Jungkook × ReaderYour POV
Gising. Kain. Pasok. Bully. Uwi. Tulog.
Repeat.
Yan ang routine ko sa araw araw na ginawa ng Diyos.
Tampulan ng pansin.
Kesyo daw baka may malaki tapyas ako sa mukha kaya lagi akong naka mask tuwing papasok.
Ano bang problema nila sa mukha ko?
Hindi ko naman sila inaano?
Hays.
Pagpasok ko sa classroom ay wala pang tao kaya naman inilabas ko muna ang libro ko sa math, nag advance reading na rin dahil baka bigla nanamang mag pop quiz si sir mamaya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may nagbato ng kung ano man sa desk ko.
"Look who's here, napaaga naman ata ang pasok ng kaklase nating holdaper"
"HAHAHA!"
Nagsisimula nanaman sila.
Si Cindy at ang mga kaibigan nyang wala ng ibang gawin kundi ang asarin at paratangan ako ng kung ano ano dahil dito sa nakatakip sa mukha ko.
"Ano nanaman bang kailangan nyo?" Inis na tanong ko.
"Ay wow natuto nang lumaban ang dakilang holdaper." Sabi nito at biglang hinatak ang collar ng uniform ko.
"Hoy, y/n. Alam mo bang lahat kami ay namimisteryosohan sa kung ano man ang nakatago sa likod ng takip mo sa mukha ha?" Sabi nito sabay hawak sa mask ko at tila ba hahatakin.
Itinulak ko sya dahilan para mapaupo sya.
"What's going on here?"
Aba, at dumating na ang tagasalba nitong babaeng to.
Si Jungkook.
Kung si Cindy ang pinakauna sa mga babaeng laging nangbubully sa'kin. Si Jungkook naman sa lalaki.
"Jungkook, si y/n itinulak ako. Huhuhu" pag iinarte niya.
"Y/n ano nanaman ba'to!" Sigaw nya sa'kin at akma akong susugurin pero nasalag ko sya.
Oo.
Kahit lagi akong nabubully ay marunong akong lumaban.
Hindi ko lang talaga alam kung kailan titigil 'tong mga 'to sa pambubully sa'kin.
"Anong ano nanaman ba? Bakit sa'kin mo tinatanong? Jungkook kilala mo ako! Hindi ako nakakasakit kung hindi ako sinisimulan. Ngayon sa tingin mo? Bakit mo nakitang nakasalampak sa sahig yang babaeng yan?" Sigaw ko sakanya.
Best friend ko si Jungkook dati.
Pero simula nung nag aral kami dito sa school na'to, nagbago lahat.
Simula kasi ng pumasok kami dito ay naging mas focus na'ko sa pag aaral, kabaligtaran naman kay Jungkook.
Nang pumasok kami dito ay agad syang nilapitan at nilandi ni Cindy.
At ayon, naging magboyfriend- girlfriend sila.
"Y/n pwede ba?~"
"Pwede bang ano? Mag sorry ako jan? Ha, kakaiba ka talaga Jungkook."
"Jungkook! Nakita ko ang nangyari".
Napalingon ang lahat ng biglang nagsalita si Taehyung.
Estudyante sa kabilang section at isa sa mga tropa ni Jungkook.
BINABASA MO ANG
Bangtan Imagines 방탄소년단
NouvellesSo first of all, all stories here are written in tagalog. Also, sorry kung may mga typo errors or kung ano mang mali sa mga stories hehe. By the way, all of the stories here are already posted on my facebook page "BTS one shot stories" ( you better...