My Polaris (Part 3/Last)

105 5 3
                                    

My Polaris (Part 3) [last part]
*****
Y/N's POV

Sa pag kakataong ito, alam kong tapos na. Alam kong wala na. Alam kong hindi ko na siya muling makikita pa. Alam kong sa muling pag dilat ng aking mga mata, ang walang kabuhaybuhay na kisame ng aking kwarto ang bubungad sakin. Alam kong hindi ko na muling masisilayan ang mata niyang nag kukulay asul. Alam kong hindi ko na muling madadama ang init ng kaniyang mga kamay. Alam kong hindi ko na muling maririnig ang tawa niyang nakakahawa.

Alam kong wala na. Alam kong huli na. Alam kong hanggang dito na lang.

"Paalam, Jin."

*****After 5 years*****
"Tay, I gotta go," isang halik sa pisngi at yakap ang iginawad ko sa aking ama.

"Y/n naman, sayang ang hinanda kong hapunan," malungkot niyang saad. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at muling niyakap.

"Tatay naman, I'll make it up to you, later. I promise! Kailangan ko lang talaga pumunta ngayon sa bakeshop. Mukhang may emergency. Wala na akong time para mag breakfast, tay. Promise po, mamaya, I'll treat you! Let's eat outside," pang aalo ko. Mukhang umepekto naman ito dahil umaliwalas ang kaniyang mukha.

"Pangako mo yan, ha? Osiya, bumyahe ka na at baka matraffic ka pa. Mag ingat sa daan," agad naman akong kumaripas ng takbo papunta sa aking kotse. Bumusina muna ako upang ipaalam na aalis na ako bago lumabas ng gate.

Tinupad ko ang sinabi sa akin ni Jin. Humingi ako ng tawad sa aking ama. Sinabi niya sa akin ang tunay na dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Noong mga panahong nagkasakit ang nanay, lubog na sa utang si tatay. Umabot ito sa puntong ninakawan niya si Ms Ruthermord. Ang matandang biyuda na kalaunan ay naging asawa niya. Nahuli daw siya nito na ninakaw ang mga alahas niya. Humingi ng tawad ang aking ama sa ginawang kasalanan nito. Sinabi ng matanda na hindi siya magsusumbong basta't sabihin ang dahilan kung bakit niya ito nagawa. Doon kinuwento ng aking tatay ang unos na dinaranas ng aming pamilya. Gumawa ng kondisyon ang matanda. Tutulungan niya itong gamutin ang aking ina kapalit ang katawan ng aking ama. Dahil sa desperado na si tatay na pagalingin ang aking ina, pumayag siya.

Hindi rin matanggap ng aking ama ang ginagawa niyang kababuyan at pagtataksil kay nanay. Sinubukan niyang itigil ito ngunit mas nagiging malala ang sakit ni nanay sa paglipas ng panahon. Dumating ang araw na nalaman ng nanay ang kataksilan ng aking ama, binawian ng buhay si nanay ng mismong araw na iyon. Dahil sa nangyari, napagdesisyonan ni Tatay na itigil na. Ngunit ang matanda ang mismong bumabalik sapagkat mahal na daw siya nito. Inamin sa akin ni Tatay na minahal rin niya ang matanda. Ngunit hindi kasing lakas ng pagmamahal na iginawad niya kay Nanay.

Nang sabihin sakin ito ni Tatay, hindi agad naproseso ng aking utak. Pandidiri. Iyon lamang ang laman ng aking puso para sakaniya. Ngunit sa paglipas ng panahon, naintindihan ko rin ito.

Ang pagmamahal ay wala sa edad, sa estado sa buhay, sekswalidad, at kung nabubuhay man ito sa totoong mundo. Kung mahal mo ang isang tao, mahal mo. Hindi mo iisipin ang sasabihin ng iba. Walang kasalanan ang tatay, nagmahal lamang siya. At hinding hindi mo masisi ang isang taong nagmamahal. Sapagkat ang puso ay hindi natuturuan at napipigilan.

Napangiti ako ng sumagi sa aking isipan si Jin. Mahigit limang taon na rin ang nakalilipas, ngunit ang itinitibok parin ang aking puso ay ang pangalan niya. Alam kong imposible na muling maglandas ang daan naming dalawa. Dahil ako, nabubuhay sa totoong mundo, samantalang siya, ay sa aking panaginip lamang. Ngunit hindi nawawala sa akin ang umasa. Na darating ang araw na muli kong siyang mayayakap at mahahagkan. Wala akong litrato ng kaniyang mukha. Ang tanging naiwan na alala lamang niya sa akin ay ang kwintas na lagi kong suot suot. Kataka takang nadala ko ito sa totoong mundo. Kung paano? Hindi ko din alam. Si Jin lamang ang nakakagawa ng bagay na ito.

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon