fck! How can someone laugh so fckng sexy?!
![](https://img.wattpad.com/cover/183964112-288-k302565.jpg)
BINABASA MO ANG
Bangtan Imagines 방탄소년단
Cerita PendekSo first of all, all stories here are written in tagalog. Also, sorry kung may mga typo errors or kung ano mang mali sa mga stories hehe. By the way, all of the stories here are already posted on my facebook page "BTS one shot stories" ( you better...